AGAD hinanap nila Edward kung saan ang kanyang ina ng marating nila ang hospital. Tahimik namang nakasunod sa kanya ang asawa.
"Excuse me. I'm looking for the patient's name is Cassandra Samañego." Tanong niya sa front disk ng hospital. "Ano pong relation niyo sa patient?"
"She is my Mom." Sagot naman niya. "Room 104."
"Thank you," pasalamat niya dito bago binalingan ang asawa. "Baby. Let's go." Yakag niya sa asawa na agad naman nagpatianod.
"Are you the relative of the patient?" Tanong ng tila doctor na kalalabas lang sa loob ng silid. "Yes."
"I'm doctor Guevara." Pakilala naman agad nito sabay lahad ng kamay na agad naman inabot ni Edward. "How is she?" Tanong niya.
"Well, stable na ang lagay ng patient sa ngayon. Pero under observation parin ito. Dahil kung hindi agad ito magigising sa loob ng 24 hour ay idedeklara namin siyang under comatose." Paliwanag nito kay Edward.
"Okay. Thank you." Matapos makausap ni Edward ang doktor ay saka ito umalis at iniwan sila. Tahimik namang nakatayo sa labas ng silid ang mag-asawa habang nakatingin sila sa loob ng silid. Kitang-kita sa labas ng silid ang nangyayari sa loob. Maraming aparatus ang nakakabit sa kanyang ina.
"Pwede po bang pumasok sa loob?" Maya ay tanong ni Edward sa nurse na kalalabas lang mula sa loob ng silid. "Sandali lang po at itatanong ko kung pwede po ba." Anang nurse.
"Sir, pwede daw kayong pumasok sa loob kung gusto niyo." Anang nurse kay Edward. Nginitian naman siya ng asawa sabay tango nito. At naintindihan naman niya ang ibig iparating sa kanya ni Jenny. Kaya tipid siyang ngumiti sabay halik niya sa noo ng asawa. "Thank you." Anito sa asawa.
"Pwede na po ba akong pumasok sa loob?" Tanong ni Edward sa nurse ng balingan niya ito. "May ipapasuot lang po sa inyo bago po kayo pumasok sa loob. Follow me, sir." Sagot nito at tumango naman siya.
Pinagsuot ng hospital gown si Edward bago ito pinapasok sa loob ng silid kung saan nakaratay ang kanyang ina. At ng makalapit siya sa kinahihigaan ng ina ay agad siyang naawa sa kalagayan nito. Maingat siyang naupo sa upoang nasa tabi ng kama kung saan nakahiga ang kanyang ina.
"Mom. Can you hear me? I'm here," anito sabay gagap niya sa kamay ng ina. "You know I'm still mad and angry with you. Pero hindi ko pala kayang baliwalain kayo ngayon. Kaya gumising agad kayo. Don't make me worried, Mom. Bumangon agad kayo dito. Because I have a good news for you." Kausap niya ang ina na hindi niya alam kung naririnig ba siya nito o hindi.
"Mom, parang buntis ulit ang asawa ko. And I'm praying na buntis nga po siya. Hindi pa kasi kami nakakapunta sa doctor para ipacheck-up siya. Kaya gumising agad kayo. Hihintayin namin kayo ni Jenny. I need you Mom kung alam niyo lang yun. I feel tired but I don't want to give up. I love my wife, Mom. And I'm willing to do everything just for her. And Mom you know who is Jenny's parents? Yung Dad niya ang laki ng utang na loob ko pala sa kanya." Bahagya siyang huminto sa pagsasalita at inipon muna niya ang lahat ng hangin sa loob niya bago siya muling nagsalita.
"I found out Mom, Jenny's dad is the person who save me when I got kidnapped before. Natatandaan niyo po nung nasa grade school ako Mom ng meron nakalaban sa negosyo si Dad at ako ang kinidnap nila. Pero hindi alam ni Jenny. Mukhang walang sinabi ang dad niya sa kanya. At nalaman ko lang din naman nung ipakita ni Jenny sa akin ang picture ng parents niya. Doon ko nakita ang mukha ng dad niya ang taong hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Dahil. Dahil sa kanya buhay pa ako hanggang ngayon Mom. You see that Mom. My wife ay galing sa mabuting pamilya." Aniya sa ina na hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pagkahulog ng isang butil ng luha sa mga mata nito. Kaya agad siyang napatayo mula sa kinauupoan niyang upoan sa tabi ng ina.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER