Chapter 20

5.7K 250 16
                                    

LUMIPAS ang araw at taon mula ng bumukod sina Edward at Jenny. Naging tahimik naman ang pagsasama nilang dalawa. At hindi nga binigo ni Jenny ang asawa. Dahil kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan nilang mag-asawa ay hindi niya ito iniwan o tinalikuran. Naging madalang narin kung kumustahin ng mga kaibigan niya si Edward dahil may kanya-kanya narin ang mga itong kumpanyang inaasikaso.

"Baby, what's wrong with you?" May pag-aalalang tanong ni Edward sa asawa. "H-hindi ko alam. Baka hindi nagustuhan ng tiyan ko ang kinain natin ng magdinner tayo ." Sagot niya. Nagising kasi ito dahil bigla siyang nagsusuka ngunit wala naman siyang naisusuka. Naisip niyang baka hindi lang nagustuhan ng tiyan niya ang kinain nila ng magdinner silang mag-asawa.

Maingat naman hinihimas ni Edward ang likod ng asawa. "Okay na ako." Maya ay anito bago nagmumog sa lababo. "Bakit nga pala tumawag si Aljhon?" Pag-iiba niya ng usapan. Nakatulugan na kasi niya ang pag-uusap nila Edward at Aljhon kanina.

"Ipinaalala niyang birthday ng kambal." Sagot niya. "Pupunta ba tayo?" Tanong niya sa asawa.

"Siguro ipapadala na lang natin ang regalo para sa kambal nila. May gagawin kasi ako sa opisina." Sagot nito kay Jenny. "Okay," si Jenny na pinalandas niya ang kamay sa loob ng damit ni Edward.

"Baby. Anong ginagawa mo?" Sa halip na sumagot si Jenny ay ngumiti lang ito ng pilya habang hinahaplos niya ang dibdib ni Edward at tiyan. Para maging malaya ang kamay ni Jenny sa ginagawa ay mabilis na hinubad ni Edward ang suot niyang damit na kinalawak ng pagkakangiti ng asawa.

"Nagiging naughty kana baby ha." Ani Edward. Hindi naman alam ni Jenny kung bakit naaakit siya sa katawan ng asawa. Habang hinahaplos ni Jenny ang katawan ng asawa ay unti-unti namang pumipikit ang kanyang mga mata. At ng bumagsak ang katawan niya sa katawan ni Edward ay kunot noo itong napatingin sa asawa.

"Huh! Tinulugan mo naman pala ako." Naisatinig niya bago niya inayos ang pagkakahiga ng asawa sa kama. "I love you, baby." Mahina niyang aniya sabay halik sa noo ni Jenny na agad nagsumiksik sa katawan niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang gumanti dito ng yakap.

Nagising si Jenny ng tila bumabaliktad ang sikmura niya. Kaya patakbo siyang pumasok sa loob ng banyo na naduduwal. Pabalikwas naman bumangon sa kama si Edward ng marinig niya ang asawang nagduduwal na naman.

"Baby. Your not okay. Dadalhin na kita sa hospital." Puno ng pag-aalalang ani Edward. "I'm fine." Pigil dito ni Jenny bago siya nagmumog sa lababo.

"I think I'm pregnant." Maya ay ani Jenny ng may kahinaan ngunit umabot parin sa pandinig ng asawa. "Baby. Anong sabi mo?" Tanong niya kahit malinaw naman sa kanya ang narinig.

"I'm think I'm pregnant. Magdadalawang buwan na pala akong walang period." Anitong inaalala kung tama ba ang hinuha niya. Kay lapad naman ng pagkakangiti ni Edward sa narinig. This is it. Finally magkakaroon ulit sila ng baby. "I love you." Nakangiti niyang aniya sabay yakap sa asawa mula sa likod.

"I love you, too."

"Magpapatingin ka sa doctor ngayong araw---

----okay. Okay. But right now gusto kung kumain. Nagugutom ako." Anitong kinatawani Edward. "Okay. Anong gusto mong kainin at ipagluluto kita?" Tanong niya at nag-isip naman ito kung ano ang gusto niyang kainin.

"Kahit na ano na lang basta ikaw ang nagluto." Sagot niya. Nakangiti namang humalik ito sa noo ni Jenny bago niya binuhat at dinala sa kama nila. "Stay here. At ipaghahanda kita ng makakain mo." Anito sa asawa bago lumabas sa kwarto nila at pumunta sa kusina.

Nang lumabas ng silid nila si Edward nahiga naman muli si Jenny sa kama. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam siya ng pagkabagot. Kaya bumangon siya at lumabas ng silid nila.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon