Chapter 15

6.5K 295 41
                                    

HABANG nakaharap si Jenny sa harap ng malaking salamin ay panay sipat niya sa katawan. Mataman naman siyang pinagmamasdan ni Edward. At hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng asawa habang nasa harapan ito ng malaking salamin sa kanilang silid.

"I think I'm getting fat." Biglang ani Jenny. "Not bad, baby. Maganda nga yun ng magkalaman ka." Sagot niya. Bigla naman itong humarap sa kanyang kunot ang noo.

"Look baby, don't misunderstood what I said," mabilis niyang paliwanag sabay tayo at nilapitan ang asawa. "Alam kong maganda at sexy ang asawa ko. Pero hindi naman yun ang basehan kaya minahal kita kundi kung ano ang dikta ng puso't isip ko. At kahit tumaba ka pa ay mamahalin parin kita. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo. At kaya nasabi kong maganda nga kung magkalaman ka kahit kunti ng hindi nila masabing ginugutom ko ang asawa ko." Anito sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa baywang ni Jenny.

"Sigurado ka? Hindi ka magbabago kahit tumaba ako?" Para itong bata na gustong pangakoan na wag siyang iwanan. "Your already my wife. Kaya bakit naman ako magbabago. At isa pa sayo lang tumitibok itong puso ko. Kaya kahit pumuti na ang buhok natin ay asahan mong makikita mo araw-araw itong gwapo kong pagmumukha." Pilyo nitong aniya. Mahina naman tinampal ni Jenny ang matipunong dibdib ng asawa.

"Ayan, nahahawa kana sa kapraningan ng mga kaibigan mo. Dahil napapadalas ata ang pagbubuhat mo ng sarili mong upoan." Anitong kinatawa ni Edward.

Hindi niya alam na nahahalata na pala yun ng asawa niya. Kaya maingat na binuhat ni Edward si Jenny at dinala ito sa kama. "Hey! Wag ka mo nang maglandi dyan. Dahil meron tayong dapat puntahan ngayon." Pigil niya sa asawa sabay tukod niya ng dalawang kamay sa matipuno nitong dibdib.

Tumatawa naman itong inalis ang kamay ni Jenny na nakaharang sa dibdib niya. "Makapaghihintay naman yung lakad natin ngayon, pero ito hindi na makakapaghintay pa." Anito at mabilis na siniil ng halik si Jenny. Hindi naman ito nakatanggi at mabilis rin siyang tumugun sa bawat galaw ng labi ni Edward.

Mapusok at mainit silang nagpalitan ng halik. At kundi pa sila kapwa kinapos ng hangin ay tila wala na silang balak paghiwalayin ang kanilang mga labi.

"Ano?" Natatawang tanong ni Jenny kay Edward habang nakatingin ito sa mukha niya. "Um. Wife are you sure na ikaw ang pupunta dun?" Ani Edward na yumapos sa baywang ng asawa. "Oo, puntahan mo muna ang patahian, tapos sumunod ka na lang doon sa akin." Sagot nito sa asawa.

Gustong tulungan ni Jenny si Edward ngayong mag-asawa na sila dahil tungkulin niya yun bilang asawa nito. Kaya siya ang nagpasyang pipili ng mga tilang gagamitin nila sa patahian. Malapit na kasi matapus ang renovation nito. Kaya sisimulan na nila itong buksan.

Napabuntong hininga naman itong sumusuko sa asawa. "Fine. Mag-iingat ka okay. Susunod agad ako sayo. Kaya hintayin mo ako doon." Ani Edward sabay halik niya sa labi ng asawa na agad naman tumango.

"Oo, na. Walang mangyayari sa akin. At isa pa ihahatid mo naman ako doon," natatawa nitong aniya. "Asos. Ang asawa ko. Iba lang naman ang gusto kaya ayaw mahiwalay sa akin." Anitong kinakamot ni Edward ng ulo na mas lalong kinatawa ni Jenny.

"Mamayang gabi na lang ang premyo mo. Kaya be a good boy." Saad nito. Tila nagningning naman ang mga mata ni Edward sa narinig. "Okay. Your the boss, baby." Pilyo nitong aniya sabay kindat. Kaya alam ni Jenny na meron naman itong binabalak na kapilyohan.

Hinatid ni Edward si Jenny sa isang malaking shop kung saan sila bibili ng mga tila at iba pang gamit na dapat nilang gamitin sa patahian na bubuksan nila.

"Tawagan mo ako kapag----

----hey! Kanina ka pa, okay lang ako." Natatawa niyang anito kay Edward. Napabuntong hininga naman si Edward. Hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya. Parang ayaw niyang mawala sa kanyang paningin ang asawa.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon