Chapter 16

5.5K 251 10
                                    

DAHIL sa nangyari kay Jenny ay galit na galit ang mga kaibigan ni Edward kay Anika. Hindi nila matanggap ang ginawa nito kay Jenny. Kaya naman nagtulungan ang mga kaibigan ni Edward kung paano nila maipaghihiganti ang nangyari kay Jenny. Wala silang pakialam kung ano ang sabihin ng iba sa gagawin nila. Masama na sila kung masama ang mahalaga sa kanila ay maturuan nila ng leksyon ang taong kumanti kay Jenny.

"Natawagan niyo na ba yung pinapatawagan ko sa inyo?" Tanong ni Sean sa mga kasama niya. "Nakausap ko na sila, sabi ni Martinez ay okay na daw." Sagot ni Brent.

"Good."

Habang nag-uusap ang iba ay kinuha naman ni Aljhon ang tawagan. "Are you calling-----

----one of my Ninong." Putol ni Aljhon sa tanong sana sa kanya ni Rainier. Kunot noo naman itong napatingin sa mukha ni Aljhon. "Hello." Sagot agad ng taong tinawagan ni Aljhon.

"Hey! Kumusta po kayo Ninong?" Tanong niya sa kabilang linya. "I'm good, hijo." Sagot naman nito sa kanya.

"Um. Ninong."

"What is it, hijo?"

"Pwede po bang humingi ng favor sa inyo?" Anito sa kausap. "Of course, magsabi ka lang kung ano." Walang pag-aatubiling sagot ng ginoo sa kanya.

"Thanks, Ninong," si Aljhon na napangiti. "Okay. Ninong, can you kick out Mr Ventura in your company." Anito.

"Oh! May ginawa ba siya sayo hijo, sa pamilya mo?" Tila kinakabahang tanong ng ginoo. "No. No. No, wala naman po silang nagawang atraso sa akin, Ninong. Pero sa kaibigan ko ay malaki. Nawalan ng anak ang kaibigan ko dahil sa anak ni Mr Ventura. Mr Ventura's daughter push my friend's wife." Anitong kinabuntong hininga ng ginoo. At kung nakikita lang ito ni Aljhon ay naiiling ang ginoo dahil sa narinig kay Aljhon.

"Magnanakaw ang ama wala namang puso ang anak." Naisatinig ng ginoo na kinakunot ng noo ni Aljhon. "What do you mean magnanakaw, Ninong. I mean si Mr Ventura ninanakawan kayo?" Naguguluhang tanong niya sa ginoo.

"Oo. I just found out that, hijo. Hindi ko alam na matagal na pala niya akong pinagnanakawan sa company ng pera." Sagot ng ginoo.

"What the----

Gustong mapamura ni Aljhon sa narinig. Si Rainier na nakikinig sa kanya ay magkasalubong kilay nitong hindi siya maintindihan.

"Sir."

Boses sa kabilang linya na rinig ni Aljhon. "Yes?" Ang ninong ni Aljhon. "Sir, meron daw mga police sa lobby." Sa tingin ni Aljhon ay secretary ng Ninong niya ang boses babae na nagsasalita sa kabilang linya.

"Okay. Inform mo sila sa lobby na papasukin ang mga police. Dahil meron lang silang susunduin sa loob ng company para tumira sa silda nila." Rinig ni Aljhon.

"Okay po, Sir."

"Hijo?"

"Yes, Ninong."

"No worries about Mr Ventura. Dahil nandito na ang mga police na sumusundo sa kanya." Anang ginoo. "Thank you, Ninong. Ngayon wala na kaming iisipin pa kung ganun about Mr Ventura." Anito.

Matapos makipag-usap ni Aljhon sa ninong niya ay binalingan niya ang mga kaibigang nagtatanong ang mga mata. "Si Mr Ventura ay sinusundo na ngayon ng mga police sa opisina ni Ninong." Anito.

"What? I mean why?" Naguguluhang si Marco. "Nalaman ni Ninong na matagal na pala siyang pinagnanakawan ni Mr Ventura. Kaya hindi yun pinalampas ni Ninong." Paliwanag nito.

"Wtf. Kaya naman pala may pinagmanahan talaga yang si Anika." Boses ni Darren na kararating lang. "Anong ginagawa mo dito?" Kunot naman ang noo na tanong dito ni Brent.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon