Chapter 5

6.6K 252 10
                                    

TAHIMIK na nakaupo si Jenny ng pumasok ito sa university. Maya't maya ay sapo nito ang mukha sabay iling niya ng ulo. Paulit-ulit kasing nagrereplay sa isip niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Edward ng mamili sila sa grocery kanina.

"Jenny. Stop thinking about that kiss," saway niya sa sarili. "Halik lang yun, nothing special dun. Tandaan mo his one of the playboy in the university." Pangaral pa nito sa sarili.

"Hindi siya playboy. Edward is gentleman not a asshole." Pagtatanggol naman dito ng isa niyang isip. "Yeah. That's true. Si Edward lang ang matino sa kanilang magkakaibigan." Segunda pa ng kabila niyang isip.

Dahil lumilipad ang isip ni Jenny ay hindi niya namalayang tapus na pala ang klase nila. "Jenny, meron naghahanap sayong handsome." Halos pabulong na anang kaklase niya sa kanya.

"Sino?" Kunot noo naman niyang tanong. Agad naman nito nginuso kay Jenny ang taong naghahanap sa kanya. Halos malaglag ang panga niya ng makita kung sino ang naghahanap sa kanya. Ang mga kaklase naman niyang mga babae ay kilig na kilig habang nakamata sa taong nakatayo sa bungad ng pinto.

Mabilis na iniligpit ni Jenny ang mga gamit niya sabay tayo. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong dito ni Jenny.

"Tapos na ba ang klase mo?" Sa halip ay tanong nito sa kanya. Bilang sagot ay tumango lang siya sa binata. "Okay. Let's go home." Agad na hinawakan ni Edward ang kamay ni Jenny at inakay ito paalis. Ang mga kaklase naman ni Jenny na nakarinig sa tinuran ng binata ay halos malaglag ang kanilang mga mata.

"Guys. Anong sabi ni Edward? Pakitama yung narinig ko please. Baka nabibingi lang kasi ako." Saad ng isa sa mga kaklase ni Jenny. "Let's go home." Anang sumagot sa tanong nito.

"OMG. OMG. Girlfriend ba ni Edward si Jenny?" Tanong naman ng isa sa mga ito. "I can't believe it. Isang Edward Samañego ay magiging girlfriend niya ang gaya ni Jenny? That impossible." Saad naman ng isa sa mga itong iiling-iling.

"Baka nagsisinungaling lang siya."

At habang naglalakad sina Jenny at Edward ay halos dina umangat ang mukha ng dalaga. Nakayuko lang itong naglalakad habang hawak-hawak parin ng binata ang kamay niya.

"P-pwede bang bitawan muna ang kamay ko." Mahina ngunit sapat n para umabot sa pandinig ng binata. "Don't mind them." Sagot lang nito. At mukhang walang plano ang binata na bitawan ang kamay niya. Kaya kahit nahihiya siya dahil halos madaanan nila ay nakatingin sa kanila ay nagpagaya na lang siya kay Edward kung saan siya nito dadalhin.

"P-pero, hindi ka ba nahihiyang kasama ako?" Halos pabulong niyang aniya kay Edward. "What?" Kunot noong tanong ng binata sa kanya.

"Nothing."

"Baby. Don't try me. Baka hindi ako makapagpigil at mahalikan kita dito." Anitong huminto sa paglalakad at binalingan niya ang dalaga. Bigla naman pinamulhan ng mukha si Jenny dahil sa tinuran ni Edward.

"Eh. Kasi naman e. Nahihiya ako sa kanilang lahat na nakakakita sa atin dito. Alam ng lahat na mayaman ka at isa lang akong dukha. Kaya I'm sure iniisip nilang baka mukha akong pera at kumakapit sa mayaman." Paliwanag nito sa binata.

Ganun naman kasi ang paliging nangyayari sa mga napapanood niya sa TV o kahit maging nasa totoong pangyayari ay ganun parin ito. Kung isa kang mahirap at nakanap ng mayaman sayo ay iisipin na ng mga tsismusang kapit bahay na mukha kang pera, ambisyusa etc. Kaya hindi iyon ma-i-aalis sa isip ni Jenny.

"Ouch! Bakit mo pinitik ang noo ko?" Tanong niya kay Edward habang sapo niya ang noo na pinitik ng binata. "Stop thinking to much. Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Dahil hindi naman sila ang magpapakain sa atin. So, please don't mind them." Anito sabay haplos niya sa maamong mukha ng dalaga na napakagat labi. Kaya lihim na natawa si Edward.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon