2: Araw Sa Buhay Ni Andres

686 36 0
                                    

Ilang buwan bago ang pagsapit ng kaarawan ni Andres ay madalas siyang dinadalaw sa panaginip ng isang matanda na nagpapadala ng mensaheng higit na kinakatakutan niya.

GODDESSS OF LOVE

Madilim ang buong paligid. Ang ilaw na tanging naroon lamang ay ang galing sa buwan. Naglalakad sa kawalan si Andres. Nagtataka. Hindi alam kung saan tutungo. Lumalakas ang ihip ng hangin at patuloy ang paglamig. Hindi na maipinta ang mukha ni Andres sa sobrang nerbyos.

"Ano bang nangyayari? Nasaan na ba ako?" Sambit nito sa sarili.

Patuloy pa rin siya sa paglalakad kahit pa ang daan ay tila walang hanggan. Oras na ang lumipas ngunit wala pa rin siyang makitang matutuluyan. Hindi niya alam kung saan at paano matatapos ito.

"Psst..."

Nakarinig siya ng sumitsit kaya napatigil sa paglalakad. Inikot niya ang mata sa paligid ngunit wala siyang makita. Imposibleng may taong makasama siya sa lugar na iyon.

"Sino 'yan? Magpakita ka!" Buong tapang niyang sabi.

Sa pagtatanong niyang 'yon ay nakaramdam siya ng matinding lamig na bumalot sa buong katawan niya na nanggaling sa likod. Naestatwa siya sa kinatatayuan. Marahan niyang inikot ang ulo patungo sa likod at pagharap doo'y may isang matandang babae na nakabelong itim sa harapan niya.

Bahagya siyang napa-atras sa gulat. "Sino ka?"

Hindi umimik ang matanda. Nakayuko lamang ito sa kalsada. Lumapit ng konti si Andres upang masipat ng mas malinaw ang matanda.

"Ale..."

Inilahad ng matanda sa kanyang palad ang isang hourglass o orasa. Mahigpit ang kapit nito dito kung saan ang buhangin ay naipon sa ilalim. Tinitigan ni Andres ang bagay na iyon. Kumikislap sa dilim ang orasa dahil sa gintong materyales na nakapalibot doon. Hindi lamang ito ang unang beses niyang nakita ang bagay na iyon. Sa tuwing mapapanaginipan niya ito, kumpol lamang ang buhangin sa ibabang bahagi nito.

Pero sa pagkakataong ito, ibinaligtad ng matanda ang orasa kung saan umagos na ang buhangin sa makitid na pagitan ng dalawang bumbilya. Paunti-unti, nagkakaroon na ng laman ang kanina'y bakanteng espasyo.

Umangat ang ulo ng matanda at nanglaki ang mga mata ni Andres nang makitang wala itong mukha. Sumigaw ng malakas ang matanda dahilan upang mabingi at magpa-ulit-ulit sa pandinig ni Andres ang mga sinabi nitong,

"Tumatakbo na ang oras! Kamatayan mo na!"


ANDRES

"...Kamatayan mo na!"

Bumalikwas ako ng bangon sa kama nang marinig iyon. Hingal na hingal ako at pinagpapawisan kahit pa may aircon sa loob ng kwarto 'ko. Madilim din sa buong paligid at tanging ilaw sa Himalayan salt lamp 'ko lamang ang nagbibigay ng kakarampot na liwanag.

Kinuha 'ko ang phone sa gilid ng mesa para tignan ang oras. Alas tres na ng madaling araw. Lagi na lang akong nananaginip at nagigising ng ganitong oras. Alam ba ng panaginip na 'yon na istorbo siya? Mabuti sana kung kasabik-sabik 'yung napapanaginipan 'ko, eh. Kaso hindi. Bangungot.


GODDESSS OF LOVE

Nasa bakuran si Lolo Jose at nagbabasa ng kanyang dyaryo habang nasa maliit na lamesa ang mainit niyang kape. Kaugalian na ng mga matatanda na magbasa ng balita habang umiinom ng kanilang kape sa umaga. Lumabas naman si Andres at bumati sa kanyang lolo.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon