36: His Comfort

246 25 5
                                    

ANDRES

"Yeah. Kararating ko lang." I said to the person on the other line.

Tumawid ako sa pedestrian lane patungo ng Greenbelt. Sumalubong ang malamig na hangin nang makapasok na ako ng mall. Huwebes pa lang pero dagsa na ang tao sa pamilihan. Napalibutan ako ng mga high-end brands na akin lamang dinaanan dahil kahit sumahod pa ako, wala akong pambili.

Dumiretso ako ng H&M para makapamili ng susuotin ko sa birthday celebration ng Lolo Jose bukas. Parang noong nakaraan lang ay pinag-uusapan namin ito. Kay bilis naman talaga ng panahon, oo.

"Good to know you arrived safely."

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapangiti hindi dahil sa ganda ng damit na aking tinignan bagkus ay doon sa sinabi niya.

"Ito naman. Malapit lang naman sa office 'to."

"Kahit pa. Ayokong may hindi magandang mangyari sa'yo."

Napa-impit ako ng labi sa kilig. Hinila ko ang isang bomber jacket kasama ng isang undershirt na palagay ko ay babagay sa akin.

"Sige na, sige na," Isinara ko ang pintuan ng fitting room at isinabit doon ang mga susukatin ko. "Tawagan na lang kita mamaya."

"Siguraduhin mong tatawag ka, ha."

Pahabol pa niya bago namin tinapos ang tawag. Ibinulsa ko na ang phone at ginawa na ang aking pakay. Sa buong oras ng paglalakad ko mula opisina hanggang Greenbelt ay hindi na naputol ang usapan namin ni Zac.

Right after that morning, he initiates a lot of things. He calls first, messages me first. He would ask me kung kumain na ba ako, kung nakarating na ba ako ng opisina o nakauwi na ng bahay. He started to act from best friend to boyfriend.

We haven't had sex more than a week after that talk. Inayos namin ang mga sarili namin at kung ano ba talaga kami. I was glad that he was open to building this relationship with me. Hindi pa naman ito mutual feelings, but I want to believe we will get there.

Lumabas ako ng store na higit sa dalawa ang binili na nakasilid sa dalawang paper bag. Kailangan ko ding magmadali dahil lalabhan ko pa ang mga ito para at nang maiplantsa bago dalhin bukas sa hotel. But I still have one more important business before leaving—Lolo Jose's gift!

I have actually had zero ideas kung ano ang gugustuhin ng Lolo Jose na regalo. He wasn't expecting, though. But as a young girl, magreregalo ako ng isang material na bagay na magpapaalala ng aming pagsasama.

And as I walked my way to somewhere I haven't figured, passing from mall doors and outdoor parks, I entered a watch store. I know how expensive their watches are but money wouldn't be an issue.

They have adorable watches and some are new releases. Their watches are shelved inside glass boxes displayed around their little store. The boutique has two salesladies who welcomed me behind their counter.

Inilibot ko ang paningin sa mga relo. They are all beautiful. And I assume that the prices would take my thousands.

"May I take a closer look at this?" Turo ko sa isang relo nasa loob ng salamin.

Maingat itong inilabas mula doon at inilapag sa aking harapan. Unang tingin ko pa lang, alam kong magugustuhan ng Lolo Jose ito. She further explained the specifications of the watch and after, she had my credit card swiped. Pikit-mata ko na lamang ito ginawa.

Kaunti lamang ang inusad ng mga sasakyan at muli na namang huminto. Katulad ng nakasanayan, usad pagong na naman ang trapiko sa EDSA. Mabuti na lang at may maganda akong tugtugan na mag-aaliw sa sarili kong nabubulok na sa traffic.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon