ANDRES
New year, new beginning. Another 365 pages of my book is about to be filled with new moments, new lessons, new adventures, new challenges, new opportunities, and so on, and so forth. I have never been this excited and nervous for this new start. However, I will just do whatever life will take me. Whether I'd fill my 365 paged book, or not.
"Ipakilala mo naman kami, Sis!"
"Oo nga! Check na check si Kuya mo!"
Napa-irap na lang ako sa pangbubuyo nina Julia at Gel. Balik na ulit kami sa sistema. Balik aral na naman. At balik na naman sa dating gawa kasama ang mga kaibigan 'ko. Naglalakad kami sa pasilyo patungo sa aming klasrum.
"Wala na bang ibang kaibigan 'yon? Parang masarap jumowa ng barista." Komento naman ni Matt habang may ka-text.
"'Di ba may jowa ka na?" Paninigurado ni Erich kay Matt.
"Hindi pa!" Iritadong sagot ni Matt at pumasok na kami ng klase.
Mukhang may hangover pa ang mga tao sa bakasyon at mga inaantok pa. Pero ang mga pag-iisip ay naghahanda na rin sa mga mangyayari sa araw na ito sapagkat nagbabalik na ang nag-iisang si MGMA. Lahat ay naglabas ng makakapal na papel mula sa kanilang mga bag. Nilabas 'ko na din 'yung akin na pabong print kaninang umaga.
At dumating na ang hinihintay ng lahat.
"Good morning, MGMA!"
GODDESSS OF LOVE
Lulan ng eroplano, taimtim na nagpapahinga si Jay. Nakasalpak ang magkabilang earphones sa kanyang tainga habang tumutugtog ang mga kantang kanina'y pinakikinggan niya lamang. Ilang oras na lamang at lalapag na ang eroplanong kanyang sinasakyan sa Pilipinas.
Ang payapa niyang pagtulog nang maalimpungatan siya. Dinilat niya ang mata't tinignan ang paligid. Umisod siya upang tignan ang nasa labas ng bintana na kanyang katabi. Sumakay siya ng eroplanong may araw, sa loob ng mahabang oras, ni hindi man lang dumating ang gabi.
Maaliwalas ang kaulapan. Tinignan niya ang orasan sa kanyang telepono, alas tres pasado na ng hapon. Hindi na niya mabilang ang oras ng tinulog niya. Ang nais na lamang niya'y makabalik na sa kanyang higaan upang doon ituloy ang tulog.
Samantala, magkakasama sa cafeteria ang barkada ni Andres. Abala sa sari-sariling pagkain habang nag-uusap-usap. Ngunit ang isa'y natihimik sa isang banda habang nakatutok sa kanyang telepono. Kapag nasisilip ng mga kaibigan ay saktong napapangiti ito.
"Ay, sus, ngiting hanggang alapaap ang bakla." Sabay siko ni Gel sa katabing si Andres.
"Ano ba!" Pagsusungit nito dito. "Teka nga," At muling bumalik ang ngiti nang masilayan ang bagong dating na mensahe.
Ang kanyang kapalitan ng mensahe ay nasa isang basketball court. Naliligo sa pawis habang ang jersey niya'y nakapatong sa balikat. Ang mga kalaro'y hinayaan na muna sapagkat sa kanya'y mas importante ang taong ngayon ay kanyang kausap.
"Mamaya na 'yan, bro!" Kantyaw ng kanyang kalaro na naglalaro sa court.
"That can wait, Gins. Let's play!" Ani naman ng isa.
"Ito na, ito na!" Sambit niya habang nagtitipa ng mensahe. Siya rin ay hindi mapagtakpan ang nadarama sa kapalitan ng mensahe. Animo'y isang taon na hindi nagkausap.
ANDRES
Sa bakanteng oras ay abala ang lahat sa kani-kaniyang pribadong gawain. Ilang minuto na lang din ang hinihintay namin para sa susunod na subject. Umalis na din sina Matt, Erich at Gel dahil kami na lang naman ni Juls ang magkasama sa subject na 'to.
BINABASA MO ANG
One Great Love (COMPLETED)
FantasyBawat tao na naririto sa mundo ay may mga kahilingan. Isa na rito ang mahanap ang kanilang 'one great love'. Lahat ay nais maging masaya. Ngunit nang dahil sa isang sumpa, nabibilang na ang oras upang mahanap ang taong imposible pa sa pagputi ng uwa...