16: At their Happiest

313 28 0
                                    

ANDRES

Gumising ako ng sobrang aga ngayon upang makapaghanda sa paparating na defense namin mamaya. Kagabi, nagbake na ako ng mga dadalhin naming cupcakes para sa thesis panel. I checked on my time, its 7:42 am. Defense is at 11 pa naman. But we still have some last minute hurrah.

I started applying powder on my face. Konting brush lang ng eyebrows and fill ng empty spaces. I used lip tint para lang magkaroon ng kulay ang labi 'ko. Our team decided to wear uniformed outfits for today. Sinuot 'ko na ang white long sleeves that I tucked in my slim fit black slacks. Inayos 'ko ang maroon colored necktie na aming napagkasunduan at huling isinuot ang maroon suit.

We are hashtag team maroon.

Kinuha 'ko na ang bag at madaling bumaba na. Dumiretso ako ng kusina kung saan naroon na ang lolo.

"Good morning, 'Lo." Humalik ako sa noo niya bago naupo sa bakanteng upuan na nasa kaliwa niya.

Kumuha ako ng itlog at hotdog na pinrito ni Aling Pacing. Inilapag din niya ang bagong timpla na kape sa aking gilid.

"Ngayon na nga pala 'yang defense niyo. Napag-aralan mo ba ng maigi 'yung papel ninyo?"

"Yes, 'Lo. We prepared for this many times. Mamaya bago magstart, papasada pa kami ng isa pa."

Humigop ng kanyang mainit na kape ang lolo. "Remember to keep calm. At 'wag mong pangungunahan ng impormasyon ang panel kapag hindi ka pa tinatanong. Baka mahirapan kang makasagot."

"Keeping that in mind, 'Lo. Salamat."

After a brief breakfast, I head on to school. Naglalakad pa lang ako sa hallway bago makarating ng classroom ay kita 'ko nang abala ang mga estudyante. Makikilala mo agad ang mga kaklase 'ko dahil mga pormal ang kanilang mga kasuotan. At pakalat-kalat sila sa iba't ibang parte ng palapag para sa kanilang pag-aaral.

Pagpasok ng classroom ay namataan 'ko na agad ang mga naka-maroon. Magkakasama na sina Kiko. Gabbi, at Ritch sa isang sulok. Inaayos pa din ni Kiko ang presentation sa kanyang laptop at mukhang nagdidiscuss pa ang dalawang babae.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa gilid ni Kiko.

"Am I late?" Tanong 'ko sa kanila. Inilapag 'ko sa arm chair ng aking upuan ang mga naka-package ng balut cupcakes. Limang set ang ginawa 'ko para sa apat na panel at sa aming adviser.

"We still have time. But where's Jay?" Ani Ritch.

"Magkatext kami fifteen minutes ago. Hihintayin niya pa magbukas ang mall ng 10 bago pumunta dito." Sagot naman ni Kiko.

Medyo nakonsensya naman ako dahil dalawa kaming nakatoka sa appreciation gifts pero siya lang itong kumikilos ngayon.

"Puntahan 'ko na lang si Jay then sabay na kaming pupunta dito."

"Dalian mo lang, ha."

Tumayo na ako at nagmadaling bumaba sa parking. I started calling Jay while maneuvering the car. Mabilis din naman niyang sinagot.

"What's up?" He answered.

"Nasa bahay ka pa? I totally forgot about the tokens. Daanan na kita."

"Nandito na ako sa labas ng mall. Hinihintay 'ko na lang magbukas."

"Alright. I'll meet you there."

"There's no ne—" I ended up the call before he could protest. Sasabihin lang niya na hindi na ako kailangan at siya na lang ang gagawa. Kaming dalawa ang nakatoka dito kung kaya't kailangan magkasama kami.

Dahil malapit lang naman ang mall, wala pang dalawampung minuto ay nakarating na ako dito. Bumaba ako ng sasakyan matapos makapagpark ng sasakyan sa labas. Bukas na yata ang mall pero wala pa masyadong tao. Sinubukan 'kong pumasok at mukhang p'wede naman na.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon