MAG-ISANG nakaupo si Jenny Rose sa sala habang nanonood ito ng TV. Kanina pa niya palipat-lipat kung pindotin ang remote ng TV. Ng wala siyang magustohan sa palabas sa mga channels ay pinatay na lang niya ito. Agad niyang dinampot ang tawagan pagkalapag niya ng remote control sa center table.
"Um. Mabuti pa magbasa ako ng comics," anito sabay scroll niya ng mga apps sa cellphone nito. "Great. Meron akong mababasa." Saad pa nito.
Hindi pa siya nangangalahati sa binabasa ng biglang tumunog ang tawagan.
Miss Fatima's calling........
Nagtataka siyang sinagot ang tawagan. "Hey! Napatawag ka sis?" Bungad niya sa tumawag. "Sis, busy ka ba ngayon?" Tanong sa kanya ng nasa kabilang linya.
"Bakit? Nasa bahay lang ako." Sagot niya. "Ikaw lang ba mag-isa?" Muli ay tanong ni Fatima sa kanyang ikinakunot ng noo.
"Um. Yeah. Ako lang mag-isa dito sa bahay. Sumama kasi si Edward sa mga kaibigan niya. You know." Anito.
"Fantastic. So, wala ka bang gagawin?" Tanong na naman nito sa kanya. "Wala. Why?"
"Sis, dadaanan kita dyan. Pumunta na lang tayo sa bahay nila Weng habang wala ang mga boys. "Um. Sige. Sige. Hintayin na lang kita dito." Sagot naman niya dito.
Nang mawala sa linya ang kausap ay nakangiti siyang tumayo at pumasok sa silid niya. Mabilis siyang nagbihis at inayos ang sarili. Lumabas ng silid niya si Jenny matapus niyang magbihis. Sa sala na lang niya hihintayin si Fatima.
Ilang minuto rin ang lumipas ng tumunog ang tawagan ni Jenny. "Um. Nasaan kana sis?" Anito ng makita kung sino ang tumatawag. "Nandito ako sa baba sis. Hintayin na lang kita dito." Anito. Kaya agad siyang tumayo at lumabas ng bahay. At bago siya tuluyang umalis ay inilock muna niya pinto ng bahay.
"Thanks God. You're free." Ani Fatima na ipinagbukas siya ng pinto nang sasakyan pagkakita nito sa kanya. Nakangiti namang pumasok sa loob ng sasakyan si Jenny. "Mabuti nga at tinawagan mo ako. Nakakainip rin ang mag-isa lang sa bahay." Anito.
Pagkalipas ng halos kalahating oras na byahe nila ay narating nila ang bahay nila Weng. Kaya maingat na itinabi ni Fatima ang sasakyan. "Tawagan muna natin si Weng." Anito kay Jenny.
"Can we come in, nandito kami ngayon sa labas ng house niyo ni Jenny Rose." Ani Fatima na rinig ni Jenny. "Sis, let's go." Anang kasama niya sabay bukas ng sasakyan. Kaya sumunod naman dito si Jenny.
Nang bumukas ang malaking pinto ay agad pumasok sa loob ang dalawa. Naratnan naman nilang magkasama sa loob si Weng at Dawn. Kilala na ang mga ito ni Jenny dahil kay Edward.
"Hi girls. Dito muna kami tatambay. Nakakabagot kasi ang walang kakwentuhan, may lakad daw kasi sila Sean. Ang daya nga at hindi tayo kasama." Ani Fatima sa mga ito at nagkatawanan naman sila dahil totoo ang tinuran nito.
Hindi pa umiinit ang pwet ng dalawa nang makaupo sila ng tumunog ang message alert tone ng tawagan ni Weng. Ng damputin nito ang tawagan ay taka silang nakamata dito ng makita nilang may kapilyahang ngiti sa mukha nito.
"Girls let's go. Alam ko kong nasaan sila." Biglang yakag sa kanila ni Weng. "Where?" Ang panabay naman nilang tanong kay Weng.
"At CB, nandun sila. Nagmassege si Aljhon sa akin." Sagot ni Weng sa kanila. Kaya agad nilang tinungo ang isa sa mga sasakyan nila Weng at agad na umalis. Ang sasakyang dala nila ni Fatima ay iniwan nila sa bahay nila Weng dahil tinatamad daw magdrive ito. At dahil sa daang tinahak nila Weng ay walang traffic ay kaya madali lang nila narating ang Clarence Bar.
"Sa tingin niyo nasa loob na sila?" Tanong ni Jenny sa mga kasama ng makababa sila ng sasakyan. "I dont know?" Ani Weng.
"Mabuti pa, pumasok nalang tayo sa loob." Saad naman ni Dawn sa kanila. Kaya agad silang pumasok sa loob ng Clarence Bar at ang lahat ng madaanan nila ay napapasipol. Agad nilang tinungo ang counter at nagtanong si Fatima dito.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER