HABANG nasa daan sina Jenny ay panay sulyap niya sa katabing seryuso sa pagmamaneho. Bago sila umalis kanina ng bahay ay tinatanong niya ito kung saan sila pupunta, ngunit hindi siya nito sinagot ng maayos.
"Saan ba tayo pupunta?" Muli na naman niyang tanong sa nobyo. Napailing naman itong nakangiti. "Malalaman mo kapag nandoon na tayo, baby." Sagot na naman nito. Kaya nakapuot na sumandal sa kina-uupoan niya si Jenny. The same question and the same answer nangyari sa kanila mula ng umalis sila ng bahay hanggang sa marating nila ang lugar na hindi pamilyar sa kanya.
"Ano---- Ah! Never mind." Ani Jenny ng makababa sila ng sasakyan. "Don't be mad at me baby, please." Anito sa nobya ng mapansin niyang naiinis na ito.
"Alam mo kung hindi lang talaga kita mahal. Naku! Kanina pa sana kita nasakal." Saad nitong kinangiti ni Edward ng lihim. "I love you more, baby."
"Samañego, ang tagal mo." Si Oliver na kasama si Raven at Andrew. "Nandyan na ba sila?" Tanong naman niya sa mga ito.
"Yeah! Kayo na lang ang hinihintay." Si Andrew ang sumagot sa tanong niya. "Okay. Baby, let's go." Aya niya sa nobya.
"Opss. Boys, kayo na muna ang bahala kay Edward. Hihiramin muna namin si Jenny." Ani Weng sa kanila. Nang hawakan ni Weng ang kamay niya at hinila kung saan ay nagpatianod naman dito si Jenny na hindi alam ang nangyayari.
"Okay. Gusto kung pagandahin niyo siya ng bongga." Utos ni Fatima sa mga makeup artist na nandoon. Agad naman nagsilapitan ang mga ito at tumalima.
"What is happening?" Tanong niya sa isip. "Wow. Perfect." Si Dawn na pumalakpak pa ng makita niya si Jenny na nakatayo sa harapan nila matapos niyang maisuot ang damit na pinasuot nila sa kanya.
"Wag niyo masyadong kapalan ang paglagay ng makeup ha." Ani Fatima sa naglalagay ng makeup kay Jenny. "Actually hindi naman niya halos kailangan ng makeup dahil maganda na siya even without a makeup. She is natural beautiful." Si Weng na nakangiti.
"Yan tayo e. Gifted sa kagandahan." Pilya namang ani Hilda sa kanila na kinatawa nila.
Makalipas ang ilang oras na pag-aayos kay Jenny ay akay-akay na siya ngayon ng mga kaibigan niya. At sa tuwing magtatanong siya sa mga kaibigan kung ano ang nangyayari ay iisa lang ang sagot ng mga ito. 'Enjoy your day.' And it's confusing her. Wala siyang idea kung ano ang nangyayari.
"Okay. Ready na ba ang lahat?" Tanong ni Weng sa kanila. "Oo. Ready na ang lahat." Sagot ni Dawn.
"Alam mong tinuturing na kitang parang kapatid ko right?" Tanong sa kanya ni Weng at tumango naman siya. Kahit may kalakihan na ang tiyan ni Weng ay nanatili parin ang taglay nitong ganda. And maybe tama nga si Hilda. Gifted sila ng kagandahan. Lihim siyang natawa sa naisip. "Good. Kaya enjoy mo ang araw na 'to. Follow your heart. And I wish your happiness." Saad pa sa kanya ni Weng sabay yakap nito sa kanya.
"Hija. Ready kana ba?" Biglang tanong ng ina ni Weng sa kanya. Napatingin naman siya ulit kay Weng na ngumiti lang. At sa pamamagitan ng mga mata nito ay nagsasabing, go on. Kaya tipid siyang ngumiti sabay tango nito bilang sagot.
Naunang pumasok sina Weng sa isang may kalakihan ring pinto at si Jenny naman ay kasama niyang nakatayo ang magulang ni Weng. At habang nakatayo siya ay unti-unti ng pumapasok ang idea sa isip niya kung ano ang nangyayari. Kaya bigla siyang kinabahan na hindi niya alam. Nahalata naman ito ng ina ni Weng. Kaya mabilis na hinawakan ng ginang ang kamay niya.
"Are you okay?" Tanong ng ginang sa kanya. "Kinakabahan po ako, tita." Matapat niyang sagot. Napangiti naman ang ginang. "Okay lang yan. Natural na yan, hija. Basta ang isipin mo ay kung paano mo nakilala ang lalaking minahal mo. Paano kayo nagmahalan hanggang sa umabot kayo sa araw na 'to. Be strong. Dahil nagsisimula pa lang kayo sa panibagong yugto ng buhay niyo. At bilang babae. Kailangan natin maging matatag, dahil tayo ang bumabalanse sa haligi ng isang tahanan na itatayo natin at magiging ilaw nito." Anang ginang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER