SA paglipas ng mga taon ay nagawang palaguin ni Edward ang maliit nilang patahian noon. At hindi rin nila namamalayang mag-asawa ang paglaki ng mga anak nila.
"Dad. Mom. I'm home." Boses ng anak nilang babae. "Oh! Maaga ka ata nauwi anak?" Tanong agad dito ni Jenny.
"Wala naman kasi kaming ginagawa sa university, Mom." Sagot niya. "Dad. Alam mo bang kaibigan ko na ang anak ni tito Aljhon." Maya ay ani Sheryn.
"Sinong anak niya?" Kunot noo namang tanong ni Edward. "Si AD po. Yung anak niyang bunso." Anito.
"Paano mo siya nakilala?" Curious namang tanong ni Jenny. "Nakilala ko siya sa university, Mom." Aniya.
"Um. Mabuti naman kung ganun. Dahil yung daddy niya matalik rin na kaibigan ng daddy niyo. At never yun nakalimot." Ani Jenny.
"Ang bait nga niya, Mom. Kahit mayaman sila pero sa kaibigan ay wala silang pinipili. Nung una ko siyang nakilala e nakakatakot talaga siya. Pero, this day's I realized pasaway pala siya at pilya." Pagkwekwento nito sa kanila.
"Sinong pasaway at pilya?" Boses ng kararating lang din na si Ethan. "Si Aslea Dennisse." Sagot naman ni Sheryn.
"Sabi nga nila sa akin." Aniya naman nitong kinakunot ng noo nila. "Nila?" Tanong ni Sheryn.
"Yung mga kuya at pinsan niya." Sagot nito. "You know them?" Hindi makapaniwalang tanong ng kapatid niya. Tumango naman ito.
"Yeah. I already know them." Nagkatinginan naman ang mag-asawa. Mukhang maging ang mga anak nila ay magiging magkakaibigan. "Okay lang ba Dad na maging kaibigan namin sila?" Anang bunso nilang anak na si Sheryn. Ngumiti naman si Edward at tumango bilang sagot.
"Mukhang meron nang susunod sa mga yapak niyong magkakaibigan." Ani Jenny ng sila na lang mag-asawa ang naiwan sa sala. "Not bad." Aniya na siyang pagtunog ng tawagan ni Edward. Agad naman niya itong sinagot ng makita kung sino ang tumatawag.
"Hey?"
"Bro, wala kana bang planong bumisita dito sa bahay? Nagtatampo na ang asawa ko dahil matagal na daw niyang hindi nakikita si Jen." Boses ng nasa kabilang linya. Natawa naman siya.
"Okay. Okay. Kailan mo gustong pumunta kami dyan?" Aniya. "How about tomorrow?" Tanong nito kay Edward.
"Okay. Sige. Bukas."
Nang mawala ang nasa kabilang linya ay saka niya binalingan ang asawa. "Pupunta tayo sa bahay nila Vergara. Nagtatampo na daw kasi si Weng at matagal kana niyang hindi nakikita." Ani Edward.
"Ilang taon na rin naman kasi ang lumipas na hindi kami nagkikita." Hindi na nga matandaan ni Jenny kung kailan ang huling taon na nagkita sila ni Weng. "I miss her. She treat me like her own sister before kahit alam niyang hindi ko masusuklian yung kabaitan niya sa akin." Ani Jenny na nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Bagay nga silang mag-asawa." Sang ayun naman ni Edward. "Sino Dad?" Biglang tanong ni Ethan sa kanila na nakapagpalit na ng damit pambahay.
"Ang tito Aljhon niyo at tita Weng." Si Jenny ang sumagot sa tanong ni Ethan. "Oh!" Tanging lumabas sa bibig ni Ethan.
"Dad. Totoo po na pupunta tayo sa bahay nila tito Aljhon?" Si Sheryn na hawak-hawak ang tawagan. Tumango naman ang ama bilang sagot. "Hindi nga?" Paniniguro naman ni Ethan.
"Tumawag si AD at sinabi niya." Ani Sheryn. "Oh-kay."
KINABUKASAN bago magtanghali ay gumayak silang mag-anak patungo sa tahanan ng mga Vergara. At ng marating nila ang bahay ng isa sa mga kaibigan ni Edward ay bahagyang sumilip sa labas si Jenny.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER