29: Good Things

279 22 2
                                    

ANDRES

Magta-tanghali na nang makabalik ako sa bahay. With me was Gino who drove the car. Nakahinga na ako ng maluwag ngayong alam kong maayos na kaming muli. We patched things up last night. And I suffered the hard way. But it was a good suffering, though. Suffering that I quite missed.

Si Minerva ang nagbukas ng gate at isinara nang makaparada na ang sasakyan sa loob. Pinatay na ni Gino ang makina at lumabas na kaming dalawa. Sumalubong sa amin ang Minerva na may dala pang walis-tambo.

"Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Jose sa loob." Aniya at naunang pumasok sa loob.

Lumabas naman mula sa kusina si Aling Pacing na siyang suot pa ang apron. "Saan ka ba nanggaling, Andres at inabot ka ng tanghali? Alam mo namang nag-aalala sa'yo ang Lolo mo. Kagagaling mo lang sa ospital hindi ba."

"Nagsabi naman po ako kay Lolo na bukas na ako uuwi. Kasama ko naman po si Gino kagabi." Bumalinga ko ng tingin sa nobyo kong tila may gulat sa reaksyon. "Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo."

"Ospital?" Ani nang tila naguguluhang si Gino."Na-ospital ka?"

"Oho. Fatigue daw dahil sa pagod noong kampanya at ilang gabi pang hindi kumain at natulog. Namumugto pa nga daw ang mga mata at hindi nakaka-usap." Walang preno na pagsali ni Minerva sa usapan.

Hindi ko nga pala nasabi kay Gino ang tungkol sa nangyari sa akin noong isang araw. And I thought it was unnecessary for him to know. But his face says otherwise. Hinila niya ako sa labas at kinausap.

"Ano'ng nangyari sa'yo na hindi ko alam? Is everything okay?" I hear worry in his tone. "I'm sorry, baba. Hindi ko alam. Kung alam ko lang, sana mabilis kitang napuntahan."

"I am fine, baba. Tapos na." I assured him and tapped his shoulder. "Nakapagpahinga naman na ako bago kami bumalik dito sa Manila. You have nothing to worry."

He pulled me into a hug. "I'm sorry if I made you anxious dahil sa tampo ko. I promise it won't happen again. I won't give you any reason to feel that way again."

Napangiti naman ako sa mga sinabi niya. Sana ay lagi na lang ganito. Bawat argumento o tampuhan ay naayos namin agad. Sa susunod, nawa mas maging mature pa kami sa pag-handle ng mga ganitong bagay.

"Dito na lang tayo mamaya?" He asked.

"Movie marathon?"

Ngumisi siya at dumampi ng halik sa aking pisngi. "Sounds better."

Nang hapon na 'yon, binuksan ko ang laptop at binuno ang maghapon sa pagsagot ng mga inquiries. Hindi ako makasagot sapagkat plano ko nang magsimula ng trabaho sa susunod na buwan. Iyon nga lang, wala pa akong kompanya na papasukan.

Sa kalagitnaan ng aking pagtutok sa laptop, tumunog ang telepono kong nasa kama. Bumangon muna ako sa aking kinauupuan at dinampot ito. It was Mr. Ongpauco—the current Public Relations Manager of 3M Communications Incorporated.

"Andres!" He greeted.

"Sir Ely! Hi! Kumusta po?" I asked lively and politely at the same time.

"I'm doing fine. Is it a good time to call?"

"Anytime is a good time to call. Basta ikaw, Sir Ely."

"Hindi ka na talaga nagbago." With a laugh, he said. "Hindi ko na rin patatagalin. You know how amaze I am when we get you hosting the events of the companies we worked with. At alam ko din na matagal ka na sa industriya natin at gamay mo na ang kalakaran. I have a post waiting for you here in our firm. My social media team needs one more specialist. And I believe you are perfect for the position."

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon