Daseri's POV
Matapos kong maibuga sa kanya ang asul na apoy ay unti unting bumagsak ang lupang pinaangat ko hangang sa maramdaman ko na lang ang pagbagsak namin nito sa lupa.
Hindi ko alam kung papano ko nagawa ang mga ganitong bagay basta hinayaan ko nalang ang wolf ko na mismo ang kumontrol ng lahat dahil hindi pa naman ako sanay eh.
Bumangon ako dahil nawalan ako ng balanse kaganina nung bumagsak ang lupang tinutungtungan namin ni Lilith at teka...nasaan na pala ang bruhang iyon?
Hinanap ko kung nasaan na iyon at namataan ko ang isang pegura ng babae na natatabunan ng alikabok dahil sa nangyaring pagbagsak.Base sa presensya nya ay alam kong si Lilith ito ad hindi nga ako nagkamali dahil lumitaw na ang pagmumukha ng babaeng ito na syempre kamukha ko na walang ano mang bahid ng pinsala sa ginawa kong pag-atake.
Muli ko itong inangilan pero walang ano mang emosyon kang makikita sa mga mta nito at maging sa mukha nito.Alam kong malakas talaga ang babaeng ito pero hindi ako susuko dahil kailangan kong matalo ito.
"Kailan man ay hindi ka manannalo sa akin Daseri,baka nakakalimutan mo kung ano ako?hindi mo magagawa yan ng mag-isa lamang kaya wala kang laban sa akin,pasalamat ka na ngalang at hindi ko pinatay ang mate mong alpha dahil sa kanya inilipat ang unang puso ko at meron pa naman akong pagpapahalaga rito kaya pababayaan ko lang sya,pero oras na matapos ko na ang buhay mo pwede bang akin na lang sya?"
Tila may pang aasar pang sabi nito kaya mas lalo akong umangil at pinakita ko sa kanya ang mga ngipin kong gustong gusto ng lapain ang nakakinis nyang pagmumukha na kahawig rin ng mukha ko,BWISIT!!!!
"Do you think na papayag akong mangyari iyon?"isang boses ng batang lalaki ang nagsabi kaya pareho pa kami ni Lilith na patingin sa gawi nito at halos manlaki at tumulo ang aking luha dahil sa pagkabigla at saya dahil ang batang iyon ay kamukhang kamukha ni alpha at hindi rin ako maaring magkamali dahil sa nararamdaman kong lukso ng dugo ay sigurado akong anak ko iyon.
Nakasuot ito ng damit yata ni alpha dahil amoy ko ito,itim ang mga buhok nya,maputi sya,bilugan ang kanyang malalmig na mata,makapal ang kilay at meron syang manipis pero mapulang labi.Pero kung si alpha ay may maawtoridad na aura ang anak ko naman ay meron madilim at nakakatakot na aura at presensya.
Nakarinig ako ng isang pagsinghap at alam kong si Lilith iyon.Bahagyang nilingon ko ito at kita oo sa kanyang mga mata ang gulat at takot?bakit naman matatakot si Lilith sa anak ko.
"Papaano?paaano ka nabuhay? Nakita ko ang pagbagsak mo mula sa sahig kaya alam ko na maari iyong ikamatay!!at bakit lumaki ka na agad?"nalilitong tanong ni Lilith pero napaasik lang ang anak kong si Knight Zerion.
"Oh come on Lilith, don't tell me na nakalimutan mo na,dahil nasa katawan ni Daddy ang puso mo ang ibig sabihin rin nito ay meron taglay na itim na kapangyarihan ito kaya meron mga kakaibang abilidad si Dad tulad ng kaya nyang kontrolin ang isip at paghinga ng isang nilalang, kaya rin nyang pumatay sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata ng kalaban sampung metro mula sa kanya.Iyon diba ang isa sa mga abilidad mo....noon? "Sabi ng aking anak pero halatang binibitin nito.
Mas lalong kumunit ang noo ni Lilith kaya ipininagpatuloy ni Knight ang pagpapaliwanag at tinapos ang biniting sinabi nito kaganina.
"Ang abilidad mo na ito noon ay wala na sa iyo dahil na kay Daddy na ito,at si Mom naman ay nagmula sa Feora na may mga espesyal na kakayahan.Kung ang mga babae roon ay lumalaki matapos mahalikan sa mga lalaki naman ay pagtungtong ng dalawang linggo ay lumalaki na agad na sa edad na sampung taon."sabi ni Knight pero pari yata ako hindi parin maunawaan lahat eh.
"Ano bamg pinupunto mo at sabihin mo na agad dahil gusto ko ng malaman ang kasagutan!!"may pagkainip na sabi ni Lilith.
"Because I'm the son of King Dark Zerux and Queen Daseri Freya, I possess also the same but stronger power na galing sa magulang ko. Ako ang autoridad, itim na aura,nakakatakot na prisensya at demonyong nasa ama ko. Ako rin ang lakas,kapangyarihan na galing sa ina ko.I'm the product of their love and sacrifice . Dahil taglay ko na rin ang malakas na kapangyarihan madali ko na lang napapagaling ang sarili ko, kaya ko narin kontrolin ang kapangyarihan ko kaya nabuhay ako imbes na mamatay nung mahulog ako,nagawa ko rin lumaki dahil meron parin akong lahing Feora na nilikha mo. Yan ang mga kasagutan kung bakit ako buhay parin no matter how manny times you tried to kill me Lilith"

BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
Hombres LoboIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...