ANDRES
"Ako po si Joaquin. May PR package po kayo galing sa Sweets for My Treats Bakery." Ipinakita ko ang goods na aking dala.
She was in awe to see the package. Agad niyang inutusan ang kasambahay para pagbuksan ako ng gate at pinapasok sa bahay. It was a typical Pinoy house with a wide space. Naroon na sa unang palapag ang salas, kainan, at kusina.
On to the left side is their living area with two long sofa adjacent to one another and a flat screen TV planted on the wall with a long shelving unit underneath placing frames of pictures of people I am interested to know. She asked me to sit across her as I placed the basket on the coffee table. Dumating naman ang kasambahay nila upang hatiran kami ng maiinom.
"Maraming salamat at napili niyo akong bigyan ng ganito," Anito. "Karen, itutok mo nga ang electric fan sa bisita!"
Mabilis naman ginawa ni Karen ang utos.
"Walang anuman po, Ma'am Gracia."
"Tita Gracia na lang, Joaquin."
"T-Tita Gracia..." May hiya ko pang banggit. "Nakita ho kasi ng aming team kung gaano kayo kahilig sa mga baked goodies kaya napili ho kayong padalhan."
"Hindi ko lubos akalain na at my age, may magpapadala sa akin ng ganito," Kanyang hinawakan ang ribbon na nakatali sa tuktok ng basket. "Para akong may manliligaw."
We shared a short laughter. Making me quite comfortable. This lady is a life.
Pahapyaw kong binalikan ng tingin ang mga litratong nakadisplay sa shelves na nasa ilalim ng TV. May mga maliliit na litrato, may mga litrato. Mayroon larawan ni Tita Gracia na solo, at may iba naman na kasama ang asawa niya. Mayroon din na lumang litrato na sa palagay ko'y si Tita Gracia noong kabataan niya base sa kalumaan nito.
"Kayo po ba iyon?"
"Alin?" Nakangiti pa nitong tanong at aking tinignan ang litrato. Kanya naman itong sinundan ng tingin. "Iyan? Oo, ako iyan. Mga nasa 18 years old yata ako nang mga panahon na 'yan. Maganda ba ako d'yan, apo?"
"Para nga hong walang pinagbago."
"Nako, salamat." Marahan niyang hinawi ang buhok. "Nasa lahi kasi namin. Halika, ipapakita ko sa iyo ang pamilya ko."
Tumayo ito para lapitan ang mga litrato. Kinuha niya ang isang frame. Bumangon ako upang tumabi sa kanya at ipinakita ang hawak.
"Ito ang maliit kong pamilya. Ito ang asawa ko, at ang nag-iisa naming anak na si Ivanna," Ang larawan ay tila kuha mga ilang taon na ang nakalipas base sa kanilang mga kasuotan. "May mga anak na din iyan at ang gaganda ng mga batang iyon."
Inilapag niya ito at kinuha ang isa pa. "Ito naman ang aking Papa at Mama kasama ang aking mas nakababatang kapatid."
"Ano hong pangalan nila?"
"Ito," Turo niya sa lalaking nakatabi sa kanya sa upuan. "Siya ang kapatid kong si Jose. May isa din siyang anak. Hindi ko alam sa aming magkapatid kung bakit hindi sinipag na magparami ng aming magandang lahi." Ang mga hirit niya ay iba.
"Tignan mo ang ka-gwapuhan ng aking Papa." Ang ginoo na nakatayo sa kanyang likuran naman ang tinuro. "Walang duda na maganda ang aming lahi, hindi ba?"
Ngumiti ako dito. Hindi na nga yata nawala ang ngiti sa labi ko. "Tama po. Maganda po ang lahi ninyo. Sa palagay ko pati ang mga kapatid po ng Papa ninyo ay may mga itsura din."
Mabilis niyang binaba ang frame. "Nako, hindi ka nagkakamali." She extends her arm to reach a frame with a much older photo. "Ito ang mga kapatid ng Papa ko. Si Tiya Carmencita, Tiyo Angelito, at itong mestizo na naka-upo sa silya ay si Tiyo Pablo."
BINABASA MO ANG
One Great Love (COMPLETED)
FantasyBawat tao na naririto sa mundo ay may mga kahilingan. Isa na rito ang mahanap ang kanilang 'one great love'. Lahat ay nais maging masaya. Ngunit nang dahil sa isang sumpa, nabibilang na ang oras upang mahanap ang taong imposible pa sa pagputi ng uwa...