47: His Side of Love

272 24 11
                                    

ANDRES

Kahapon pa lang, sandamakmak na ang ipinamalengke nina Minerva at Aling Pacing. Ako naman, tumungo sa grocery para bumili ng mga kakailanganin ko para sa mga importanteng bisita na dadating bukas ng umaga. Ilang lobo at gold balloon letters ang aking binili. Kasama na dito ang ingredients sa cake na gagawin ko.

Hatinggabi na kami natapos magbake at mag-ayos. Nakatabi na rin sa loob ng chiller ang cake para bukas ay ilalabas na lang. Lahat sa kusina at kainan ay nakaset na. Gigising na lang bukas ng maaga para tumulong sa ilan pang gagawin.

At nang sumapit na nga ang alas-onse ng umaga, habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin, narinig ko ang pagkaripas ni Ningning sa itaas at mabilis na kumatok sa pintuan ko.

"Kuya! Nandito na silaaaa!"

Halos maibato ko sa gilid ang suklay at mabilis na sinuot ang pang-itaas ko. Nagsuot ako ng tsinelas at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto at tumungo sa bintana sa itaas para silipin ang nasa ilabas. Kakaparada pa lamang ng sasakyan ni Uncle Arman sa tapat ng pintuan namin. Hindi rin ito makita bilang may bubong na nakaharang.

Mabilis na akong bumaba. Malaking nakabukas ang pintuan at naka-abang ang Lolo Jose sa tabi nito. Bihis din ang Lolo Jose sa kanyang pangkaraniwang t-shirt na naka-tuck in sa jogging pants niya. Inakap ko ang gilid nito at nakangiting naka-abang.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan sa gilid at sa paglabas ng bisitang naroon, suot ang kanyang pink na jacket at maong na pantalon, pati na ang malalaki niyang ngiti, sa pagbaba niya ay patakbo akong sumalubong.

Isang mahigpit at mainit na yakap ang ginawad ko sa kanya. Si mama. Nandito na siya!

"Motheeeeer!" Magiliw kong sambit bago ako tuluyang kumalas sa kanya.

Hindi pa din nagbago ang kanyang ganda at kutis kahit na nagka-edad na. Naroon pa rin ang Andrea Montecillo na pinagmanahan ng gandang mayroon ako ngayon. Lagpas balikat na din ang kanyang buhok at nakahawi sa gilid ang kanyang humaba na ding bangs.

Tumabi kami sa gilid at lumabas ang isang batang lalaki. He is my younger brother Bernard. Suot pa niya ay maong na jacket at tila nahihiya pa. Tumabi ito sa aming mama at bahagyang ginulo nito ang buhok.

"Bernard, meet your Kuya Andres."

Ngumiti ako dito nang mag-angat siya ng ulo. He was quick to give me a smile but again looks down to his phone. Sa kabilang side naman lumabas ang Uncle Bart karga ang isa ko pang kapatid na si Jenna.

Buong ngiti ko silang sinalubong ng yakap. Matagal na rin mula noong nakilala ko si Tito Bart. Bago-bago pa sila ni mama noon. Hanggang sa tuluyan na nga silang nag-fly sa other country. Mahigpit niya din akong yinakap at ipinakilala sa aking bunsong kapatid.

Bernard is six, Jenna is four. Natutuwa akong makita at makasama sila pero nanghihinayang din bilang sa ganitong panahon ay may pasok pa sa eskwelahan si Bernard ngunit nagpaliban ng tatlong linggo para makauwi dito.

Pumanhik na kami sa pintuan upang mangumusta kay Lolo Jose. Tinulungan ko na din si Uncle Arman na magbaba ng mga bagahe nila at ilang balikbayan boxes na baon nila. Nang makasettle ang lahat, pumunta na kami sa dining room.

Doon, nasa bintana ang malaking 'Welcome Home' na aming idinikit. Nakalutang din sa kisame ang lobo at ang ilang dagdag pakinang. Nag-uumapaw sa Filipino food ang hinanda sa aming lamesa. Adobo, sinigang, kare-kare, inihaw na bangus at barbeque, may ginisang gulay din. At higit sa lahat, isang kawali ng bagong saing na kanin. Early lunch na rin namin ito dahil papatanghali na rin naman.

Sa sentro naka-upo ang Lolo Jose, sa kanyang kaliwa sina Mama, Bernard, Jenna at Tito Bart. Sa kanan naman niya kami nina Uncle Arman at Auntie Carol na siyang sumundo kila mama sa airport.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon