Chapter 30 Itchy

28.3K 935 119
                                    

Daseri's POV

"Ok Daseri,anong hayop ang galit sa pula?"-Roki

"Unggoy!"-Daseri

"Hindi ,letter T ang first letter nun"-Roki

"Tunggoy?"-Daseri
Q
"Anong Tunggoy?may sungay yung sinasabi ko"-Roki

"Ah!alam ko na!"-Daseri

"Ano?''- Roki

"Demonyong Tunggoy!!"-Daseri

"Tsk,puro ka kalokohan eh" sabi ni Roki habang kinakamot kamot ang ulo nya.

"Tunggoy naman talaga eh"sabi ko

"At saan ka naman nakakita ng tunggoy aber?"

"Ikaw,mukha kang tunggoy eh"natatawang sabi ko pero sinamaan lang ako ng tingin ni Roki kaya  mas napahalakhak ako

Kanina pa kami dito sa library,sya muna ang ginawang bantay ni alpha dahil wala pa si beta Kyo eh.

"Ano ba ang pinupulong nila alpha at mga council ?"tanong ko.

"Ayon cđqcsa nasagap kong tsismis,tungkol daw iyon sa nalalapit na red moon"sagot sa akin ni Roki habang sinasauli ang mga libro na ginamit namin.

"Red moon?ano bang meron don?"umiral na naman kasi ang pagkainteres ko sa mga abagy na di ko alam.

"Ang red moon ay ang araw ng mga mated na werewolves,sa araw na iyon ay nagiging agresibo ang mga mated na lalaking werewolves at malaki ang pagnanais ng mga ito na makatalik ang kanilang mga mate na she-wolf"pagpapaliwanag sa akin ni Roki at agad na umupo sa tabi ko.

"Mga mated na werewolves?kung ganun kasama dun si alpha?"tanong ko sa kanya,kita ko naman na napaisip sya at tumango

"Oo siguradong pati si alpha magiging agrisibo,at mukhang di maganda iyon dahil nakakatakot pa naman sya kapag agresibo."

Napansin ko parang lumalim ang pag-iisip ni Roki kaya kinuha ko yung sapatos ko at pinukpok ko sa ulo nya nakinadaing nito.

"Aray!!ano kaba!!?"reklamo nito

"Masyado ka kasing seryoso eh,at tinatanong mo ako kung ano ako?malamang mate ni alpha"bigla naman syang napatingin sa akin na tila nakuha ko ang punto nya.

Napaisip naman ako at napasinghap,hala! Ako nga pala ang mate ni alpha at mated si alpha! Malamang kabilang kami sa pagdiriwang ng red moon.

"Naku....kawawa ka pagnagkataon! Malamang gutay gutay kana bago pa man matapos ang red moon"pananakot nito sa akin.

"Huh?bakit ?lalapain ba ako ng alpha?"nangangambang tanong ko

Napangisi lang sya at di sinagot ang tanong ko bago sya tumayo at nagtungo sa mga libro na nakahilera,pakiramdam ko tuloy nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.

Pero nakaramdam ako ng pangangati sa bandang balikat ko,doon mismo sa marka na binigay sa akin ng alpha.

Hindi ito napansin ni Roki dahil nakatalikod ito sa akin at namimili ng libro.

Biglang nagbago ang pakiramdam ko at parang hindi ko makontrol ang aking sarili at parang gusto kong ikiskis ang katawan ko sa katawan ni Roki.

"Roki..na-nangangati ako..."mahinang usal ko

"Huh?baka hindi ka pa naliligo"sabi nito pero nakatalikod parin sa akin

Sapagkakataong ito ay unti unti na akong tumayo at dahan dahang lumapit kay Roki

Roki's POV

Namimili ako ng libro ng makaramdam ako ng prisensya sa aking likod pero di ko ito pinansin dahil baka si Daseri lamang ito at mangungulit na naman.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon