HABANG nakasunod si Jenny Rose kay Edward ay tahimik niyang pinapakiramdaman ang binata. "Tama nga sila. Edward is not a talkative person." Anito sa isip.
"Feel at home."
"Huh!"
Hindi niya namalayan nasa loob na pala sila ng condo unit nito. Kaya mabilis niyang iginala ang mga mata sa paligid. "Not bad." Saad nito sa isip. "Baliw. Of course, mayaman siya. Kaya anong ini-expect mo." Sabat ng kabila niyang isip.
"Okay lang ba talagang tumuloy ako dito?" Tanong niya sa binata. "Yes. At mabuti narin na dito ka tumuloy. Because your safe here," anang binata. "Ito ang magiging kwarto mo habang nandito ka." Ani Edward sabay bukas niya ng pinto.
"Thank you. Don't worry, kapag nakahanap ako ng trabaho ko ay babayaran kita sa tulong mong ito sa akin." Ani Jenny Rose.
"Okay." Tanging sagot ng binata bago ito tumalikod. Kaya maingat na hinila ni Jenny ang mga gamit sa loob ng silid. "Thank you, God. You save me today. Hindi mo na naman ako hinayaang mapahamak. Kaya thank you for sending Edward. Alam kung siya ang ginawa mong tulay para matulungan ako. Kaya maraming salamat." Taimtim nitong usal habang nakaupo sa kama.
At ng maalala ni Jenny kung paano siya hawakan ng mga lalaking kanina ay gusto siyang kaladkarin ay mabilis siyang napatayo.
"Kailangan kung maligo." Anito. Kaya agad niyang binuksan ang unang pinto na nakita niya sa loob ng silid. "It's a closet." Muli niyang isinara ang pinto at tinungo niya ang isa pang pinto na naroon. "Here you are." Mahina nitong aniya.
Mabilis na kumuha ng damit si Jenny bago siya pumasok sa loob ng banyo. "Mabuti na lang at kumpleto ang banyo." Kausap niya ang hangin. Agad niyang hinubad ang mga damit at mabilis ang naging mga galaw niya para maligo.
Matapus maligo ni Jenny ay agad siyang nagbihis. At tamang-tama na natapus siyang magbihis ng damit ay narinig niyang meron kumakatok sa labas ng pinto.
"Hi," Si Edward na napagbuksan niya. "Um. Gumawa ako ng sandwich para sayo sa kitchen, I put it in the table." Doon lang naalala ni Jenny na hindi pa pala siya kumakain.
"S-salamat."
"Welcome." Tangi nitong sagot bago umalis. "Ang weird talaga niya. Bihira ba talaga siya magsalita ng mahaba." Kausap nito ang isip. At dahil nakaramdam siya ng gutom ay agad niyang hinanap ang kusina. Hindi naman siya nahirapang hanapin ito.
Napangiti agad si Jenny ng makita niya ang ginawang sandwich ni Edward para sa kanya. May kasama rin itong orange juice na nakalagay sa baso. "Weird pero mabait naman." Anito sabay upo. "Umm. Masarap." Saad nito ng malasahan niya ang sandwich.
"Syempre masarap. Masarap yung gumawa e." Anang malandi niyang utak. Kaya mabilis niyang ipinilig ang ulo. Matapus niyang kumain ay hinugasan niya ang pinagkainan bago nito inilagay sa lalagyan.
NANG makapasok si Edward sa kwarto niya ay agad siyang pumasok sa loob ng banyo at naligo. Matapus niyang maligo ay tinuyo niya ang basang katawan gamit ang bath towel na nakasampay sa loob ng banyo. Hindi pa man siya tapus tuyuin ang katawan ng tumunog ang tawagan, kaya agad siyang lumabas ng banyo.
Mom calling.......
"Yes?"
"Edward. Baka nakakalimutan mong anak kita." Anang nasa kabilang linya ng sagotin niya ang tawagan. "I never forget that." Anito.
"Nasaan ka ba? Bakit hindi ka umuwi? Diba sinabihan na kitang gusto kang makilala ng tito Herman mo." Anang ina. "Mom. I told you. I'm busy. Marami akong kailangan tapusing requirements sa university." Sagot nito sa ina.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER