Chapter 26

6.2K 228 15
                                    

LUMIPAS ang mga araw at buwan na wala paring nahahanap ang mag-asawang Edward at Jenny na magiging donor ng cornea para kay Ethan. At sa mga araw na lumipas ay nagiging matamlay na rin si Ethan. Halos magkulong na lang ito sa kwarto niya at ayaw ng lumabas.

"Be strong. Kaya natin 'to." Pampalakas loob ni Edward sa asawa. Umiiyak ito dahil hindi na niya alam kung sino ang uunahin niya kung ang anak ba niyang si Ethan o ang biyanan niyang meron sakit at nakaratay ngayon sa hospital.

"Nanghihina na ang mommy mo. At si Ethan. Ayaw niyang lumabas ni makipaglaro sa kapatid niya ay hindi na niya ginagawa." Anito. Mabilis naman itong niyakap ni Edward. Maging siya ay pinanghihinaan narin ng loob minsan. Ngunit ayaw niyang sumuko. Higit siyang kailangan ngayon ng pamiya niya. Kaya lalaban siya at hindi susuko ano man ang mangyari.

"Baby. I need you. So, please don't give up. Malayo na ang narating natin. Ngayon pa ba tayo susuko." Ani Edward. "Hindi naman ako sumusuko. Kahit anong mangyari ay hinding hindi ako susuko. Basta't alam kung nasa tabi kita." Sagot niya.

"Mommy. Daddy. Si Nana Yolly po." Ang bunso nilang anak sabay abot niya ng tawagan ni Jenny. Agad naman niya itong inabot. "Manang?" Nang sagotin niya ang tawagan.

"Iha. Pumunta kayo dito sa hospital. Gusto kayong makausap ng inyong ina." Sagot ng nasa kabilang linya. Nagtatanong naman ang asawa kung ano ang sinabi ng kausap niya. "Gusto daw tayong makausap ng iyong ina," aniya sa asawa. "Sige po, pupunta rin po kami agad dyan." Aniya sa kabilang linya bago niya pinatay ang tawagan.

"Anak. Bantayan mo ang kuya mo ha. Pupunta lang kami sa hospital ng daddy mo para tingnan ang lola mo." Aniya sa bunsong anak na tumango naman bilang sagot. "Good girl."

Pinuntahan agad ng mag-asawa ang hospital kung saan ang ina ni Edward na-confined.

"Manang Yolly?" Si Jenny na nagtatanong ang mukha kay manang Yolly. Nagkibit balikat lang naman ito bilang sagot.

"Mom. Kumusta ang pakiramdam mo?" Si Edward ng makalapit ito sa kama ng ina. "I'm fine, anak. Kumusta ang mga apo ko?" Tanong ng ginang. Napabuntong hininga naman si Edward sa tanong ng ina. "What's wrong?" Kunot noo nitong tanong.

"Nothing, Mom." Sagot niya. "Don't lie to me Edward. Tell me what happened?" Anang kanyang ina. "It's fine, Mom. Wag muna isipin yun. Magpagaling na lang kayo." Pilit itong ngumiti sa ina.

"Jenny. Anong nangyari? May nangyari ba sa mga apo ko?" Tanong niya kay Jenny ng balingan ito ng ginang. "Auntie. Wala naman po. Magpagaling na lang po kayo. Hinihintay kayo ng mga apo mo sa bahay." Ani Jenny sa ginang. Pinaningkitan naman sila ng ginang ng mata.

"Alam kong meron nangyari sa bahay habang wala ako dun. Kaya sabihin niyo sa akin. Akala niyo diko kayo kayang tsinilasin kahit nakahiga ako dito sa kama. Hindi pa naman ako embalido. Kaya wag kayong maglihim sa akin." Anito. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.

"Kayo talaga, auntie. Wala naman po kayong dapat ikabahala. Yung apo niyo lang naman po kasi na nagkukulong na lang sa kwarto niya at ayaw ng lumabas. Pero, magiging maayos din naman po yun. Kaya dapat magpagaling po kayo agad. Dahil sa inyo lang yun nakikinig." Ani Jenny.

"Wag kayong mag-alala at makakakita ulit ang apo ko. Kunting tiis na lang at makakakita din siya." Pangiting anang ginang. "We know, Mom. Kaya magpagaling agad kayo." Sabat naman ni Edward.

"Anak. Matanda na ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal sa mundong ito." Anang ina niya. "Mom. Don't say that. Malakas pa kayo." Agad ditong sagot ni Edward.

"Oo, nga po Auntie. Diba tsi-tsinilasin mo pa kami." Pabiro namang ani Jenny. "Ikaw talaga," nailing na anang ginang. "Alagaan mo ang mag-aama mo ha. Kahit na anong mangyari, ipangako mo sa akin na sila ang uunahin mo. Wag mong gayahin ang nagawa kung pagkakamali noon." Anito.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon