26: Few More Days

277 20 6
                                    

ANDRES

Isang masaganang almusal ang inihanda sa amin ni Manang Rosario. Day off muna ako sa morning campaign. I just wanted to spend the whole morning with Lolo Jose. Mula kasi noong nagsimula akong sumama kina Uncle mangampanya, hindi 'ko na siya nakakasama. Kaya pagkatapos ng almusal, habang nagsasagot ng kanyang crossword puzzle sa isang tabloid, sinamahan 'ko siya.

"Technical." Sabay turo 'ko doon sa kahon na sinasagutan niya. "Ang sabi kasi, concerning mechanical arts."

"Sigurado ka ha." Aniya na isinulat din niya.

Lumipas ang isang oras na tinulungan 'ko si Lolo Jose sa crossword niya. Ganito kami noong bata pa ako. Tuwing umaga, lalo na kapag wala akong pasok, pagkatapos niyang magbasa ng mga balita ay sinasagutan niya ang crossword puzzle game. Tatabi ako sa kanya, kakadong pa-minsan, saka ako makikigulo. And time flew the last time it happened. And I was wishing to have more mornings like this with him.

Sa tagal ng pananatili 'ko dito sa bahay, hindi pa ako nadadako sa ibaba kung saan naroon ang kwarto ng pamilya nina Rubi pati na ang bodega. Sa gilid ang daan nito patungo sa likod kung nasaan naroon ang pintuan. Hindi pa man ako nakakapasok, nakarinig na ako ng nagluluto. Kaya nang makasilip sa pintuan, naroon si Manang Rosario na nagluluto ng kanilang agahan.

"Ano iyon, Andres?" Nakangiti niyang tanong habang binabaliktad ang kanyang piniprito.

"Wala naman ho." Tuluyan akong pumasok sa loob. "Nandito ho ba 'yung mga paintings ni Lolo Jose?"

"Ay, oo. Nand'yan sa bodega. Teka, tulungan na kita." Aniya nang madaliin ang ginagawa pero tumutol ako.

"Ako na lang po. Tatawagin 'ko na lang kayo kapag magpapatulong na ako." Nakangiti 'kong sambit.

Kasing lawak lang din ng nasa itaas ang laki nitong ibaba. May tatlong pintuan ang naririto: isa sa kwarto nina Manang Rosaryo, isa para sa banyo, at isa para sa bodega. Sa labas ay mayroon na rin silang sariling hapagkainan pati na mga silya para sa mga bisita. May maliit din silang TV dito para paglibangan.

Itinuro ni Manang Rosario ang bodega at akin na iyong binuksan. Animo'y nasa isa akong horror movie dahil lahat ng mga kagamitan dito ay nababalutan ng mga puti na tela. Pumasok ako sa loob at aking sinilip ang mga kagamitan para sa aking hinahanap. Sa tingin 'ko, ang ilan sa mga kagamitan dito ay mas matanda pa kay Lolo Jose. May piano, may mga silya at aparador.

At sa isang sulok, naroon ang mga obra ni Lolo Jose. Napangiti ako nang makita ang mga iyon. Nasa higit dalawampu ang mga ito na natatakpan ng puting tela. Ni bahid ng alikabok ay wala. Kinuha 'ko ang isang painting ang tinignan ng maigi.

"Napakaganda." Tanging namutawi sa aking bibig.

Paunti-unti, nilabas 'ko ang mga ito hanggang sa maubos. Natapos na din maghain ni Manang Rosario ng kanilang almusal at lumabas ng kwarto kasama ang mga bagong gising na sina Rubi at Emerald.

"Good morning, Emerald at Rubi!" Bati 'ko sa kanila.

Pupungas-pungas pa itong si Rubi nang mapatingin sa akin. Humikab at kumaway sa akin. Inaya na sila ng kanilang ina na maupo at mag-agahan. Pati ako ay inanyayahan ni Manang Rosario.

"Salamat pero sa susunod na lang ho. Katatapos 'ko lang mag-almusal at i-aakyat 'ko pa ang mga ito."

"Gusto mo bang tulungan kita?" Akmang lalapit pa sa akin.

"Hindi na ho. Kaya 'ko na ho ito."

Ilang sandali, nakarinig kami ng katok mula sa labas. Napatingin kami sa pintuan kung saan naroon ang salarin. Ang bagong gising na si Rubi ay natauhan at nanglaki ang mga mata.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon