NANG marating ni Jenny ang opisina ng asawa ay nakangiti itong nakamata dito. Tahimik siyang lumapit dito. Gugulatin sana niya ito ng bigla itong umangat ng mukha. Kaya naman biglang tumulis ang nguso niyang kinatawa ni Edward.
"Come here." Tawag sa kanya ng asawa. Mahaba ang ngusong lumapit siya sa asawa. "Bakit nag-angat ka ng mukha?" Anitong kinatawa lalo ni Edward.
"Dahil naramdaman kita. Kaya ako tumingin. Kapag kasi bumilis ang tibok ng puso ko ay alam kong nasa malapit ka." Sagot nito.
"Kahit na. Sana nagpanggap kang hindi mo ako naramdaman." Aniya. "Fine. Sige bumalik ka dun sa may pinto at magpapanggap akong hindi kita naramdamang dumating." Utos niya sa asawa.
"Ayaw ko. Ayaw ko na. Hindi na exciting yun." Nakanguso nitong aniya sabay upo sa kandungan ni Edward. Natatawa naman itong hinaplos niya ang maumbok na tiyan ni Jenny.
"Kumusta ang araw mo?" Malambing niyang tanong. "Okay lang. Pero, namiss kita." Saad nito. Agad naman siyang hinalikan ni Edward sa labi.
"Hindi ka ba nahirapan ng pumunta ka dito?" Umiling naman ito. "Hindi naman. Yung jeep kasi na nasakyan ko ay kilala na ako. Pamangkin kasi niya ang isa sa mga employee mo dito. Ibinaba talaga ako dyan sa tapat ng SCC. Tapos saka siya umalis ay siniguro muna niyang nakapasok na ako sa loob." Kwento nito.
"I see. That's good."
"Siya nga pala. Sabi ng mommy mo ay bumili daw tayo ng isda bago umuwi. Araw-araw na lang daw kasi e manok ang niluluto ni Manang Yolly." Aniya. "Sige. Bibili tayo mamaya." Sagot naman niya.
"Um. Hindi kana ba busy?" Maya ay tanong niya. Umiling naman ito. "Kung ganun, pwede ka nang lumabas?" Tumango naman ito bilang sagot.
"Bakit?"
"Gusto kong kumain ng nilagang mais." Anito sabay pacute sa asawa. "Okay." Sagot nito.
"Okay lang ba?" Paniniguro niya. Sasagot na sana ito ng makarinig sila ng tumikim.
"Wala po akong nakikita. Virgin pa po ako at inosente." Anitong kinatawa ni Jenny. "Baliw ka talaga Berna." Aniya. Mataray naman itong lumapit sa kanila.
"Ang bait ko kaya," sabi nito sabay hawi niya ng buhok. "Anyway, tapos na yung mga kailangan natin para bukas boss." Anito sabay upo sa upoang nasa harap ng mesa ni Edward.
"That's great," ani Edward. "Pwede na kayong umuwi ng makapagpahinga kayo. I know naging busy kayo masyado ngayong araw." Huminga naman ng malalim si Berna.
"Thanks God. Akala ko dito muna ako papatulugin boss. Haist! Makakapagbeauty rest din ako sa wakas." Anito. "Lumayas kana sa opisina ko Bernardo bago kita ipatuli ulit at maging lalaki." Pananakot niya dito. Sumimangot naman ito.
"Ang bad mo talaga boss. Dear, kita mo yang asawa mo. Inaalila talaga niya ako. It's hurt my feeling." At kunwari ay pinunasan nito ang mata kahit wala naman itong luha. Tawang-tawa naman dito si Jenny.
"Yuhooo." Panabay silang napalingon. "Anong ginagawa mo dito, sis?" Nakangiting tanong ni Jenny sabay tayo mula sa pagkakaupo niya sa kandungan ng asawa.
"Galing ako sa bahay niyo. And Auntie told me that you are here." Sagot nito sabay lapit sa kanila at agad nakipag beso-beso kay Jenny.
"Boss, sino ang mukhang tikbalang na 'to?" Tanong ni Berna kay Edward. "Excuse me. Sa ganda kong ito. Tatawagin mong tikbalang. Kung ibalik kaya kita sa tiyan ng nanay mo." Nakapamaywang na anito kay Berna.
"Duh! Tingnan mo nga yang suot mo at ayos mo. Nagmumukha kang manananggal." Taas baba itong pinasandalan ni Berna ng tingin. "How dare you----
----opsss. Manahimik ka muna. Alam mo kulang ka lang ng SCC make over e." Si Berna na nakahalukipkip habang nakatingin sa kaharap. "Boss. Pwede bang i-make over namin siya. Sandali lang naman." Paalam niya kay Edward.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER