Chapter 12

6.8K 285 32
                                    

TAHIMIK ang mga kaibigan ni Edward na nakamata sa kanya. Mukhang hinihintay siya ng mga itong magsalita kaya tumahimik silang lahat. And it's kinda weird. Dahil unang beses na tumahimik ang mga ito. Sanay kasi siyang parang mga siraulo ang mga ito sa kanto kung umasta.

"I want to marry my girlfriend." Anito.

"Kailan, Samañego?" Si Rainier na agad siyang inakbayan. "As soon as possible," sagot niya. "Pero----pero, gusto ko tayo-tayo lang." Dagdag pa nito.

"Ano yan, gagaya ka rin kay Vergara na pasecret kung magpakasal?" Patanong namang ani Sean. "Yeah! Bakit pinapauso niyo ang secret married?" Patanong rin na ani Brent.

"Ibig sabihin ay meron silang iniiwasan mga gago. Kaya wag na lang kayo magtanong." Bigla namang ani Marco. "Yung bang naghahabol sayo Samañego ang dahilan?" Usisa parin ni Rainier.

"Yeah! Nag-iingat lang ako. Dahil ayaw kong mapahamak si Jenny. Hindi ko kasi alam kung ano ang totoong motibo ng pamilya ni Anika at ganun na lang sila kaintiresado na maging fiancee ko siya." Anito sa mga kaibigan sabay hinga ng malalim.

"Okay. No worry bro, kami na ang bahala." Sabat naman ni Aljhon. "Huh?" Naguguluhan siyang napatingin sa kaibigan.

"Leave it to us. Bantayan mo na lang si Jenny. Baka maya e bigla siyang tinuklaw ng mabangis na ahas dyan sa tabi-tabi." Sagot sa kanya ni Brent. Isa-isa naman tiningnan ni Edward ang mga kaibigan niya. At mukhang seryuso nga ang mga ito sa sinabi nila.

"Thanks mga bro." Nasabi na lang niya sa kanila na agad naman siyang inakbayan ni Marco. "Nha. What friends for." Anito na kinangiti ni Edward. Kaya nga ayaw niya magsabi sa mga ito kung ano ang problema niya. Dahil alam niyang agad tatakbo ang mga ito papunta sa kanya para suportahan siya. At yun ang ayaw niya dahil natatakot siyang madamay ang mga ito sa gulo ng buhay niya. Tama ng alam niyang nandyan ang mga ito at hindi siya i-ewan. Ayaw niyang mapahamak ni isa sa mga ito dahil mahalaga sa kanya ang mga ito. Kaya ayaw niyang madamay ang mga ito dahil sa kanya. Dahil ang mga kaibigan na lang niya ang matatawag niyang pangalawang pamilya niyang meron siya. Kaya pinapahalagahan niya ang mga ito, ganun ang mga ito kaimportante sa buhay niya.

"Let's start to work." Biglang ani Rainier. Napatingin naman silang lahat sa kanya. "What? May sinabi ba akong mali." Kunot noong tanong ni Rainier sa kanila. Sa halip na sagotin siya ng mga ito ay napailing na lang sila.

SAMANTALA dahil sa nakipagkita si Edward sa mga kaibigan niya ay sumama naman si Jenny sa mga kaibigan niya ng ayain siya ng mga ito.

"Akala ko wala ng balak si Samañego na paalisin ka." Ani Mou na nakangisi. "Yeah! Mukhang tinamaan talaga sa gandang taglay mo si Samañego." Segunda naman ni Jesabel.

"Mga baliw talaga kayo." Naisatinig niya sabay inom ng inorder niyang fruit juice. "Kami lang ba ang baliw?" Taas kilay namang ani Beth na kinatawa nila.

Habang nagkakasiyahan silang magkakaibigan sa pinuntahan nilang cafe ay nahagip ng mata ni Jesabel ang tatlong nilalang na papasok sa loob ng cafe.

"What's wrong with you?" Nagtatakang tanong nila kay Jesabel na pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. "Nothing. Mukhang naging maalinsangan lang ang loob ng cafe. I can smell like malansa." Sagot nito. Kanya-kanya naman ng tingin sa paligid ang tatlo kung ano ang ibig sabihin ni Jesabel. At ng mapadako ang mga mata nila sa bungad ng pintoan nang cafe ay doon nila napagtanto kung bakit ganun ang inasta ng kaibigan nila.

"Hindi ko alam na uso na pala ang kakapalan ng mukha ngayon." Anang isa sa mga bagong dating na naupo malapit sa mesa nila Jenny.

"Yeah! Kahit fiancee na nga ng iba ay kinakalantari parin." Segunda naman ng isa na may kalakasan ang pagkakasabi. Kaya nakaagaw agad ito ng atensyon sa iba.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon