ANDRES
Maagang nagsimula ang umaga. Inaantok pa man ngunit kailangan pumasok at i-tuon ang atensyon sa lecture lalo na't si MGMA ang propesora. Kasabay ng mga talak niya ay ang malakas ding buhos ng ulan kaya hindi maiwasan ng ilan na pumikit-pikit dahil sa lamig na aming nararanasan.
Maski ako ay tinatablan ng antok. Gusto 'ko mang humikab ngunit mapapalabas ako ni MGMA sa klase at mamarkahan ng absent. Mahirap na at kaka-umpisa pa naman ng semester.
"Attention!" Hinampas niya ng stick niya ang blackboard kaya halos lahat kami'y napatalon sa gulat.
"Kung inaantok kayo, dapat ay hindi na kayo nagsipasok! Mga batang 'to!" Nakapamewang ito sa harapan at nag-iinit ang ulo. "Get a whole sheet of paper! Number one!"
Lahat kami'y nataranta at mabilis na kumuha ng papel. Dalawang oras pa lang ang diskusyon ngunit ngayon ay susubukin kami ng tadhana kung talagang nakikinig kami. Ipinagpasa Diyos 'ko na lang ang kalalabasan ng quiz na ito.
Kaya nang matapos ang klase at umalis si MGMA ay nakahinga kaming lahat ng maluwag. Ang iba ay yumuko sa kanilang mga lamesa at tinuloy ang tulog. Inayos 'ko ang pagkaka-sara ng jacket 'ko. Kiniskis ang braso dahil sa sobrang lamig. Hininaan na din nila ang aircon dahil nangangatog na ang lahat sa lamig.
"Kape tayo!" Aya ni Gel.
"Tara nga, bessie." Tumayo si Erich kasama ni Gel. "Papabili ba kayo?"
"Ako, bes." Dumukot si Matt ng pera sa kanyang wallet at inabot sa dalawa.
"Ikaw, 'Dres?" Tanong ni Erich.
"Sasama ako." Sambit 'ko at tumayo.
Umaanggi ang ulan sa bawat daanan namin. Doon dapat kami sa café na aming tinatambayan bibili kaso hindi kaya ng powers namin kaya sa cafeteria na lang kami dumiretso. Kaunti lang ang estudyanteng naroon at karamihan sa kanila ay may mga kapeng hawak.
"Sana naman suspendihin na." Sabi ni Gel.
"Kaya nga para makatulog na tayo. Baha pa naman papunta sa'min." Reklamo naman ni Erich.
"Tambay tayo kapag suspended." Suhestiyon ni Gel.
"Saan naman?" Tanong ni Erich.
Ibinigay na ang tinimplang kape at umalis na kami. Ang binili namin na kape ay 'yung three-in-one na nasa malaking styro cup. Sampung piso lang ito kaya naman sinagot 'ko na ang kape namin. Sila na lang ang bumili ng snacks para may makain kami.
Pabalik na kami nang makita 'ko sa kabilang hallway na naglalakad si Jay. Naka-suot ito ng jacket at nakatalukbong ang hood sa ulo. Mabilis kaming lumiko dahil sa bilis din ng aming paglalakad. Pinangunahan 'ko na dahil alam kung lalapitan ng dalawa 'yon at aasarin pa ako.
Nabawasan na ang tao sa room pero naroon pa din ang mga friendship. Naupo na ako at pinamigay ang mga kape. Nakatutok ang lahat sa mga cellphone at nag-aabang ng mga announcement.
"Mayor Erap, suspend ka na pleaaaaase!" Sambit ni Matt na ngumuso sa phone niya.
Tahimik lang kami habang naghihintay sa susunod na klase. Mamaya magkasama kami ni Juls doon sa Research class. Mamaya-maya pa naman 'yon pero baka hindi na rin matuloy dahil sa kuntodo ang ulan.
JAY
Mula nang magising ako kanina hanggang ngayon na naghihintay ako ng klase sa mga benches ng campus at hindi pa rin tumitigil ang ulan. Minsan hihina, minsan bubuhos. Kaya karamihan sa amin na nakasilong ay medyo nababasa na din dahil sa pang-angge ng ulan.
BINABASA MO ANG
One Great Love (COMPLETED)
FantasiBawat tao na naririto sa mundo ay may mga kahilingan. Isa na rito ang mahanap ang kanilang 'one great love'. Lahat ay nais maging masaya. Ngunit nang dahil sa isang sumpa, nabibilang na ang oras upang mahanap ang taong imposible pa sa pagputi ng uwa...