GODDESSS OF LOVE
The morning after was different, surreal. The household of the Montecillos started busy first thing in the morning. Aling Pacing cooked everything for breakfast. Helped by Minerva fixing the table. Ningning, on the other hand, was still asleep.
Naunang bumangon si Lolo Jose. Bumaba ito agad sa kusina upang magtimpla ng kanyang kape. Nangamoy sa buong unang palapag ang katas mula sa pinakuluang coffee beans. Hinaluan ito ng isang kutsaritang asukal at creamer. Ang bagong dating na dyaryo ay kanyang kinuha mula sa lamesa at lumabas ng bakuran upang doon gawin ang kanyang pagbabasa.
Nagising na din si Andrea, anak ni Jose, mula sa mahimbing nitong pagkakatulog kahit pa maikling oras. Dahil pangatlong araw pa lamang sa bansa, sinasala pa ng katawan nito ang oras ng pagtulog. Naghilamos lamang at bumaba na.
"Magandang umaga po, Ma'am Andrea." Bati ng nakasalubong niyang si Minerva sa salas. "Handa na po ang agahan."
Gumanti ng ngiti si Andrea. "Maraming salamat, Minerva. Ang Papa? Gising na ba?"
"Nasa likuran ho."
Tumungo na sa silid-kainan si Andrea. Binati siya ng matandang kasamabahay. Si Aling Pacing ay matagal na ring kasama nila sa bahay. Mula noong dalaga siya hanggang sa ngayon may iba na siyang pamilya.
"Sasabay na rin ho ba kayo? Maganda po kung magkakasabay tayong lahat."
"Susunod na lamang kami sa inyo, Andrea." Nakangiti nitong tugon habang pinupunasan ng bimpo ang kakahugas lamang na mga kamay.
Humalik siya sa pisngi ng ama nang puntahan ito. Umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ng ama.
"You still do it pala, Pa."
Inilapt ni Lolo Jose ang pahina ng dyaryo. "May mga bagay na hindi talaga nagbabago, Andrea." Bumaling ito sa anak at ngumiti.
"I miss these kind of mornings with you, Pa."
She rested her back on the metal chair. Puti ang pintura nito ngunit nagbakbak na at lumanatad ang kulay ng bakal. Somewhat time has been elusive for the both of them.
Samantala, kalalabas lamang ni Gino mula sa banyo. Hilamos at sipilyo ang ginawa nito. Sinusuklay naman ni Andres ang kanyang buhok na hinihintay na lamang ang nobyo. Yinakap siya nito mula sa likod at hinalikan sa pisngi.
"I think this is much better than any breakfast." Umikot siya at sinakop ang labi ng nobyo.
They had all the energy to relive what happened on the wee hours. Suddenly, they had to get up have their meals. Bumaba na silang dalawa sa kainan kung saan naabutan na nilang kumakain sina Andrea at Lolo Jose.
"Good morning, Ma!" Bati ni Andres at humalik sa pisngi ng ina.
Nagmano din siya sa kanyang Lolo Jose. Nagbigay galang din si Gino sa dalawang nakakatanda bago naupo sa tabi ni Gino.
"How was your first day of being unemployed?" Andrea teased. She bite on her bacon and eggs.
Andres was putting on eggs and spam on his plate. "Masaya naman. Charot! I have a gig on Saturday. I'm not unemployed. Hindi nga lang stuck up sa isang kumpanya."
"Alam 'ko namang gusto mo itong tinapos mo. And you're practicing it while finishing your degree. Humanap ka lang ng matinong papasukan. Check the benefits and the offer before signing."
Andrea reminded her eldest being someone who has been working for two decades.
"Kumusta naman ang inyong tulog?" Tanong ng Lolo Jose.
BINABASA MO ANG
One Great Love (COMPLETED)
FantasyBawat tao na naririto sa mundo ay may mga kahilingan. Isa na rito ang mahanap ang kanilang 'one great love'. Lahat ay nais maging masaya. Ngunit nang dahil sa isang sumpa, nabibilang na ang oras upang mahanap ang taong imposible pa sa pagputi ng uwa...