Chapter 24

5.6K 247 24
                                    

Hello sa maiingay doon sa group page ni Wild Amber(teka! Ako nga pala yun😂)

FB's name: Jhella Mendoza, Shine Langusta Recodo, Donalyn De Grano Garcia, Zeinne Fabiespen WP, Precious Gem San Felipe at sa masisipag kung admin....you know who you are. Thank you guys.

SUMAPIT ang araw ng panganganak ni Jenny. Halos hindi alam ni Edward ang gagawin. Maging ang kanyang ina ay natataranta na rin dahil sa kanya.

"Aaaahhhh. Kakatayin na talaga kita Edward," sigaw ni Jenny sa asawa. "Yung susi ng sasakyan. Aaahhh!" Sapo niya ang tiyan na naunang lumabas ng bahay nila. Patakbo namang sumunod si Edward kay Jenny. Bitbit naman ni manang Yolly ang mga gamit ni Jenny na hindi man lang naalala ni Edward sa pagkataranta. Ang ina naman ni Edward ay nakatungkod itong sumunod sa anak at manugang.

Nang makasakay silang apat sa sasakyan ay mabilis itong pinausad ni Edward. Naiiling namang nakamata sa kanila si manang Yolly. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak sa mga kasama niya. Mabuti na lang at hindi siya umuwi sa kanila, kundi baka mapaano itong mga kasama niya ngayon.

"Aaaaaahhhhh." Mahigpit na napahawak si Jenny sa katabi niyang si manang Yolly sa backseat. "Baby. Malapit na tayo." Ani Edward.

"Oo, malapit na nga tayo. Malapit na rin lumabas itong anak mo." Singhal niya kay Edward. "Anak natin baby." Pagtatama niya sa asawa.

"Apo. Wag ka mo nang lumabas. Hindi pa tayo umaabot sa hospital." Saad naman ng biyanan ni Jenny na pinagpapawisan na rin ang noo sa nerbyos. "Auntie. Ang sakit-sakit na po. Hindi na ako magpapabuntis dyan sa anak niyo." Mangiyak-iyak niyang aniya sa biyanan.

"Baby naman. Magpaparami pa tayo ng lahi e." Kuntra niya agad sa asawa. Sasagutin sana ito ni Jenny ng huminto ang sasakyan nila at mabilis na lumbas ng sasakyan si Edward. Doon lang nila napangsing umabot na pala sila sa hospital. Mabuti na lang at malapit lang ito sa bahay nila kaya mabilis lang silang nakarating dito. Mabilis na lumabas ng sasakyan si Edward at humingi ng tulong.

"Manganganak na po ang asawa ko." Pasigaw niyang aniya. Mabilis namang kumuha ng stretcher ang mga nurse at lumabas sila ng hospital. "Mrs. Isasakay na po namin kayo dito sa stretcher." Anang isang nurse ng maabotan nila si Jenny na bumaba ng sasakyan.

"Tumabi kayo. Hindi pa ako embalido. Aaahhh! Aray ko." Ani Jenny mabilis napahawak sa tiyan. "Tabi." Sigaw niya sa mga ito.

"Baby----

---manahimik ka." Banta niya sa asawang napakamot ng ulo. Napasunod na lang sila dito ng magsimula itong lumakad papasok ng hospital. Kahit pinagpapawisan na si Jenny ay hinayaan lang niya ito. Hanggat hindi pumuputok ang panubigan niya ay kakayanin niyang maglakad. Gusto niya bago siya papasok sa loob ng delivery room ay lalabas na ang ulo ng anak niya. Marami na kasi siyang nakitang video ng mga babaeng nanganganak. Nakakatakot na nakakahiya. Abah! Bubukaka ka sa loob habang tinitingnan nila ang pagkababae mong bumubukas dahil lumalabas ang ulo ng baby mo. Kahit sabihin pang marami na ang mga itong nakitang vagina ay nahihiya parin si Jenny.

"Baby. Kailangan daw nilang i-measure ang----

---wag niyo ako disturbohin. Baka malintikan kayo sa akin." Aniyang palakad-lakad sa labas ng delivery room. Napapasabunot naman ng sariling buhok si Edward na nasa likod ng asawa. Puno ito ng pag-alala kay Jenny.

"Nasaan ang doctor na magpapaanak sa akin?" Maya ay tanong ni Jenny sa kanila. "Lalabas na ba?" Ang nakangiting tanong ng doctor ni Jenny na papalapit sa kanila.

"Mukhang lalabas na," sagot niya. "Aaahhhh! Hindi lang mukhang lalabas dok. Lalabas na nga." Aniya kasabay ng pagputok ng panubigan niya. Kaya mabilis itong inalalayan ng mga nurse na makapasok sa loob ng delivery room.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon