15: One Great Morning

302 23 0
                                    

ANDRES

Wala kaming klase ngayon pero napag-usapang magmimeeting kami ngayong umaga para sa nalalapit naming defense. Pero bago ako pumunta, dumaan muna ako ng coffee shop. Pinarada 'ko ng hindi kalayuan ang sasakyan bago tuluyang pumasok.

"Good morn—" I caught Gino's attention upon entering. Nawala ang mga mata niya nang ngumiti.

"Good morning, sir." Kanyang bati nang makalapit ako. "What would you like to have?"

Pilyo akong ngumiti at bahagyang lumapit sa kanya. "I was thinking of having a hot Café Americano," I teasingly looked at him. "But I changed my mind. I want a hot barista, instead."

"One hot barista just for you, honey..."

Nangisi naman siya habang ako'y mahina namang natawa.

"Ang aga mo naman ata." Aniya habang inaasikaso ang aking order.

"May meeting kasi kami ng mga ka-grupo 'ko sa research. Malapit na kasi unang defense namin."

Inilabas 'ko ang isang 500 peso bill mula sa aking wallet at inabot sa kanya.

"Hindi na. This is my treat." Pagtanggi niya habang may tinitipa sa screen.

"You sure?"

Saglitan siyang tumingin bago ibinigay sa isa ding barista ang baso na paglalagyan ng inumin 'ko.

"Hanggang anong oras ang meeting niyo?"

"Siguro mga hapon lang tapos na din 'yon. Finalization na lang naman din kami."

Napapikit ako nang maamoy ang rumagasang mainit na kape. Bukod sa amoy ng sampaguita, isa ito sa mga paboritong amoy 'ko. Maaga pa din kaya wala pa masyadong tao kaya nakakatambay ako sa counter dahil walang pila.

"You have a camera pala."

Aniya na tumukoy sa bagay na nakasabit sa aking leeg.

"Ah, ito?" Turo 'ko.

"Hindi, ayon." Pamimilosopo naman niya sabay turo sa nasa likod.

Nakatanggap siya ng malalim na pagtitig sa akin.

"Mahilig ka din pala kumuha ng mga pictures."

"Kung mapadpad ka sa Instagram 'ko, yes, I love taking photos. Lalo na kapag espesyal ang pagkakataon o oras na 'yon."

It's a fact. I so love taking photos as much as keeping memories. Especially the once in lifetime ones.

Umalis siya saglit at pagbalik ay bitbit na niya ang aking order. Up to now, hindi 'ko alam kung ano ang isinulat niya doon sa styro cup na iyon.

"P'wedeng mahiram 'yung camera mo?"

Nagtaka ako saglit pero ibinigay 'ko naman 'yon sa kanya. Inayos niya ang pagkakahawak nito sa kanan habang nakatutok ang lente sa baso na hawak niya.

"Ano'ng ginagawa mo?" Kunot-noo 'kong tanong.

"Steady..." Pirmi niyang hawak ang camera habang ako naman ay pinagmamasdan ang kanyang ginagawa.

Wala pang dalawampung segundo niyang kinunan ang litrato bago niya binalik ang camera kasama na ang order 'ko.

"Makita nga kung Instagrammable." Tinignan 'ko sa maliit na screen ng camera ang litrato.

I am impressed with the shot. Malinaw ang pagkakakuha niya sa baso habang malabo ang kapaligiran at may kislap ng sinag ng araw mula sa labas. At higit na naka-agaw ng atensyon sa akin ay ang nakasulat na pangalan sa baso.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon