Chapter 1

12.8K 332 14
                                    

PALABAS na ng bahay nila si Edward ng bigla siyang tawagin ng kanyang ina. Pero, nagkunwari siyang hindi ito narinig. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad hanggang marating niya ang pinto palabas ng tawagin siya nito ulit.

"Edward. Tinatawag kita, hindi mo ba ako naririnig?" Anang kanyang ina. "What Mom?" Iretado nitong tanong sa ina.

"Edward. Don't used that tone with me." Anang ginang. "Whatever. Mother." Tangi nitong sagot.

"Look. Gusto kung maaga kang umuwi mamaya. Pupunta dito ang tito mo, he want to meet you. Kaya magpapahanda ako ng dinner." Anang kanyang ina. Walang emosyon ang mukha ni Edward na tumingin sa ina.

"We'll see, Mom. I'm busy." Sagot lang nito sabay talikod sa ina.

"That's it Edward. Dapat paghandaan muna ang lahat bago mawala sayo ang lahat ng ari-ariang dapat ay sayo." Ani Edward sa isip.

Agad siyang sumakay sa kotse niya ng maalala ang isang bagay. Kaya muli siyang lumabas nito at may kinuha siya sa garage nila.

"Kailangan kung dalhin sa safe place ang meron ako." Anito sa isip. Agad niyang inilabas ang kotse niyang gagamitin. Ng mailabas niya ito sa labas ng mansyon nila ay muli siyang lumabas ng sasakyan niya at bumalik sa loob. Agad niyang binalikan ang isa pa niyang sasakyan at inilabas niya rin ito bago niya sinara ang malaking gate.

Mabilis ang mga kamay ni Edward na itinali ang kinuha niyang tali sa likod ng sasakyan niya at ang dulo nito ay sa bumper naman ng isa pa niyang sasakyan. Ng masiguro niyang mahigpit na ang pagkakatali niya dito ay saka siya muling sumakay sa kotse niyang ginagamit tuwing pumapasok siya sa university.

Maingat ang ginawang pagpapatakbo ni Edward ng sasakyan niya hanggang marating niya ang bahay ng isa sa mga kaibigan niya. Agad niyang hininto ang sasakyan ng tumapat ang sasakyan niya sa labas ng malaking gate.

Agad kinuha ni Edward ang phone niya at tinawagan ang kaibigan niya. Hindi naman nagtagal ng sumagot ito sa kanya. "Hey! Bro, napatawag ka?" Tanong agad ng nasa kabilang linya.

"Hey! Vergara. Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Meron lang sana akong iiwanan dito." Sagot nito agad.

"Okay! Just a minute at pupunta ako dyan." Anang kausap niya bago nawala sa linya. Ilang minuto ang lumipas ay biglang bumukas ang malaking pinto sa harapan niya at lumabas doon ang kaibigan niya.

"Anong nangyari?" Takang tanong nito kay Edward ng makita nito ang sasakyan niya. Napakamot naman ito ng ulo. "Gusto kung itago muna ito dito sa bahay niyo. Kukunin ko lang kung kailangan ko na." Sagot nito.

"Okay! Pero, may problema ba?" Nagtataka parin nitong tanong sa kanya. "Wala naman bro, pero meron kasi ako nitong instinct na parang unti-unti ng mawawala sa akin ang mga pag-aari ni Dad. Hindi ko maipaliwanag pero malakas ang kutob kung mangyayari iyon." Seryoso nitong aniya sa kaibigan sabay buga ng hangin.

Agad naman siyang tinapik ng kaibigan niya sa balikat. "Your car is safe here, bro. Don't worry. At kung kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako, just call me." Anito kay Edward.

"Thanks bro." Tangi nitong sagot. Agad siyang tinulungan ng kaibigan niya at ito na rin ang nagpasok ng kotse niya sa loob. Ng maipasok nila ang sasakyan sa loob ay agad kumuha ang kaibigan niya ng maitatakip nila sa sasakyan niya.

"Aljhon. Ano yan?" Bigla silang napalingon sa boses ng nagsalita. "Dad. Kotse po ni Samañego, iiwan muna niya dito." Mabilis namang sagot ni Aljhon.

"Ah! Okay." Anang ama ni Aljhon bago sila iniwan nito at pumasok sa loob.

"Tara, magbreakfast muna tayo bago pumasok sa university." Aya agad sa kanya ni Aljhon sabay akbay nito sa kanya. At dahil nakalimutan niyang hindi pa pala siya nag-amusal ay kaya nagpatianud agad siya sa kaibigan.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon