*Kung meron pong mali o hindi niyo maintindihan sa mababasa niyo sa ibaba ay pwede niyo pong i-comment. And I will try to fix it. Dahil hindi po talaga ako ganun kagaling sa research. Pagpasensyahan niyo na po😊Enjoy reading......
.
.
.
.
KAKAUWI pa lang ni Edward galing trabaho ng tumunog ang tawagan niya. Umupo muna siya sa sofa bago niya sinagot ang tawagan. "Hello?" Bungad niya sa tumatawag. Hindi na niya napagsino kung sino ang tumatawag. Basta na lang niya sinagot ang tawagan."Hello. Mr. Samañego?" Anang nasa kabilang linya. "Yes?" Kunot noo siyang napatingin sa screen ng tawagan niya. "Doctor Miranda" basa niya.
"Pumunta po kayo sa hospital ngayon din." Anang kausap niya. "Bakit po?" Taka niyang tanong.
"Malalaman niyo po kung nandito na kayo. At isama niyo narin po ang anak niyong lalaki." Saad pa nito kay Edward na mas lalo niyang ipinagtaka. "Okay." Tangi niyang naisagot bago nawala sa linya ang kausap niya.
"Sinong tumawag?" Si Jenny na nagtataka sa asawa kung bakit natahimik ito. "Si doctor Miranda. Pinapapunta tayo sa hospital at isama daw natin si Ethan." Naguguluhan nitong sagot.
"Doctor Miranda. Diba siya ang bagong doctor ng iyong ina?" Aniya sa asawa. Bigla naman kinabahan si Edward dahil sa tinuran ng asawa niya. "What is going on?" Tanong niya.
Nagkibit balikat naman ang asawa niya. "Mas mabuti pang pumunta tayo doon ng malaman natin ang sagot." Ani Jenny na agad pinuntahan ang mga anak nila.
Pagdating nila ng hospital ay agad nilang nakita si Manang Yolly na tila hinihintay sila nito. Namumula ang mga mata nito na tila kagagaling lang sa pag-iyak.
"Manang, ano pong nangyari?" Tanong agad dito ni Jenny. Hindi pa man nito nasasagot ang tanong ni Jenny ay nauna nang nalaglag sa mga mata nito ang luha na mas lalo nilang ipinagtaka.
"Edward, ang iyong ina." Anito. "Bakit po? Anong nangyari sa kanya. Okay lang ba siya?" Sunod-sunod niyang tanong kay Manang Yolly.
"Wala na ang iyong ina." Sagot nito. Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Edward sa narinig. Nagbibiro lang ba ito. Kahapon lang e kausap nilang mag-asawa ang ina. At ngayon ano itong pinagsasabi niya sa kanila. "Manang. Hindi po magandang biro yan." Iiling-iling nitong aniya.
"Hindi ako nagbibiro iho, totoo ang sinasabi ko. Inaasikaso na siya ngayon ng mga nurse. Dahil bago siya nalagutan ng hininga ay hiniling niyang ibigay sa apo niya ang kanyang cornea." Sagot ni Manang Yolly. Dahil sa tinuran ni Manang Yolly ay napahawak sa balikat nito si Jenny ng wala sa oras.
Nanghihina namang napaupo sa kinatatayuan niya si Edward. Sapo niya ang mukha habang nakayuko. Talaga bang iniwan na sila ng kanyang ina? Mabilis namang pumantay sa pagkakaupo niya si Jenny ng makita siya nito. Niyakap niya ang asawa para iparamdam ditong nasa tabi lang siya nito. Kahit naninikip ang dibdib ni Jenny ay linabanan niya ito. Kailangan niyang maging matatag para sa asawa.
"Wala na talaga siya. Iniwan na talaga ako ni Mommy." Anito sa asawa kasabay ng pagkalaglag ng luha sa kanyang mga mata. At sa nakikita ni Jenny sa asawa ay parang pinupunit ang dibdib niya sa sakit. Dahil mabilang lang niya sa mga kamay niya ang pag-iyak ng asawa. Alam ni Jenny na hindi madali ang pagdadaanan nila ngayon. Hindi madaling tanggapin ang biglaang pagkawala ng biyanan niya. At alam niyang masakit ito para kay Edward.
"Mommy. Ano pong nangyari kay Lola?" Tanong ng bunso nilang anak. "Anak. Iniwan na tayo ng lola mo." Umiiyak na sagot ni Jenny sa tanong ng anak.
"Ano pong iniwan?" Inosente nitong tanong. Tila hindi nito maintindihan ang tinuran ni Jenny. "Lola is dead." Si Ethan ang sumagot sa naguguluhang tanong ng kapatid. Dahil sa sinabi ni Ethan ay biglang umiyak ang kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Waiting For A Girl Like You(Completed)
General FictionWaiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER