Chapter 30

10.4K 309 43
                                    

HALOS hindi makatayo si Edward sa inuupoan niya habang pinapalibutan ito ng mga kaibigan niya. Pinagbabantaan nila itong kakatayin na nila kung magpapakalayo-layo ulit ito sa kanila.

"Kiddo. Marunong ka na ba magdrive ng sasakyan?" Tanong ng kaibigan niyang si Marco sa anak niya. Tumango naman ito. "Tinuroan po nila ako." Sabay turo ni Ethan sa mga anak ng kaibigan niyang kasama nila.

"That's good. Dahil yung kotse ng daddy mo kinakalawang na." Ani Marco. "Huh? Okay pa naman po yung kotse ni Dad, tito." Ani Ethan.

"Nha. Hindi yang kotse ng daddy mo ngayon ang tinutukoy ko. Meron siyang kotse na tinatago kasi. Kotse pa niya yun noong binata pa siya." Oo, nga pala meron siyang kotse doon sa bahay ng parents ni Aljhon. Kung hindi ito binanggit ni Marco ay hindi na niya naalala pa.

"Talaga po. Nasaan po ngayon?" Curious na tanong ni Ethan. "In my parent's house, kiddo." Sagot ni Aljhon.

"Dad, yung kotse ba doon sa basement nila lolo ang kotse ni tito Edward?" Tanong namam ni Axel. Tumango naman si Aljhon bilang sagot sa tanong ng anak.

"No way, ibig sabihin yung kotse na nakita natin doon sa basement nila lolo e kotse pala yun ni tito Edward." Biglang ani Axel. Napaawang naman ang labi ng mga binata sa narinig nila.

"Nakikipagkarera karin ba noon tito?" Maya ay tanong ng anak ni Marco sa kanya. "Minsan, kapag napipilit ako ng mga daddy niyo." Sagot niya.

"Whoa! Tito pwede ba namin hiramin ang kotse mo?" Tanong nila kay Edward. "Yeah! Sure, pero siguradohin niyo lang na maipapanalo niyo ang kotse ko." Anito.

Makikita mo naman sa mukha ng mga ito ang excitement na gamitin ang kotse niya sa karera. "Pustahan tayo." Ani Rain sa kanila. "Magkano?" Anilang lahat.

"Yung sakto lang na mabubusog tayo kapag ikinain natin ang pustahan." Sagot nito. "Sige. Tig isang daan bawat isa sa atin." Ani Axel sa kanila.

"Tangna, wala akong isang daan." Reklamo naman ng iba. "Javier, gusto mong isumbong kita kay tita na wala kang pangpusta pero meron kang pambili ng condom." Ani Mark na anak ni Marco. At ang kasagutan nito ay ang anak ng kaibigan niyang si Sean. Kakamot-kamot naman ito ng ulo.

"Nagmana talaga sayo yang anak mo Javier." Anila kay Sean habang nakatingin sila sa mga anak nilang nag-uusap sa plano nilang pustahan kuno. At sa nakikita ni Edward ay para lang din sila ang mga ito noon mga binata pa sila. "Bakit ako lang, mana rin naman sa inyo ang mga anak niyo." Sagot nito.

"Yeah! At nagpapasalamat ako at mabait ako at matino. Kaya siguradong matino rin ang binata ko." Ani Edward sa kanila na inakbayan naman ni Aljhon. "Me too." Si Aljhon na nginisihan si Sean.

"Me too, my ass Vergara. Nagmana kaya sayo si Axel," ang hindi maipintang ani Sean. "At ikaw Castillo, wag kang ngumisi dyan dahil isa ka rin. Nagmana rin sayo ang binata mo. Akala mo ha. Isa ka rin siraulo noon." Anitong kinatawa nila. Namiss ni Edward ang ganitong pagkakataon ang makasama ang mga kaibigan niya at makaasaran.

LUMIPAS ang araw at busy ang mag-anak ni Edward sa pagliligpit ng mga gamit nilang hindi pa nila naliligpit. Lilipat na kasi sila ng bahay. At ilang taon rin ang dumaan na hindi siya nakakatapak sa dati nilang bahay. Kaya maging siya ay excited rin na muling makita ang bahay ng magulang niya na ngayon ay sa kanila na.

"Dad. Mansion ba talaga ang bahay nila lola?" Tanong ng bunso nila sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo. "Makikita mo kapag nandoon na tayo Princess." Sagot na lang niya.

"Mom."

"Oh! Wag ako ang tanungin mo. Dahil magin ako hindi ko nakita ang bahay nila." Sagot agad ni Jenny. Kaya agad na napabuntong hininga ang bunso nila.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon