Chapter 25

5.6K 229 18
                                    

Enjoy reading and HAPPY NEW YEAR🎆

SA paglipas ng mga taon ay masasabing maayos ang pagsasama nila Edward at Jenny. Hindi lang isa ang naging anak nila kundi nasundan pa ito ng isa. Kaya kahit simple ang pamumuhay nila ay masaya naman ang pamilya nila.

"Mommy. Daddy." Sigaw ng bunso nilang anak. Napatakbo naman si Jenny para salubungin ang anak nila. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot.

"Mommy. Mommy." Humahangos ang bunso nilang tinatawag siya. "Anak. Anong nangyari?" Tanong niya sa anak na galing paaralan.

"Mommy. Si Ethan. Hindi makakita." Anitong inaalalayan ang kuya niya. "Anong hindi makakita?" Kunot noo niyang tanong.

"Mom. Wala akong makita." Biglang umiyak si Ethan. Mabilis naman itong niyakap ni Jenny. "Anak. Baka napuwing ka lang. Halika at maghilamus ka ng mukha." Aniya.

"Mom. Ginawa na namin yan kanina. Pero, wala talaga po akong makita," anitong umiiyak. "Mom. I'm scared." At nakita ni Jenny ang anak na nangangapa ng ihakbang niya ang mga paa.

Natutup niya ang mga labi sabay pamalisbis ng luha sa kanyang mga mata. "Oh! God. Ano pong nangyayari sa anak ko?" Tanong niya.

"Ethan. Saan ka pupunta? Humawak ka sa kamay ko at sabihin mo lang sa akin kung saan ka pupunta at dadalhin kita doon." Anang anak nilang babae.

"Gusto kung maupo." Sagot nito at tumalima naman ang kapatid niya. Pinaupo siya nito sa pang-isahang sofa. "Oh! Ayan. Gusto mo uminom ng tubig?" Tanong ng kapatid ni Ethan. Agad naman siyang tumango kaya nagmamadali itong kumuha ng tubig sa kusina.

"H-hon."

Pagkakita ni Jenny sa asawa ay humagulgol agad siya dito. "Bakit? Anong nangyayari?" Takang tanong ni Edward sa asawa.

"Ang anak natin. Hindi ko alam kong ano ang nangyari sa kanya. Hindi daw siya makakita." Anitong naiiyak. Mabilis naman linapitan ni Edward ang anak nila.

"Ethan. What happened?" Tanong niya. "Dad. Wala akong makita. Bulag na siguro ako." Sagot  nito. "Son, don't say that. Tinatakot mo ang mommy mo." Aniya kay Ethan.

"Dad. I swear. Wala po akong makita. Parang gabi lang po na madilim kasi walang ilaw." Ani Ethan sa ama. "Dalhin natin sa hospital ng macheck-up agad kung ano ang nangyari sa kanya." Aniya kay Jenny na agad tumango. Kinuha lang ni Jenny ang bag niya  at agad silang umalis.

"What happened, Sir." Tanong ng nurse na sumalubong sa kanila. "Gusto kung ipacheck  up ang anak ko. Hindi namin alam kung bakit bigla na lang siyang hindi makakita." Sagot ni Edward.

Agad naman silang inasikaso ng mga nurse. Ilang minuto lang ang lumipas ay pinapasok sila sa isang silid. Agad na tiningnan ng doctor si Ethan gamit ang slit lamp.

Slit lamp is a instrument consisting of a high-intensity light source that can be focused to shine a thin sheet of light into the eye. It is used in conjunction with a biomicroscope.

"Nagpatingin na ba ang anak niyo noon sa ophthalmologist?" Tanong ng doctor. "Yes. Dok. Pinagamit siya ng contact lens." Sagot ni Jenny.

Matapos ang ilang pagsusuri ay kinausap ulit sila ng doctor. At ipinaliwanag niya kung ano ang sakit ng mata ni Ethan at kung bakit hindi siya nakakakita.

"Ang sakit po ng mata ni Ethan ay tinatawag na keratoconus. Keratoconus is a disorder of the eye which results in progressive thinning of the cornea. This may result in blurry vision, double vision, nearsightedness, astigmatism, and light sensitivity. Usually both eyes are affected. In more severe cases a scarring or a circle may be seen within the cornea," anang doctor.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon