Chapter 17

6.1K 274 28
                                    

HABANG naglalakad si Edward ay pakiramdam niya maraming matang nakatuon sa kanya. Parang camera ang mga itong nakatutuk sa kanya. Kaya binilisan niya ang paglalakad makabalik lang agad sa kwarto ng asawa niya. Hindi pa kasi ito hinayaan ng doctor niyang lumabas ng hospital hanggat hindi pa ito tuluyang gumagaling matapos ang nangyari dito.

Pagbukas ni Edward ng silid kung saan ang asawa niya ay tulog parin ito. Kaya dahan-dahan niyang isinara ang pinto bago siya lumapit sa kinahihigaan ni Jenny. Maingat niyang inilapag ang binili niyang makakain sa mesang katabi lang ng higaan ni Jenny bago siya yumuko at kinintalan ng pinong halik sa noo ang asawang natutulog.

"Get well soon, baby." Anito. At habang hinihintay niyang magising ang asawa ay binuksan niya ang TV na naroon.

'BREAKING NEWS'

"Humaharap ngayon ng malaking controversy ang family Samañego," anang nagbabalita sa TV na kinakunot ng noo ni Edward. "Ang kumpanya di umano ng mga Samañego ay pag-aari na ito ng unknown person at hindi na ang mga Samañego. At ang mga shareholders ng kumpanya nila ay galit na galit ang mga ito ngayon sa mga Samañego. Ang karagdagan balita ukol dito ay sa ulat ni Shine Langusta Recodo."

"Ayun nga sa kumakalat ngayon na controversy ay hindi na pag-aari ng mga Samañego ang Samañego Incorporation matapos itong mabili ng unknown person. Hindi pa nagpapakilala ang bago nitong may ari. Ngunit hindi iyon ang kinagagalit ng mga shareholders ng kumpanya," anang nagbabalita. Hindi naman alam ni Edward ang sasabihin, nakaawang lang ang kanyang mga labi habang nakating sa harap ng TV.

"Ah! Sir, bakit po kayo galit sa mga Samañego?" Tanong ng reporter at sa tingin ni Edward ang lalaki ay isa sa mga shareholders ng kumpanya nila. "Paano kami hindi magagalit. Ibinita na nga ng mga Samañego ang kumpanya nila pati ba ang shares namin ng hindi namin nalalaman. Kaya kung nasaan ka man Mr Edward Samañego ay harapin mo kami. Explain this to us. Nagtiwala kami sa kumpanya niyo dahil malaki ang tiwala namin at respeto sa namayapa mong ama. Pero anong nangyari. Since hinawakan ni Herman ang kumpanya niyo ay unti-unti ng nagbabago ito." Sagot ng lalaki. At bumaling naman ang reporter sa katabi ng lalaking kinapanayam.

"Totoo yun. Mula ng ipakilala ni Mrs Samañego si Herman ay naging mabigat na ang loob ko dito. Pakiramdam ko hindi maganda ang dala niya. Pero tiwalang-tiwala dito si Mrs Samañego. Kaya inisip ko baka nagkakamali lang ako ng kutob o hinala. Siguro nga kilang-kilala na ito ni Mrs Samañego kaya nga pinagkatiwalaan niya itong hawakan ang kumpanya nila kesa anak nito. Pero sinong mag-aakala na ganitohin niya kami. Ibininta na nga niya sa iba ang kumpanya ng mga Samañego pati ba naman ang shares namin. Hindi namin pinupulot ang mga perang iyon, pinaghirapan po namin iyon. Wala kaming masisingil ngayon kundi ang nag-iisang anak lang ng mga Samañego.   Kaya sana magpakita siya sa amin at harapin kami." Saad ng lalaking nagsasalita sa TV. Napasabunot ng sariling buhok si Edward.

Akala ni Edward ay tapos na ang nagbabalita ngunit hindi pa pala. "Ayun po sa ibang nakapanayam natin ay maaring tumakbo kasama ni Herman si Mrs Samañego. Dahil may relasyon di umano ang dalawa. Hayagan itong nakikita ng mga employee ng mga Samañego kapag magkasama ang dalawa------

Sa inis ni Edward ay pinatay niya ang TV. Hindi na niya ito tinapos pa. Doon lang naisip ni Edward na kaya pala pinagtitinginan siya kanina ay dahil sa nangyari sa kumpanya nila.

"Ugh! Mom, what have you done?" Anito habang sapo-sapo ang mukha. Hindi pa nga nakakalabas ng hospital ang asawa niya dahil rin sa kanyang ina. Ngunit hito na naman at sinundan na naman nito ng another problem.

"God. I don't know what to do." Mahina nitong aniya. "Why I need to sacrifice like this. Wala naman ata akong ginawang masama." Kung pwede lang sigurong umiyak ay umiyak na siya. Ngunit hindi siya ganun at isa pa hindi niya pweding ipakita sa asawa na nanghihina siya. Dahil hindi pa ito gumagaling. Kaya kailangan niyang magpakatatag. Pero paano kung hindi nito matagalan ang kahihiyan ngayon na kinakaharap niya. Dahil hindi pa ba kahihiyaan ang tawag sa nangyayari ngayon sa kanya. Pinag-uusapan ng lahat ngayon ang pamilya nila dahil sa ginawa ni Herman sa kumpanya nila. Sa isiping yun ay mabilis siyang napasabunot ng sariling buhok. Paano kung iwanan siya ng asawa. Dahil nawalan na nga sila ng anak dahil sa kanyang ina at madagdagan pa ng kahihiyaang ganito.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon