Third person's POV"Ina....." malungkot na sabi ni Daseri sa kanyang ina
"Bakit ka naglayas...?alam mo bang nag alala ako ng sobra ng malaman kong nawawala ka.." sabi ng kanyang ina at lumuhod para mapantayan si Daseri.
"Patawad ina...."sabi ni Daseri at nagbabadyang umiyak dahil sa namumuong luha sa gilid ng mga mata nito..
Niyakap naman sya ng reyna para gumaan ang pakiramdam nito.
Napukaw naman ang atensyon ng reyna ng lumabas si Roki sa malaking pintuan ng palasyo kahit na may benda ang braso nito at mababkasan parin ng pasa sa mukha ay nagpumilit itong lumabas ng maramdaman ang kakaibang aura sa isang reyna.
Alam na nang Reyna na mayroong mali kay Roki sa unang tingin palamang nya rito,hindi dahil sa ito ang nagtago kay Daseri,mayroong pang mas malalim na dahilan na ikinababahala nya.
Kumalas sa pagkakayakap ang reyna at tinignan sa mata ang batang prinsesa, bakas sa mga mata nito ang pag-aalala dahil sa ginawa ng kanyang anak.
"Bakit Daseri...?bakit mo ginamit ang kapangyarihang iyon...?bakit mo sya binuhay ulit..?"nag-aalalang tanong nito.
Agad namang lumapit si Roki dahil ayaw nyang mapagalitan si Daseri dahil sa pag buhay sa kanya.
Oo,namatay si Roki dalawang araw na ang nakakaraan mula nang unang pagkikita nila ni Daseri.
Bago pa man nya ito makilala,namatay sya sa pag atake ng mga rouge habang nagpapatrolya sila ng mga kasama nya.
Napahiwalay sya sa mga ito dahil sa biglaang pagsugod ng napakaraming rouge.
Naghihingalo na sya nang magsialisan ang mga rouge sa lugar ng pag-atake,hindi na nya magawang makapagmindlink dahil sa kalagayan nya pero kahit ganun ay may sapat parin syang lakas para aninagin ang buong paligid at malinaw nyang nakikita ang batang babae na may napakahabang buhok na nakatayo sa harap nya bago tuluyang manlabo at dumilim ang kanyang paningin at mawalan ng hininga.
Ginamit ni Daseri ang isang sagradong kapangyarihan para buhayin ito muli pero ang kapalit nito ay mawawala na ang wolf nito pero naiwan naman ang kakayahan nito na magkaron ng malakas na pandinig at pangamoy at iba pang kakayahan ng isang lobo tulad ng mindlink pero hindi na sya nakakapag-shift.
Naging magkaibigan sila ng araw na iyon at nalaman lahat ni Roki ang tungkol sa mga diwata at sa lugar na pinanggalingan nito
Kapalit ng pagbuhay nito sa kanya ay pinatira nya ito sa kanyang bahay at na ngakong proprotektahan si Daseri kahit anong mangyari
"Titania. ..wala pong kasalanan si Daseri..sana hindi po kayo magalit sa kanya"sabi nito habang nakayuko.
Pinagmasdan sya ng reyna bago tanungin
"Sino ka at ano ang kaugnayan mo kay Daseri maliban sa sya ang bumuhay sayo?"
"Ako po si Roki Westriver...ang unang kaibigan ni Daseri sa kahariang ito"tapat na sabi ni Roki
"Ina wala pong kasalanan si Roki..ako po ang may gustong tulungan sya.."pagtatanggol naman ni Daseri dahil baka mapagalitan si Roki.
"Pero alam mo ba na dahil sa ginawa mo ay mas lalo mo lang binigyan nang dahilan ang kapalaran mo para ipahamak ka?Daseri hindi mo pa alam ang lahat na akala mo ay alam mo na at ayokong mangyari ang mapahamak ka"sabi nang kanyang ina.
"Dahil po ba naiiba ako..?"nabigla naman ang reyna dahil sa sinabi ng prinsesa.
"Ang isang diwata ay nagkakaroon ng pakpak kapag nais nilang lumipad.....kung anak ka ng isang diwata ay diwata rin ang magiging anak mo...at kung ano man ang kapangyarihan mo ay kapangyarihan din ng iyong anak.....pero......pero bakit iba ako...? Malayong malayo ang kakayahan ko sa kakayahan mo Ina at ni kuya Jeran...?"
![](https://img.wattpad.com/cover/162046784-288-k656326.jpg)
BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
WerewolfIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...