NANG makaramdam ng pagud si Jenny ay pasimple itong naupo sa tabi ni Edward. Kanina pa sila sumasayaw na magkakaibigan kaya sumakit ang mga paa niya. Nasa Palawan sila ngayon dahil sa ginawang surprise birthday party ni Aljhon kay Weng. At ang akala nila ay ipagdiriwang lang nila doon ang kaarawan ni Weng. Ngunit nagkamali sila dahil hindi lang ang surprised birthday ang hinanda nito kundi meron palang kasalang mangyayari. At masaya naman silang magkakaibigan para sa naging decision ni Aljhon, suportado nila ito.
"Are you okay?" Tanong sa kanya Edward matapos siyang halikan ng manipis sa labi. Tipid naman siyang ngumiti sabay tango ng tingalain niya ang binata. "Tingnan mo silang dalawa. They look good for each other." Sumunod naman ng tingin si Edward kung saan nakatingin si Jenny.
"Yeah. Ang siraulong yan. Atat na mag-asawa. I have no idea about his plan," naiiling nitong aniya. "But I'm happy for them. Atleast magpapakatino na siya." Dagdag pa nito.
"Darating din tayo sa ganyan baby. Pero, kailangan ko mo nang ihanda ang lahat para sa future natin. Dahil alam kong hindi madali ang kakaharapin natin. And I hope di ka bibitaw." Ani Edward sa isip.
Plano na rin niyang pakasalan ang nobya. Wala kasi siyang balak pakawalan ito. Ngunit kailangan muna niyang ayusin at unahin ang para sa kinabukasan nilang dalawa. And for there future family.
"Pari ba talaga yan siya?" Maya ay curious na tanong ni Jenny kay Edward ng makita niya ang batang pari na siyang kumasal kina Aljhon at Weng. At mukhang pinagtrip-tripan naman ito ni Rainier at Sean.
"Yeah. Hindi ko nga alam na magiging pari yan. Dahil kung mga siraulo kami ay mas siraulo yan sa amin. Maraming babae yan na pinaiyak. Kaya hindi na ako magugulat kung may biglang nagpakilala sa kanyang anak niya." Anitong kinaawang ng mga labi ni Jenny.
"Shut up, Javier." Mahinahon ngunit may diing saway ng pari kay Sean na ngumisi lang. "Come, bro. Sigurado ka ba talagang wala kang nabuntis noong high school ka?" Tanong ni Sean dito na rinig nila.
"Ano ako, gago? At bakit ako mambubuntis ng isang babae kung hindi ko rin naman papakasalan. Kaya sinisigurado kong hindi ako makakabuntis ng isang babae." Kalmado nitong paliwanag.
Bigla naman nagtawanan ang mga siraulo niyang kaibigan. "Ang laki ng ipinagbago niya." Biglang lumabas sa bibig ni Edward habang nakatingin sila kina Sean, Rainier at Vincent na nag-uusap. "Siguro, dahil napag-isip-isip niya kung ano ang tama at mali. Dahil ganun naman tayo, tayo ang gumagawa ng hakbang para sa kinabukasan natin. Minsan nga yung iba, gumawa ng katangahan sa buhay tapus ipagbibintang sa iba. Alam niyang mali yung ginagawa niya pero ginawa parin niya after that ay sa iba niya isisi ang nangyari sa kanya samantalang siya naman ang gumawa." Si Jenny na seryuso ang mukha.
"Your so serious baby." Maya ay ani Edward sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa baywang ni Jenny. "I'm just telling the truth." Sagot nito sabay hilig ng ulo sa balikat ng binata.
NANG matapos ang weekend ng magkakaibigan ay balik university ulit sila. Naging abala ang bawat isa sa kani-kanilang class schedules.
"Jenny. Kumusta kayo ni fafa Edward mo?" Tanong ni Beth kay Jenny matapos ang klase nila. Napangiti naman siyang kinalaki ng mata ni Beth. "Oh! My God. Oh! My God. Kayo na ba?" Muli ay tanong nitong tila excited sa magiging sagot ni Jenny. Tumango naman ito bilang sagot niya.
Sa tuwa ni Beth ay napatalon-talon pa ito sa tuwa. "A-anong nangyari sayo?" Kunot ang noo na tanong ni Mou kay Beth. "Yeah! It's kinda weird. What is going on?" Taka rin tanong ni Jesabel sabay sukbit ng bag niya sa kanyang balikat.
"I will tell you, pero kailangan may panulak muna ako. Dahil ako ang kinikilig sa babaeng ito." Sabay sundot niya sa tagiliran ni Jenny. "Baliw ka talaga." Ang naiiling na lang na ani Jenny.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
Genel KurguWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER