4: Jay

462 33 0
                                    

ANDRES

My first class is at 9 in the morning. Sa kamalas-malasan, nagising ako ng alas siyete at naipit pa sa traffic. Ngayon ay nagmamadali ako sa paghabol na masimulan ang klase. Dalawa na nga lang ang subject ko, male-late pa ako sa una. Iniiwasan ko ang bawat estudyanteng makasalubong dahil siguradong tutumba sila kapag nabangga ko.

Finally, Room 402, nakita ko na!

Sumilip muna ako sa maliit na salamin at wala pa naman doon ang professor namin. Binuksan ko na ang pintuan at pumasok sa loob. Agad ko namang nakita ang mga kaibigan kong napalingon ng pumasok ako.

"Andres!" Sabi ni Julia.

Tumabi ako sa kanya na kasama din ang iba pa naming kaibigan.

"Hingal na hingal ka. Puyat ka kagabi 'no?" Tanong ni Erich.

Pinunasan ko muna ng panyo ang mga pawis sa tumulo sa noo ko. Napatingin sila sa bagong pasok ng classroom. Kaibigan din pala namin!

"Ba't kaya puyat ang mga badeng?" Nang-uusia pang tanong ni Angel.

Umupo sa tabi ko ang bumabawi pa sa hininga na si Matt.

"Magkasama ba kayo kagabi?" Tanong ni Julia.

"No." Tanggi ko.

Pero sa totoo lang ay nagkita kami ni Matt kagabi sa isang bar sa Taguig. Hindi namin inaasahan na nandoon din siya. May date siyang kasama, at mayroon din ako. Pero ending, naharvat ng iba ang mga date namin kaya nakigrupo kami sa iba.

Tinignan ko si Matt na ngayo'y hinihingal pa.

Muling bumukas na ang pintuan ng room at pumasok na ang aming professor. Natahimik ang lahat dahil kilala na strikta, maldita at nangwawalang hiya ang propesora na ito. Gano'n siguro kapag matanda na at dalaga pa. Ibinagsak niya ang dalang libro sa lamesa sa harap at tinitignan ang mga nanglilit nang mga estudyante.

"Wala ba akong good morning?" Ngumiti ito ng nakatayo kaya madali kaming bumati.

"For those who doesn't know me, I am Ms. Gloria Maria Aspillera. Or MGMA for short." Isinulat niya pa ito sa white board nang malalaki.

"Don't worry, people. I won't bite. Pero nangangagat ako sa mga tanga!" Tumaas ang boses niya kaya nagulat kami.

Ngumiti ito bigla at nilibot ang paningin sa classroom.

"I won't fail you if you don't fail to submit your requirements. Ang magmakaawa sa akin na ipasa ko sila ay walang dalawang isip na aking ibabagsak!"

Dati naririnig ko lang ang tungkol sa kanya ngunit iba din pala kapag naranasan mo na nang personal. Mas nakakakilabot!

"Baldivia, Julia Francesca." Tawag niya at nagtaas ng kamay ang kahilera kong si Julia.

Nag-a-attendance na si MGMA.

"Pipe ka? Say present!"

"Present po." Nagulat naman ang kaibigan kong 'yon. Kawawa naman.

Umirap pa ang matanda at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"Colmenares, Angelica."

"Present!"

"Gancaycao, Erika Chryselle."

"Present!"

"Ferman, Gianmatteo."

"Ma'am! Present po."

"Rodriguez, Andres Joaquin."

"Present po!"

Natapos ang attendance at nagpaliwanag siya sa mga mangyayari sa klase. Pinamigay din niya ang syllabus kung saan naroon lahat ng aaralin namin. Nagbanta pa siya na nagpapa-surprise quiz siya kaya dapat daw laging handa.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon