21: Start of a New Beginning

322 19 2
                                    

• Book Two • 

GODDESSS OF LOVE

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng mga estudyanteng magsisipagtapos sa taon na ito—ang kanilang graduation day. Labis ang kagalakan at pananabik ng mga ito na makapagmartsa at makuha na ang kanilang mga diploma. Isa na dito si Andres.

Alas kwatro ng hapon pa ang oras na itinikda para sa departamento nila ngunit alas onse pa lamang ay naligo na ito para makapaghanda ng maaga. Mahigpit pagdating sa oras ang pamahalaan ang Philippine International Convention Center o PICC kung kaya pinayuhan ang mga mag-aaral na dumating isang oras bago ang itinakdang pagsisimula ng programa.

Magkakasabay na nagtanghalian sina Andres, Lolo Jose pati na ang mga kasambahay na sina Minerva, Ningning at Aling Pacing. Ngunit sila'y naaabala sa pagdating ng mga nagpapadala ng mga regalo para kay Andres.

Katulad na lamang nang nangyari noong kaarawan nito, ang mga kaibigan sa industriya ay naka-alala sa isa sa mahalagang araw para kay Andres. May mga lobo, bulaklak, at congratulatory cakes ang dumating galing sa mga ito. Ang bawat isa ay kinukunan niya ng litrato at ipino-post sa Instagram stories para mapasalamatan ang mga ito.

"Okay na po ba ang damit mo, 'Lo?" Tanong ni Andres bago siya pumanhik sa kanyang kwarto bago ito mag-ayos muli.

"Kagabi pa naka-plantsa, apo. Sige at magbihis ka na para maka-alis na din tayo maya-maya."

Bumalik na nga siya sa kanyang kwarto at sinimulan na ang pag-aayos sa sarili.

Samantala, kung si Andres ay hindi na maistorbo sa paghahanda sa kanilang pagtatapos, kabaligtaran nito ang kaibigan niyang si Jay. Iba si Jay sa mga magtatapos na estudyante.

Dalawang oras bago mag-alas kwatro ng hapon, nakahilata pa din ito sa kanyang higaan. Tapos na siyang kumain pati na ang maligo. Nakahilata na lang siya sa kama suot lamang ang kanyang brief. Hinihintay na lamang niya ang sumapit ang alas alas dos y media para suotin ang mga biniling damit para sa kanyang pagtatapos.

What makes this day special aside from finishing school? Ang mga katagang tumatakbo sa kanyang isipan.

After all, he will be attending alone.

Pinatong niya ang isa pang unan sa kanyang ulo at humiga ng ayos. Naisip niya ang isang paraan para magpatay ng oras. Kinuha niya ang cellphone at doon naglaro na lamang ng kanyang mobile games.

Mabilis na tumakbo ang oras at nakahanda nang umalis si Andres at Lolo Jose. Sinarado niya ang pintuan ng kanyang kwarto habang naka-ipit ang sa kanyang tenga at balikat ang telepono.

"Paalis na kami, baba. Yeah. I'll message you when we got there." Kausap niya ang nobyo sa kabilang linya.

Naka-break ito sa trabaho at kinuha ang pagkakataon na kausapin ang nobyong magtatapos. Inimbitahan siya ni Andres na sumama sa kanya kasama ang Lolo Jose pero hindi siya pinayagang um-absent dahil may katrabaho siyang naunahan makapagpaalam. Sa hapunan na lamang daw siya dadalo sa isang restaurant sa Taguig.

Nagmamadali na itong bumaba dahil naroon na ang kanyang Lolo Jose. Lumabas na din ng kwarto si Aling Pacing bitbit ang pinlantsang toga ni Andres.

"Oh, baka makalimutan pa ito. Ilalagay 'ko na sa sasakyan." Lumabas naman ito ng bahay para ilagay na ito sa sasakyan ni Andres.

Sa paglabas naman nito'y pagpasok ng isa pa niyang bisita.

"'Pa!" Malaking ngiti ang sumalubong kay Luis nang dumating ito.

Yinakap niya ang ama. Labis ang tuwa niya nang makarating ito. Siya na lamang ang inaasahan niya na sumama maliban sa kanyang lolo.

"Congratulations, anak." Ibinigay niya ang maliit na paper bag dito. "Para sa iyo."

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon