HABANG dala-dala ni Jenny Rose ang brown envelope na ibinigay ng uncle niya sa kanya ay malalim siyang huminga. Inutusan siya ng uncle niyang ibigay ang dala-dala kay Edward Samañego. Bakit naman kasi hindi na atah mapaghiwalay ang magkakaibigan. Nakakahiya tuloy na humarap sa mga ito. At sa unang pagkakataon ay makakalapit siya sa mga ito. Dati rati ay nakakasalubong lang kasi niya ang mga ito o natatanaw sa loob ng university. Pero, dahil sa pakiusap sa kanya ng uncle niya ay inubos na niya ang buong lakas ng loob para harapin ang mga ito.
"Kaya mo yan Jenny." Pagpapalakas niya sa sarili.
Sa bawat paghakbang niya ng mga paa ay dinadaga naman ang dibdib niya sa kaba. Idagdag pa na nahihiya siya sa mga ito. Mga ilang dipa lang ang layo niya sa mga ito ay agad niyang nakita si Edward na nakayuko habang hawak-hawak ang cellphone nito.
"Uhmm! Hi!" Ang nahihiya niyang aniya sa mga ito ng makalapit siya sa kanila. "Yes! What can we do for you, Miss?" Tanong agad sa kanya ni Sean Javier.
"A-ah! Gusto ko lang ibigay ito kay Mr. Samañego." Sagot niya sabay pakita ng hawak niyang brown envelope. Agad naman nag-angat ng mukha si Edward sabay tingin nito sa kanya. "Wag kang himatayin, Jenny. Nakakahiya sa kanila." Anito sa sarili.
"Yes! Miss?" Ani Edward.
"Um. Pinabibigay ito sayo ni uncle." Sabay abot niya ng brown envelope. Agad naman itong inabot sa kanya ni Edward. "Anong laman nito, Miss?" May pagtatakang tanong nito sa kanya.
"Yan atah yung trabahong pinagawa mo sa kanya. Yung information na gusto mong makuha." Sagot niya. Tila agad naman nakuha ito ni Edward dahil agad itong tumango.
"Okay! thanks. Pakisabi narin sa uncle mo na maraming salamat for this." Anito na bahagyang itinaas ang hawak na brown envelope.
"Your welcome." Sagot nito at tipid na ngumiti.
"Hi! May I know your name?" Bigla naman tanong ni Brent sa kanya. "Brent Iñigo Arevallo by the way." Pati buong pangalan nito ay ipinakilala niya sa kanya.
"H-huh!" Tangi niyang naisagot kay Brent dahil sa gulat. Hindi naman kasi niya ini-expect na magpapakilala ito sa kanya. "Hoy! Brent, tumigil ka dyan kung ayaw mong sapakin kita ngayon din." Biglang ani Edward kay Brent. At sa tuno ng boses nito ay parang biglang nalaglag ang puso ni Jenny Rose. Parang galit kasi ito na hindi niya maipaliwanag.
"Ito naman makipagkilala lang naman ako, nagagalit na," Ang nakasimangot na ani Brent. "So, what's your name, miss?" Pag-uulit ni Brent sa kanyang tanong sabay lahad ng kamay nito.
"A-ah! I'm J-jenny Rose. Jenny Rose Ladja." Kinakabahan niyang pakilala dito. At ng aabutin na sana niya ang kamay ni Brent ay ang kamay naman ni Edward ang agad niyang nakadaupang palad.
"Hmmm! Hindi naman halata bro!" Sabay tawa ni Brent at Sean.
"A-ah! sige please excuse me. May gagawin pa kasi ako." Agad niyang paalam sa mga ito. Hindi na kasi niya kaya ang presensya ng mga ito. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng mga itong pagtawanan.
"Bye, sis. And take care." Anang dalawang babaeng kasama ng mga ito sa kanya na nakangiti. Agad naman siyang ngumiti sa mga ito ng tipid bago siya tumalikod.
At habang nakatalikod siya ay pakiramdam niya meron mga matang nakatingin sa kanya. Kaya mabilis ang bawat hakbang ng mga paa niya makalayo lang agad sa mga ito.
"Thanks God." Anito ng hindi na niya makita ang grupo nila Edward habang hawak ang dibdib. "Para na akong hihimatayin sa nerbyos habang kaharap sila. Sana hindi ko na ulit sila makikita pa dahil nakakahiya talaga sa kanila." Mahina nitong pagkausap sa sarili.
"Hays! Move-on kana sa kanila Jenny. Ang isipin mo ay kung papaano ka makakawala sa bahay ng tyahin mo. Isipin mo ang narinig mong sinabi niya. Ikaw ang ipambabayad niya dun sa pinagkautangan niya." Anang isa niyang isip na kinatayo niya ng tuwid.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER