Chapter 28

5.9K 256 31
                                    

Belated happy birthday nga pala kay ate Donalyn De Grano Garcia. Ate I'm sorry late na ako masyado✌Stay healthy ate and stay safe and your family.
.
.
.
.
LUMIPAS ang buwan mula ng palitan ang cornea ni Ethan ay nakakakita na ulit ito. Balik trabaho naman si Edward. Dahil ilang linggo rin niyang napabayaan ang patahian nila ng pumanaw ang kanyang ina. Si Jenny naman ay nasa bahay lang ito kasama ni Ethan.

"Mom, pwede na ba ako mag-aral sa susunod na pasukan?" Tanong ni Ethan. "Of course nak. Pero kailangan mong pakaingatan yang mga mata mo." Sagot niya.

"Opo." Tipid nitong sagot.

"Naunahan na ako ni Sheryn sa pag-aaral." Maya ay anito. "Okay lang yun, ang importante e makapag-aral ka ulit." Nakangiti niyang aniya sabay halik sa noo ni Ethan.

"Namimiss ko si Lola, Mom." Napabuntong hininga naman si Jenny. Dahil nakakapanibago nga ang wala ang biyanan niya na hindi na nila ito kasama at hindi nila makakasama pa ulit. "Namimiss ko rin ang lola mo anak." Aniya.

"Mommy. Marami palang kaibigan si Dad?" Pag-iiba ni Ethan ng usapan nila ng ina. Tumango naman siya bilang sagot. "Bakit walang naikwekwento sa amin si Dad?" Tanong niya.

"Dahil hindi mahilig magkwento ang daddy niyo." Anitong tila nasagot nito ang lahat ng tanong ni Ethan. "Ah. Pero, ang yayaman nila Mommy. Kanya-kanya sila ng mga sasakyan tapos yung iba meron pang bodyguard." Ani Ethan na kinangiti ni Jenny.

"Mayaman din ang daddy mo noon gaya nila. Pero----

Hindi alam ni Jenny kung paano ipapaliwanag sa anak ang nakaraan ni Edward. Ayaw niyang pangunahan ang asawa. ----but what Mom?" Usisa ni Ethan.

"Dahil meron nangyari noon. At ang daddy mo lang ang makakasagot." Aniya. Kunot noo naman siyang pinakatitigan ni Ethan. Kaya bigla siyang umiwas sa mapanuring tingin ng anak.

"Is Dad cheat on you Mom?" Bigla nitong tanong. "What? Of course not. Napaka-loyal ng daddy mo." Gulat niyang sagot. Napakamot naman ito ng ulo.

"O-okay. Um----

---Ethan. Tigilan mo ako sa kakatanong." Aniya ng magtangka na naman ang anak na magtanong sa kanya. "Fine." Pagsuko namam nito.

"Oh! Anong nangyayari dito?" Tanong ni Edward na kararating lang kasama ang anak nilang babae. "Dad, nambabae ka ba noon? I mean ng kinasal na kayo ni Mommy?" Biglang tanong ni Ethan na kinakunot ng noo ni Edward.

"What? Saan mo naman nakuha ang idea na yan? At never kung niluko ang mommy niyo. Mahal ko siya at hanggang nabubuhay ako sa mundong ito ay hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya." Anitong kinakamot ni Ethan ng ulo.

"Sorry, Dad," mabilis nitong aniya. "Nagtataka lang po kasi ako. Marami ka kasing kaibigan na mayayaman tapos tayo simple ang buhay natin." Paliwanag niya sa ama.

"Kahit hindi tayo mayaman ang mahalaga ay magkakasama tayo, yun ang importante. At isa pa hindi naman kayo nagugutom. Meron tayo, hindi nga lang mayaman pero ang mahalaga ay masaya tayo." Aniya sa anak. "Yeah! Ang mahalaga ay we are happy family." Ani Ethan na inismiran ng kapatid niya.

"Linya naman yan ni Barney e." Anito. "Whatever." Sagot naman dito ni Ethan.

"Sheryn. Anak. Magbihis ka muna. Palitan mo yang uniform mo," utos ni Jenny sa bunso nilang agad naman tumalima. "At ikaw, magpalit ka rin ng damit mo ng makapagmeryenda kayo ng mga anak mo." Ani Jenny kay Edward ng balingan niya ito. Hinalikan muna ni Edward ang pisngi ng asawa bago ito tumuloy sa silid nilang mag-asawa.

"Ano naman ang gagawin ko, Mom?" Tanong ni Ethan. Napailing naman siya. "Ilagay mo sa mesa itong mga plato." Aniya. At agad namang tumalima si Ethan.

Waiting For A Girl Like You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon