12: A New Guy In Town

329 21 0
                                    

JAY

Long lines filled every cashier counters in Walmart. Everybody's in a rush to welcome the upcoming year. Nagpasama sa akin ang Mom para daw may makatulong siya sa pamimili ng mga kulang sa ihahanda namin. Naiwan naman si Uncle Philip sa bahay kasama ng mga bata. Mom was too busy with her phone talking to her colleague.

And I, well, chose to busy myself with my phone.

My girlfriend, Catriona, Viber-ed me a while ago and from then, we didn't stop exchanging messages. It's been a while since I got the chance to talk to her as we became busy separately. She had several parties to attend while I chose to rest once in a while.

Matulog ka na. It's pretty late na. I told her. Madaling araw na doon sa Pilipinas ngunit gising pa din siya.

Alright. I'm getting sleepy na din. Had my chamomile. Love you, love. See you soon.

I can't wait to see you. I love you.

And that ended our conversation. Oh, how I miss my girlfriend. Ilang araw lang kaming hindi nakapag-usap ngunit grabe ang pagka-miss 'ko sa kanya. Naging kulang ang mga araw 'ko kapag hindi ako nakakatanggap ng mensahe sa kanya. Mabuti na lamang at may pamilya ako rito upang punan ang mga sandaling hindi 'ko makasama si Catriona.

I scrolled onto my messages on Messenger. Ang dami 'kong hindi pa nababasa. With these long lines, I can spare some time. I started reading each messages from pals and other group chats. And before reading the last three unopened messages, there's Andres' name in bold letters.

I held back. I haven't heard from him since that night. Or I chose not to hear from him. I ignore his calls and messages. I was offended. I was hurt. Hindi 'ko matanggap na ang isang tao na kagaya niya, na alam ang kalakaran sa industriya na aming pinasukan, ay kaya akong kwestyunin. He might not know nothing about it, pero hindi 'ko maiwasan na sumama ang loob 'ko.

I just wanted to breathe. For years, this is the only time I will have to forget unnecessary things in the past. I want to enjoy the Holidays with the people who, in any sense of the word, will never judge me.

Ni-lock 'ko na ang phone ko't ibinulsa. I will have time for that.


GODDESSS OF LOVE

Alas kwatro ng hapon. Okupado ang bawat empleyado ng coffee shop. Hindi man madami ang tao ngunit panaka-naka ay may dumadating upang bumili ng kanilang mga inumin. Balewala sa kanila ang ganitong klase ng araw sapagkat tuwing sumasapit ang mga araw ng suweldo o kaya'y holidays ay dagsa ang mga tao.

"Your name, Ma'am?" Tanong ng baristang si Gino.

"Celine."

Hindi mabura ang ngiti sa kanyang labi sa pakikipag-ugnayan sa customer. Tinipa niya ang pangalan nito sa screen at isinulat naman sa lalagyan ang pangalan nito.

Nang matapos ang huling mamimili ay umalis muna sa kanyang puwesto si Gino. Bahagya niya pa ding nararamdaman ang sakit sa likod ugat noong nakaraang gabi. Minasahe niya ang kanyang leeg at tumungo sa backroom.

"Yosi break lang ako." Aniya sa kasamahan upang siyang palitan pansamantala.

Hinubad niya ang apron at tumungo sa locker upang kunin ang kanyang sigarilyo. Lumabas siyang bitbit ito kasama ng lighter niya. Ilang metro ang kanyang nilayo mula sa establisyimento upang doon makapag-siyesta. Sumandal siya sa poste at sinindihan ang kanyang sigarilyo.

Samantala, naalerto ang baristang nasa kahero nang dumating ang panibagong customer. Nakangiti itong humarap upang bumati.

"Good afternoon, Sir."

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon