3: Pamilya Ni Andres

527 32 0
                                    

ANDRES

Tinutuyo ko ng tuwalya ang aking buhok nang makalabas ng banyo. Malapit na pala akong maputulan ng phone line kaya kailangan nang magbayad ngayon. Kung anu-ano kasi ang inuna ko kaya nakalimutan ko.

Umupo ako sa harap ng aking salamin at tinuyo pa ng blower ang aking buhok. Habang nagtutuyo ako ay tumunog ang phone kong nasa kama. Tumayo muna ako at inabot ito. Si mama tumatawag!

"Maaaa!" Bungad ko dito habang inaayos ko ang phone sa harap ng salamin. Video call pa ang nais.

Sinaksak ko na muna ang plantsa dahil maingay si blower. At ang mama ko naman ay nasa labas ng kanilang bahay habang nagsu-snow sa likod nito.

"Makapang-inggit naman!" Sabi ko dito habang pinanonood siya.

"Gusto ko makita mo ang snow." Sabi niya at nilipat ang kamera sa likod para makita ko ang pagbagsak ng mga yelo.

"Sayang 'yang yelo. Magtinda ka ng halo-halo tignan ko lang kung maubusan ka ng supply ng yelo." Sabi ko dito habang pinaplantsa na ang aking buhok.

"Puro ka talaga kalokohan, anak!" Nilipat na niya sa mukha niya ang kamera. "Kumusta pala ang birthday? Pasensya na hindi ako nakatawag. Kakauwi ko lang kahapon galing conference. Isang linggo kaming nabagot sa pakikinig."

"Masaya naman. Nandito ang mga kapatid mo't mga jusawa nila. At s'yempre nandito din ang presensya mo dahil sa pa-catering!"

"Hanggang doon na lang muna ang presensya ko. Hamo't makaka-uwi din ako d'yan sa mga susunod mong birthday."

"Nako, baka wala ka nang maabutan." Biro ko pa dito.

"'Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Batang 'to."

"Tulungan mo kasi akong magdasal na makahanap ng true love. Magpadala ka ng Canadian. Tutal exotic ang tingin nila sa mga Aseyano, like us!"

"Baka naman kasi talagang babae ang para sa'yo, anak."

"Ang baboy mo, 'ma! Si Uncle Arman nagdala pa dito ng babae at pinakilala sa'kin. Akala niya mabebet-an ko, eh mas maganda pa apply ko ng foundation sa kanya. Wrong shade pa!"

"Subukan mo lang. Malay mo."

"Hindi ko na lang hihintayin birthday ko! Pakamatay na 'ko!"

Natawa din si mama sa kabilang linya.

"Anong ganap ng mga kapatid ko d'yan?"

"Nasa fire place kasama ng Tito Bart mo."

Si Tito Bart ang bagong jusawa ni madir. Pinoy din naman siya pero ayon nga't nagmigrate sila sa Canada at doon na bumuo ng pamilya. Gusto rin ako isama ni mama kaso mas bet ko dito sa Philippines. Laos kasi sa Miss Universe si Miss Canada eh. Cheret!

"'Yung papa mo ba, anong regalo sa'yo?"

Itinigil ko ang pagpaplantsa at sandaling napa-isip. Meron nga ba?

"Parang waley. Waley nga." Nagpatuloy na ako ulit sa ginagawa.

"'Yang papa mo talaga, oo." Mukhang dismayado din si mama sa kabilang bakod ng mundo.

"Sige na, anak. Nangangatog na ako sa lamig dito!"

"Okey, babu! Mwa!" Nilapit ko ang labi ko sa kamera at kumiss.

Hay, I miss my Mama so much. Hindi rin pala gano'n kadali magkaroon ng broken family, ano. Kung sino pa 'yung nasa ibang bansa, siya pa panay kamusta. 'Yung nandito sa Pilipinas, bibihira. Nasa iisang lungsod lang kami ah. Pero sabagay, malawak din naman 'tong QC at malabong magtagpo kami ng papa ko dito.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon