Third person's POV
Pumasok sa loob ng library ang Titania at ang Alpha king dahil nais ni Zerux na sya muna ang maka-alam ng tungkol sa kasaysayan ng Feora bago nya ilahad sa iba ang tungkol dito.
Kung pagmamasdan ang reyna ng diwata ay wala ni isang nakuha ang kanyang mate sa itsura nito,malayong malayo sa pagiging anak ng reyna ang itsura ni Daseri .
Pansin din ng alpha na may taglay talagang kagandahan ang mg fairy pero para sa kanya mas maganda parin ang kanyang mate.
"Ako si Layla Sari Grimaheart, fairy of the nature"panimula ng Titania na kinataka naman ng alpha.
Napansin naman ito ng Titania kaya nagsalita muli ito.
"Huwag ka nang magtaka dahil kahit nakatago ang aming kaharian ay alam naman namin magsalita ng ingles maliban nalamang kay Daseri dahil may pinagtuunan nya nangpansin ang pagkontrol ng kapangyarihan nya at pagbabasa ng sagradong lenguwahe ng mga fairy kaya wala syang alam dito."
Ngayon na intindihan na ng alpha kung bakit tila napaka ignorante ng kanyang mate pero napabilib parin sya nito dahil sa pursige ng kanyang mate na matuto.
"Sasabihin ko sa iyo ang kasaysayan ng aming kaharian para bakasakaling malaman mo rin kung ano ang dahilan ng moon goddess kung bakit nya ginawang mate si Daseri. "
Tumango lamang ang alpha at nakinig sa mga sasabihin ng Titania.
Layla's POV
"Bago pa man likhain ang mga tao at mga imortal ay merong isang napaka espesyal na nilalang ang nilikha ng mga diyos. Isang bagay na may napakalakas na kapangyarihan at kayang lumikha ng sariling mundo .
Nang nilikha ito ng mga diyos ay isa laman itong liwanag na may iba't ibang kulay na hugis bilog. Pero ito ay may sariling buhay,nakakarinig, nakakaramdam ,nakakapag-isip ,may mga emosyon at nakakapagsalita.
Isang boses babae qng matirinig sa bagay na iyon,nilikha sya para gabayan ang mga diyos at taga protekta sa mga lilikhain pa nila.
Ibinigay ito sa pangangalaga ng diyosa ng buwan ng magsimulang lumikha ang mga diyos ng tao at iba pang nilalang . Ganun din ang diyosa ng buwan, lumikha sya ng isang dimension para sa imortal na nakahiwalay sa mga mortal na tao.
Ang dimensyong iyon ay ang tendura , sa tendura ay mayroong apat na kaharian para sa mga mermaids, witch, vampire at werewolves.
Nasaksihan ito ng nilika ng mga diyos ,at hiniling nito na bigyan sya ng katawan para makalikha rin tulad ng diyosa ng buwan.
Dahil sa tulong ng mga diyos at diyosa ay nagkatawang tao ang dating bolang liwanag lamang. Nagkaron ito ng hininga,puso at katawan pero nananatili parin ang espesyal at malakas na kapangyarihan nito.
Itinuring na parang tunay na anak ng diyosa ng buwan at pinangalanan nya itong Lilith.
Isang espesyal na nilalang si Lilith ,hindi man sya maitutring na diyosa ay mas nakakahigit pa nga sya sa mga anak ng diyos at diyosa at sa lahat ng nilalang na nilikha nila,nakaya silang protektahan,isa syang napakalakas na sandata ng mga bathala pero para sa diyosa ng buwan ay anak na ang turing nya rito.
Palihim na nakikihalubilo sa mga tao at mga imortal si Lilith ,marami ang humahanga dito dahil sa kakaibang mga mata nya na kulay rosas pati ang buhok nito na rosas din ang kulay.
May mga digmaan ng naganap pero naprotektahan at kasamq si Lilith na nakipaglaban, dahil sa kakaibang kapangyarihan nya ay marami na syang digmaang naipanalo nya.
BINABASA MO ANG
Howl Of The Moon's Knight ✔ (Under Editing)
WerewolfIsang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan para sya ay maging malupit,walang puso at pinaka kinakatakutang Alpha King sa kasaysayan ng mga lobo. W...