Chapter 19

5.7K 286 21
                                    

HABANG abala si Jenny sa pag-aayos ng mga gamit nila sa nilipatan nila ng asawa na apartment ay bigla siyang nakarinig ng katok mula sa labas ng pinto. Sa pag-aakalang ang asawa niya ang dumating ay dali-dali niya itong binuksan. Ngunit laking gulat niya kung sino ang napagbuksan niya ng pinto.

"A-ano pong ginagawa niyo dito?" Gulat niyang tanong. "Nandyan ba ang asawa mo?" Malumanay nitong tanong. Umiling naman si Jenny bilang sagot.

"Tuloy po kayo." Aya niya sa kausap. Tumuloy naman ito. "Pasensya na po kayo at magulo dito sa loob. Hindi pa po kasi ako tapos sa pag-ayos ng mga gamit namin." Hinging paumanhin niya sabay alis niya ng plastic bag na nasa sofa.

"Upo po kayo."

"Salamat. Kumusta kayo?" Naguguluhan naman si Jenny kung bakit iba ang pakikitungo ngayon sa kanya ng kausap. "Kahit papaano ay okay naman po kami. Sinusubukan po naming maging maayos ang buhay namin." Sagot niya.

"Nasaan nga pala si Edward?" Tanong nito. "Pumunta po siya dun sa patahian. Maya-maya po ay nandito na yun." Magalang niyang sagot. "Ano po ang gusto niyong inumin?"

"Wag kana mag-abala pa iha." Tumango naman siya. Hindi alam ni Jenny kung paano niya papakitunguhan ang kaharap. Kaya lihim siyang nagdadasal na sana dumating na ang asawa niya.

"Iha. I'm sorry. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Sana mapatawad mo ako." Nakikita naman ni Jenny ang senseridad sa kausap. "Kalimutan niyo na po yun. Nangyari na po yun at nakalipas." Sagot niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Panabay na napalingon ang dalawa. "Nandito ako dahil gusto kitang makausap, anak." Mangiyak-iyak agad na anang ina ni Edward na siyang bisitang di inaasahan ni Jenny kanina.

"Just leave us alone, Mom. Hayaan mong matahimik ang buhay namin. Nakuha muna ang gusto mo. See, we are miserable now. Walang kaibigan at pamilya. Nakatira dito sa maliit na apartment dahil ito lang ang nakayanan ng pera ko." Malamig niyang aniya sa ina.

"No. Sumama kayo sa akin. Dun kayo tumira sa bahay." Sagot ng kanyang ina. Natawa naman si Edward sa tinuran ng ina. "Para ano, Mom? Para mas lalo akong pagtawanan ng nakakakilala sa pamilya natin?" Patanong nitong aniya sa ina.

"Mom, mas gusto kung dito ako tumira kesa sumama sa inyo. Don't worry. Nakayanan ko ngang harapin yung mga taong ginago ni Herman mag-isa, ngayon pa ba ako matatakot. Magsisimula kami dito ni Jenny. Kahit walang-wala kami ay hindi kami susuko. And we don't need any help from you." Anito sa ina na namalibis ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Si Jenny naman ay tahimik lang itong nakikinig sa mag-ina. Ayaw niyang panghimasukan ang dalawa dahil bali-baliktarin mo man ang mundo ay mag-ina parin ang dalawa.

"A-anak."

"Mom. Please. Umalis na kayo." Pagtataboy niya sa ina. Napipilitan naman ang ginang na umalis. "Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko po siya at hindi iiwan. Sasamahan ko po siya kahit saan siya magpunta o ano mang desesyon ang gagawin niya." Ani Jenny sa ginang na hinatid niya hanggang sa labas ng pinto.

"Salamat iha." Isang tipid na ngiti lang ang sinukli dito ni Jenny bago niya isinara ang pinto. "Hey! Okay ka lang?" Ani Jenny sa asawa ng makabalik ito sa may kaliitan din nilang sala.

"Um. I'm fine." Sagot ni Edward. "What?" Taka namang tanong ni Jenny ng mataman siyang tinitingnan ng asawa. Mabilis naman itong umiling sabay ngiti ng pilyo. Kaya mahina niya itong hinampas sa balikat na kinatawa lang ni Edward. "Tigilan mo ako." Hinampo niya sa asawa na mabilis ipinulupot sa baywan niya ang dalawang kamay ng tangkain niyang tumalikod dito.

"I love you. Thank you for staying in my side." Anito. "Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Asawa kita. Kaya kahit saan ka pumunta o ano man ang magiging decision mo ay susuportahan kita kung alam kong mabuti naman ang hangarin mo. Pero kung hindi maganda ang kahihinatnan ng gusto mo at ikakapahamak muna ay ako mismo ang magsasabi sayong mali na ang ginagawa mo," ani Jenny sa asawa.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon