ILANG araw mula ng makalabas ng hospital si Jenny ay bumisita silang mag-asawa sa tahanan ng mga Vergara. Gustong magpasalamat ni Edward sa ginawang tulong ng ama ni Aljhon na kaibigan niya sa kanya. Alam niyang malaking halaga rin ang ginamit ni Mr Vergara para isalba ang kumpanya ng kanyang ama.
"Mukhang kararating lang din nila Weng." Ani Jenny sa asawa ng makita niya si Aljhon na palabas ng kotse nito at mabilis na gumawi sa kabilang side ng sasakyan nito. Sinilip naman ni Edward kung saan nakatingin ang asawa bago ito lumabas ng sasakyan at ipinagbukas niya si Jenny.
"Sis, how are you?" Tanong ni Weng kay Jenny ng makita siya nito. "I'm fine sis." Sagot naman niya at lumapit silang mag-asawa sa dalawa. Agad na yumakap kay Jenny si Weng ng tuluyan silang makalapit sa dalawa.
"Mukhang malapit na ito lumabas." Malungkot na ani Jenny sabay haplos niya sa maumbok na tiyan ni Weng. Hinawakan naman ni Weng ang mga kamay niya. "Be strong sis. I know hindi madali ang pinagdadaanan niyo ni Edward. But he needs you. Mahirap magmove-on dahil sa nangyari sa baby niyo sana, pero kapag panghihinaan ka ng loob ay alam kung si Edward ang unang mahihirapan." Ani Weng sabay lingon niya kay Edward na ngayon ay kausap nito ang asawa ni Weng na si Aljhon.
"I know that sis. Sariwa pa kasi ang sugat dito sa dibdib ko. Pero I'm trying my best para maging matatag at ipaglaban ang pagsasama namin ni Edward. I love him so much. Kaya ayaw kong nakikitang nahihirapan siya." Anito kay Weng sabay lingon nila kung saan si Edward at Aljhon na nag-uusap.
"If you need help. I'm just here. Tandaan mong hindi kana iba sa akin." Ani Weng. Napangiti naman siya sa tinuran nito. Sinong mag-aakala na magiging kaibigan niya ito. Kaya kahit gaano kasakit at kahirap ang pinagdadaanan nila ngayong mag-asawa ay alam niyang makakayan nila ito. Dahil meron silang totoong mga kaibigang masasandalan kahit hindi ka magsabi sa mga ito.
"Thank you sis." Nakangiti niyang pasalamat kay Weng.
"Yow. Anong ginagawa niyo dito sa labas? Come on, hinihintay na kayo sa loob." Tawag sa kanila ng kapatid ni Aljhon na si Aira.
"Bakit nandito ang kotse ni Martinez? At kaninong kotse yung isa?" Tanong ni Aljhon sa kapatid. At doon lang napansin ni Edward ang sasakyang tinutukoy ni Aljhon. "Ano ba ang ginagawa ng isang binata sa bahay ng isang dalaga?" Tanong rin nito sa kapatid.
"Nililigawan ka ba ni Andrew?" Pilyang tanong naman ni Weng sa sister in-law niya. Kagat labi lang itong napangiti sabay talikod niya sa kanila. Umawang naman ang mga labi ni Aljhon na napatingin sa mukha ni Edward. Nagkibit balikat naman itong tila sinasabing 'I have no idea.'
Panabay na pumasok sa loob ang apat. Nasa bungad pa lang sila ng pinto ay rinig na nila ang mga nag-uusap sa loob.
"I know tita. Baliw siyang kaibigan, siraulo, praning. Pero totoong kaibigan naman. Makikita mong parang walang plano sa buhay. Dahil puro kalukuhan at kapilyohan lang ang ginagawa. Pero ang totoo mabuti siyang kaibigan. At lagi niyang iniisip ang makakabuti sa lahat." Rinig nila. Kaya nagkatinginan si Aljhon at Edward na sabay rin napakibit balikat dahil di nila alam kung sino ang tinutukoy ng nagsalita. Pero kahit hindi nila nakikita ang mukha nito ay alam nila na ang kaibigan nilang si Andrew ito.
"Sinong nililibak mo Martinez?" Tanong agad ni Aljhon pagkapasok nila. Kakamot-kamot naman ito ng ulo na ngumiti sa kanila.
"Pinupuri ka kuya." Ani Samantha na nakangiti. Inalalayan muna nito ang asawa na makaupo bago siya humarap ulit kay Andrew at sa kasama nitong lalaki. Inisa-isang tingnan ni Aljhon ang dalawang binata bago niya binalingan si Edward sabay ngisi niya. Agad naman nakuha ni Edward ang ibig iparating sa kanya ni Aljhon.
"Oh! Siya, maiwan ko muna kayo at tatawagin ko ang tito niyo." Paalam sa kanila ng ina ni Aljhon matapos itong makipag beso-beso kay Weng at Jenny.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER