LUMIPAS ang araw na panay ang lambing ni Edward kay Jenny. At dahil sa binata ay napalapit na rin ang loob niya sa mga girlfriend ng mga kaibigan nito. At halos nagmula ang mga ito sa mayamang pamilya ngunit tinanggap siya ng mga ito ng buong puso at walang panghuhusga sa stadu ng buhay niya. Kaya minsan napapangiti na lang siya. Maybe not all rich people is ruthless and rude. Dahil masasabi niyang iba ang mga ito. Tanggap ka nila maging sino ka man.
"Baby. Are you sure na okay ka lang dito?" May pag-aalalang tanong ni Edward kay Jenny. Nakailang tanong na ba ito sa kanya. Hindi na mabilang yun ng dalaga.
Edward is going for his friend engagement party. At dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Jenny ay hindi ito makakasama sa binata. Kaya nag-aalala sa kanya ito.
"I'm fine. Don't worry about me. Sige na umalis kana baka malate ka sa party. Basta uwi ka agad kapag tapos na ang party." Nakangiti niyang aniya sa binata. Napabuntong hininga naman ito na halatang ayaw siyang iwan mag-isa.
"Sige na, alis kana. Normal lang naman itong nararamdaman kong sakit. Mawawala rin 'to mamaya, tutal nakainom na ako ng gamot." Anito.
"Fine. Pero kung sumakit ulit ang tiyan mo ay tawagan mo agad ako." Pagsuko nito ngunit tila napipilitan lang talaga. Kaya nakangiting tinanguan ito ni Jenny. "Um. Promise. Tatawagan agad kita."
"Okay." At ang sumunod na ginawa ng binata ay hindi na nagulat pa ang dalaga. Nasasanay na kasi siya dito. Nang lumapat ang mga labi ni Edward sa mga labi niya ay kusa niyang ibinuka ang bibig at tinanggap ang halik nito. "Take care of your self while I'm not at home." Saad nito sa dalaga ng maghiwalay ang kanilang mga labi.
"I will."
"Good. I'm leaving." Nakangiti nitong aniya. Tipid naman itong nginitian ng dalaga. At ng lumabas ang binata sa kwarto niya ay padaudus siyang nahiga sa kama sabay haplos niya sa labi at napangiti.
"Sana hindi siya magbago. At sana hindi niya ako iwan o ibasura gaya ng nababasa ko sa comics na binabasa ko," kausap nito ng mahina ang sarili. "Yun kasi ang karamihan sa mga mamayamang lalaki na after nilang magsawa sa isang babae ay binabasura na lang nila ito at wala silang pakialam sa feeling nito." Saad pa nito sabay buntong hininga at pinikit ang mga mata.
"Hindi ganun si Edaward. Iba siya sa kanila." Pagtatanggol dito ng isip niya. "Paano kung meron siyang makilala dun sa party at ipagpalit ka?" Sabat naman ng kabila niyang isip. Kaya mabilis siyang nagmulat ng mga mata.
"Hindi niya gagawin yun. May tiwala ako sa kanya." Pagpapalakas niya sa sarili. Bakit naman kasi ngayon pa siya binisita ng bwesita niya. Yan tuloy hindi siya nakasama sa binata.
Lumipas ang halos kalahating oras ng biglang tumunog ang tawagan niya. Kaya mabilis niyang dinampot ito sa side table ng kama niya.
Message from Edward
'Baby. I miss you. Sana nandito ka.'
Basa niya sa message na dumating. Kaya napangiti agad siyang pinindot ang keypad ng cellphone niya.
Message send to Edward
'Hey. Ilang minuto pa nga lang ng umalis ka dito sa bahay tapos namimiss muna agad ako.'
Message from Edward
'I know. But I can't stop my self missing you.'
Message send to Edward
'Baliw. See you tomorrow , matutulog na ako. At kapag nakauwi kang tulog parin ako ay wag mo akong gapangin. Kundi kakaratehin talaga kita.'
HALOS ilang minuto palang ang nakalipas ay hinahanap hanap na ng sarili ni Edward si Jenny. Kaya mabilis niyang kinuha ng tawagan sa bulsa ng suot niyang coat at nagmessage dito.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
Ficción GeneralWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER