ANDRES
Pagkatapos pa lang magpaalam ni MGMA, kumaripas na ang lahat palabas ng klasrum. Ang mga kaibigan 'kong magaganda ay nagre-touch pa. Hindi na rin naman bago. Kapag nagmadali silang lumabas, 'yon ang hindi kapani-paniwala.
"Tayo na lang yata ang kailangan ng re-touch. 'Yung isa d'yan, natural ang pagiging blooming." Biro nang nag-lilipstick na si Julia.
"True." Sang-ayon naman ni Matt-ilda.
Abala ako sa cellphone 'ko pero napatingin ako sa kanila. Tapos na sa kanilang ginagawa si Erich at Gel. Pinapanood na lang namin sina Matt at Julia.
"Kailan ka ba kasi magkaka-dyowa, Matt?" Tanong ni Gel.
"Naunahan ka pa tuloy nito ni Andres. Ikaw itong madalas na may kausap, wala naman commitment." Segunda naman ni Erich.
"Takot yata sa commitment itong si bakla." Si Julia.
Nakisali na din ako sa usapan. "More so, ayaw no'ng mga lalaki niya."
Nagsilabas na kami ng room at naglakad na sa pasilyo.
"Ang swerte mo kay Gino, 'no?" Sambit ng katabi 'kong si Erich.
Ngumiti ako sa pagbaling ng tingin sa kanya. "Maswerte siya. Nakilala niya ako, eh."
"Nako! Ginamitan mo lang ng powers mo 'yon para mapa-oo." Kontra ni Julia.
"Excuse me, hindi 'ko pa nagagamit ang aking super powers." Sinabayan 'ko nang pag-irap. "Baka kapag ginamitan 'ko na, maloka siya. Ayain niya na akong magpakasal."
Ang powers na pinag-uusapan namin ay... Rated SPG. Striktong gabay at patnubay ng magulang at ng nakakaganda ang kailangan. At doon ako magaling. Sobra.
"I honestly think na Gino is the perfect guy for you." Bihira man magsalita pero tumatagos sa puso. Ganyan si Gel. Inakbayan 'ko na lang at inakap.
"Sana nga siya na talaga forevs!"
Wala na kaming pasok sa research class at finalize na lang kami ng papel. Dahil wala na kaming klase, we decided to go elsewhere. And the chosen place: Intramuros. Tamang-tama lang dahil pagkatapos naming mananghalian, lumilim na ang kainitan ng hapon.
"Ang dami pa ding turista, 'no." Komento ni Erich habang nilalasap ang kanyang sorbetes. Tig-iisa kami, actually.
"At ang dami ding afam!" May tili pang sambit ni Matt na nakatanggap ng kurot kay Erich.
"Baka marinig ka nila." Suway nito.
Binabagtas namin ang malawak na lupain ng Plaza Moriones patungong Fort Santiago. Kasabay naming naglilibot ang ilang mga turista na ibang lahi pati na ang mga estudyante. Karamihan sa kanila ay mga taga-Lyceum, Mapua, at Letran. Madami din dayo, gaya namin.
"Picture tayo doon!" Turo ni Julia sa malaking pader na papasok sa Fort Santiago.
Mabilis kaming nagsitakbo patungo doon. Mabuti at dala 'ko ang camera kaya panay ang emote namin. Nagpakuha din kami ng group shot sa isang kapwa din namin estudyante. Matagal na mula noong huli akong naka-apak sa Intramuros. Three years ago? May event kasi no'n. But now I see how the place is well-maintained.
Nangunguna na ang apat sa paglalakad samantalang ako'y abala sa aking telepono. Magkausap kasi kami ni Gino. Hindi daw full-packed ang coffee shop kaya sana daw hindi na lang siya pumasok.
We toured inside the vicinity. Ang lawak pala nito. Sa loob ng higit dalawang oras, natapos namin ang tour. At tumodo kami ng pictorial. Bago pa sumapit ang sunset, tumambay naman kami sa itaas ng naglalakihang pader ng Intramuros.
BINABASA MO ANG
One Great Love (COMPLETED)
FantasyBawat tao na naririto sa mundo ay may mga kahilingan. Isa na rito ang mahanap ang kanilang 'one great love'. Lahat ay nais maging masaya. Ngunit nang dahil sa isang sumpa, nabibilang na ang oras upang mahanap ang taong imposible pa sa pagputi ng uwa...