Chapter 8

6.7K 283 21
                                    

WALANG imik na lumapit si Edward sa naghahanda ng agahan nila na si Jenny. Nang bumangon ito kanina ay nagkunwari siyang tulog parin. Kaya hinayaan siya nitong matulog. Mga ilang minuto ang pinalipas ni Edward bago siya bumangon at sumunod sa dalaga.

"Morning, baby." Ani Edward na isiniksik ang mukha sa leeg ni Jenny. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Baby. Galit ka parin ba sa akin. I'm sorry na oh. I swear. I don't know her. At wala akong pakialam sa sinabi niya. Ikaw ang gusto ko at hindi siya." Ani Edward na hindi umaalis sa pagkakayakap sa dalaga. Ng wala siyang nakuhang sagot sa dalaga ay maingat siyang humiwalay dito.

"Mapapatay ko talaga ang babaeng yun." Galit nitong aniya sa isip.

"Kumain kana." Malamig nitong aniya kay Edward.  "Baby," hinapit niya sa baywang si Jenny paharap sa kanya. "I swear, wala akong alam sa pinagsasabi ng babaeng yun. And I'm telling you, I don't care about her. All I care is you. I'm sure my mother plans that. Pero, kahit anong gawin niya ay hindi ako uuwi sa bahay. This is my home now kasama ka. So, please believe and trust me." Anito kay Jenny. Edward never beg someone. Pero kung kinakailangan niyang magmakaawa kay Jenny ay gagawin niya maniwala lang ito sa kanya.

"H-hindi naman ako galit sayo. Takot lang ako. Natatakot akong isang araw ay iiwan mo ako. Edward nasasanay na kasi akong kasama ka, paano ako matutulog sa gabi kung hindi na kita katabi," mapakla siyang natawa.

"Maybe I'm getting crazy to think about that. Dahil nabuhay naman ako noon na hindi kita kasama. Pero, bakit ngayon natatakot na ako. Kaya naiinis ako sa sarili ko. I'm not mad at you but I'm angry to my self." Anito sabay yuko. Agad naman inangat ni Edward ang mukha niya.

"Don't be scared. Dahil hinding hindi kita iiwan. Kahit kalabanin ko pa ang aking ina ay wala akong pakialam. Just hold my hand at haharapin natin dalawa ang naghihintay sa atin bukas." Ani Edward na sinapo ang mukha ni Jenny. Nanubig naman ang mga mata ng dalaga sa tinuran ng binata.

(Flashbacks)

Nakahiga na ang dalawa para matulog ng tumunog ang tawagan ni Edward.  Ipinasagot nanan ito ni Jenny sa binata kaya agad naman itong tumalima.

"Edwardddd."

Mabilis na nailayo ng binata ang tawagan sa tainga niya dahil sa lakas ng sigaw nang  taong tumawag sa kanya.

"Who are you?" Takang tanong ni Edward sa tumatawag.

"It's me Anika. Your future fiancee." Sagot ng  babae sa tanong niya. "What? Are you out of your mind. Paano kita magiging fiance? I don't even know you." Anito. At dahil nakaloudspeaker ang tawagan ay kaya rinig ito ni Jenny.

"Oh! Hindi pa siguro nasasabi ng mama mo sayo na nagkasundo na sila ng parents ko para sa arrangement ng engagement natin." Tila excited ang nasa kabilang linya sa klase ng pananalita nito.

"So, my mother plan this already ha?" Saad nito. At dahil sa narinig ni Jenny ay muli itong nahiga at tumalikod kay Edward.

"What are you planning, Mom? I already warn you. Pero mukhang hindi ka nakinig." Anito sa isip.

"Hey! Pakisabi sa parents muna I'm not interested with you. Kaya maghanap na lang sila ng ibang papakasalan ka." Deretsahan nitong aniya sa kausap.

"What. How dare you para sabihin yan sa akin." Pagalit na anang babae. "Don't try me. You don't know me. Besides, I'm already married. That's why I'm not interested with you. I'm loyal and faithful to my wife. So, fuck off. I don't care who you are." Ani Edward sabay patay ng tawagan.

"Baby." Tawag niya kay Jenny. Ngunit hindi ito sumagot. Kaya napabuntong hininga ang binata at muling nahiga. Yumakap siya kay Jenny mula sa likod ng dalaga na walang kibo. At dahil sa pagud ni Edward ay nakatulugan na niyang hindi siya pinapansin ni Jenny.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon