SA paglipas ng mga araw ay lumalaki na rin ang tiyan ni Jenny. Ilang buwan na lang at makikita na nila ang kanilang magiging anak. At kung excited siyang maging ina ay mas excited ang kanyang asawa.
"Baby. Magpakabait ka dyan ha. Pupunta muna sa work si daddy." Pagkausap niya sa tiyan ni Jenny. Noon ay sinasaway niya ito. Pero ngayon ay hinahayaan na niya ito. Nasasanay na kasi siya dito. "Wag mong pagurin ang sarili mo. Nandyan naman si Manang." Habilin niya kay Jenny.
Simula kasi ng mailabas ng hospital ang kanyang ina ay isinama nga nila ito sa kanilang bahay. At ang matagal nang kasambahay ng pamilya nila Edward ay hindi nito hinayaang hindi siya isama ng mag-asawa sa bahay nila. At hindi ito mahindian ni Edward dahil bukod sa matagal na ito sa pamilya nila noon ay ito rin kasi ang nag-alaga sa kanya noong maliit pa siya.
"Okay. Don't worry. Ayos lang ako dito." Nakangiti niyang sagot bago humalik kay Edward. "Mag-iingat ka. Wag ka magpapagutom sa trabaho. Kainin mo ang hinandang baon sayo ni Manang." Habilin niya sa asawa.
"I will, baby."
"Mamayang hapon, susunod ako sayo doon." Ani Jenny. "Okay. Pero, mag-iingat ka ha." Ngumiti lang ito bilang sagot.
Nang makalabas ng pinto si Edward ay isinara naman ni Jenny ang pinto. Tahimik siyang lumabas sa likod bahay kung saan ang biyanan niyang babae kasama si Manang Yolly. Bago nila isama sa pag-uwi ang ina ni Edward ay naghanap muna sila ng maliit na bahay na pwede nilang lipatan ulit. Dahil maliit lang ang apartment nila kaya kinailangan nilang maghanap ulit ng bago. At nakahanap naman sila. Kahit maliit ito ay maayos naman at meron itong maliit na harden sa likod bahay.
"Manang. Auntie." Tawag niya sa dalawa. Napangiti naman si Manang Yolly ng lumapit siya sa dalawa. "Umalis na ba ang asawa mo iha?" Tanong ng ina ni Edward. Nakakapagsalita naman ito ng maayos yun nga lang nahihirapan itong igalaw ang kanyang isang paa. Kaya kinakailangan nito ang wheelchair at tulong ni Manang Yolly.
"Opo. Kaaalis lang po niya. Kumusta po ang pakiramdam niyo?" Nakangiti niyang tanong sabay upo malapit sa mother in-law niya. "I'm trying to get better iha." Malungkot nitong sagot.
"Auntie. Wag niyo po pilitin ang sarili niyo. Ayos lang po yan. Nandito naman po kami. Kaya wag kayong mag-alala." Nakangiti niyang aniya sabay gagap sa kamay ng ginang.
Mapait naman itong napangiti. Siguro ay nakukunsensya parin ito dahil sa nangyari noon. "Ilang buwan na lang at lalabas na ang apo ko." Pag-iiba nito ng usapan nila. Napangiti naman si Jenny.
"Oo, nga po. At excited na masyado si Edward." Anito. "Lagi nga niyang sinasabi sa akin na lalaki daw ang baby niyo dahil nararamdaman niya." Anang ginang.
"Alam niyo Auntie minsan sarap po niyang kutusan. Dahil ipinagpililitan talaga niya yan sa akin. Kaya hindi ako pumayag na ipa-ultrasound ang ipinagbubuntis ko ng surprise na lang." Sumbong niya sa ina ni Edward. Maging si Manang Yolly ay natawa.
"Kinukulit nga rin niya ako iha kung paano daw mag-alaga ng baby. Paano ko ba daw siya inalagaan noong bata pa siya." Kwento naman ni Manang Yolly. "Ang laki ng ipinagbago niya. Napaka responsible niya. At alam kong proud sa kanya ang daddy niya ngayon. Dahil naging ganyan si Edward kahit wala kaming gabay sa kanya." Malungkot na anang ina ni Edward. Mabilis namang yumakap sa ginang si Jenny.
"Auntie. Magmove-on na po kayo. Wag niyo na po isipin ang nangyari na at nakaraan. Ang mahalaga po ay ngayon. Ang importante po ay magkakasama tayo ngayon." Anito. Gumanti rin naman ang ginang ng yakap sa kanya at tipid na ngumiti.
"Sige iha."
"Yan. Dapat nakangiti po kayo palagi. Sige po kayo, paglabas ni baby sa mundong ito e gusto niyo bang ang makikita niyang mga lola niya e malungkot. Gusto niyong maging sad ang apo niyo." Aniyang kinalapad ng ngiti ni Manang Yolly at ang biyanan niya.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER