LUMIPAS ang mga araw at hindi na nagkita pa si Edward sa kanyang ina. Hindi na kasi siya umuwi sa mansyon nila at hindi rin siya nagpakita ng magpahanda ang ina niya ng dinner para makilala siya ng bago nitong karelasyon.
Maka ilang tawag narin sa kanya ang ina pero hindi naman niya ito sinasagot. Wala siyang planong kausapin ang ina dahil nagagalit talaga siya dito.
"Mr. Samañego. Please have a seat." Anang taong pinuntahan ni Edward. "Thank you. Kumusta po ang pinapagawa ko sa inyo, Atty?" Anito sa taong sinadyang puntahan para makausap tungkol sa isang bagay.
Bahagya naman itong napabuntong hininga. "I'm sorry, Mr. Samañego. Pero, ayun sa huling habilin ng iyong ama ay iniiwan niya ang kumpanya sa inyong ina. Mahahawakan mo lang ito at magiging sayo kapag thirty year old kana. Ang tanging iniwan niya sayo ay ang halagang sampong million at isang maliit na patahian." Anang attorney sa kanya.
"Perfect. Just perfect, Dad." Anito sa isip sabay tawa ng mapakla. "Sige. Marami pong salamat Atty. I have to go." Agad niyang paalam sa kausap.
"Alam kung kagagawan ni Mommy ang lahat ng ito." Galit nitong aniya sabay paharurut niya ng sasakyan. Agad siyang umuwi sa condo unit niya na nagagalit parin dahil sa nalaman niya.
Pabagsak na naupo si Edward sa couch ng makauwi siya sa condo niya. At hindi pa man nagtatagal ng makaupo siya ay siya namang pagtunog ng tawagan niya. Ng tingnan niya kung sino ang tumawag ay mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman.
"Hello!"
"Anak. Nasaan ka ba ha? Bakit hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay." Anang ina niya na siyang tumawag sa kanya. "What you want for me, Mother?" Puno ng pagtitimping wag itong masigawan.
"I'm just worried with you Edward. Kaya tinatawagan kita." Anang ginang na kinatawa niya ng pagak. "I'm busy. So, don't mind me." Sagot naman nito.
"Edward. Ano ba yang pinagkakaabalahan mo ha? Sa tuwing kinakausap kita panay busy ang sagot mo sa akin." Takang tanong ng ginang sa kanya.
"Pinaghahandaan ko ang kinabukasan ko. Baka bukas makalawa kasi ay bigla na lang ako pulutin sa langsangan. Kaya bago pa man mangyari iyon ay dapat ko nang paghandaan," anito.
"At alam ko rin na walang iniwan sa akin si Dad. Nasa pangalan mo lahat ng mga ari-arian natin. Kaya I'm confused kung papaano mo papatakbuhin ang negosyong iniwan ni Dad." Dagdag pa nito.
"I know hindi ko alam patakbuhin ang negosyong iniwan ng iyong ama. Pero, nandyan naman ang tito Herman mo. Handa niya akong tulungan sa pagpapatakbo ulit ng negosyo natin." Sagot ng kanyang ina. Sa narinig ay biglang nalakumos ni Edward ang kamay sa galit.
"Herman na naman. Puro, Herman. Herman." Anang isip niya. "Do, whatever you want, Mother." Tangi nitong sagot sa ina.
"Kung may kailangan ka anak ay pumunta ka dito sa bahay. At para maturuan ka rin ng tito Herman mo sa pasikot-sikot sa opisina." Saad ng ina.
"No need. I don't need your help or help from that asshole. Kaya kung tumayo sa sarili kung mga paa ng hindi nagpapatulong sa inyo." Nagpupuyos nitong aniya sa ina dahil sa galit.
"Edward. Don't say that to Herman. Mabuti siyang tao___
__yeah! When the turtle can fly, Mother. Ikaw lang ang hindi nakakakita ng kademonyohan niya. Dahil nabubulag ka sa matatamis niyang pananalita. Pero, kilala ko siya. Kapag nakuha na niya ang gusto niya ay iiwan ka niyang luhaan." Putol nito sa sinasabi ng ina.
"And one more things, kapag nawala sayo ang lahat ng pinaghirapan ni Dad ay hinding hindi kita mapapatawad Mom. Kalimutan mong naging anak mo ako." Galit nitong aniya bago niya pinatayan ng tawagan ang ina.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
Aktuelle LiteraturWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER