Chapter 11 - Starting a new life

39.9K 1.1K 31
                                    


Daseri's POV

Narito ako sa hardin at tahimik lang na nakatanaw sa mga bulaklak,pinagmamasdan ko kung papano dumapo ang mga paroparo,maraming iba't ibang klase ng bulaklak pero ang pinaka paborito ko sa lahat ay ang pulang rosas na kasing kulay ng mga labi ko.

Ito kasi ang madalas makita sa Feora, pero mas maraming ibat-ibang kulay ang makikita roon.

May kulay ginto,asul,lila,kahel,berde at kayumangi,pero dito ko lang nakita sa kaharian ng alpha ang pulang rosas   na wala sa aming kaharian.

Habang pinagmamasdan ko ito,ay naalala ko na naman ang aking ina ,dalawang linggo na ang nakakaraan ng iwan nya ako

Flashback. ...............

"Ina wag mo akong iwan........"sabi ko kay ina habang nakayakap ng mahigpit sa kanya .

"Pero Daseri, hindi nakita maaring isama sa Feora dahil si Alpha Zerux ang nakatadhana para sa iyo at ang diyosa ng buwan ang nagtakda sa inyong dalawa kaya hindi tayo puwedeng sumaway"

"Pero ayoko na iwan mo ako.....pangako hindi na ulit ako sasaway sa mga utos mo....mas sisikapin ko pang maging mas malakas para protektahan ang Feora. ......basta wag mo lang akong iwan.....ayokong iwan ako ng Feora. ."sabi ko rito habang umiiyak.

Tumingala ako sa kanya at nakikita ko sa mga mata nya ang lungkot dahil sa gagawin nyang ito.

"Pangako...hindi na ako mangungulit kung tunay mo ba akong anak o hindi...basta wag mo akong iwan. ...dahil...dahil natatakot akong mag-isa"sabi ko na hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

Hinawakan nya ako sa magkabila kong pisngi bago ipagdikit ang aming noo.

"Hindi ibig sabihing kapag  iniwan kita ay mag-isa ka na lamang.....Daseri  mahirap para sa akin na gawin ang bagay na ito.....pero ito ang nakatadhanang mangyari,ang pagtagpuin kayo ng alpha....kailangan mong maging matapang at magpakatatag para sa sarili mo...dahil kailangan mo ng magsimula ng panibagong buhay ng hindi kaminkasama" paliwanag sa akin ni ina

"Pero ayokong mawala ka!!!!!!"sigaw ko habang umiiyak  pero naramdaman ko ang muling pagyakap sa akin ni Ina.

"Daseri...hindi naman ako mawawala,pero hindi na kita maaring isama sa Feora dahil dito na ang bagong buhay mo"hindi ako nagsalita at patuloy na umiyak.

"Daseri naalala mo ba ang palagi nating sinasabi kapag umiiyak tayo?"tanong nya sa akin kaya napatigil ako sa pag-iyak pero bakas parin ang mga luha ko.

"Hindi ibig sabihing kapag umiyak tayo ay mahina na tayo,ibig sabihin non ay mas lumalakas tayo dahil naging matatag tayo sa lahat ng pagsubok na dumating sa atin"sagot ko.

Ito palagi ang sinasabi sa amin ng mga nakakatanda,sa bawat luha na ibinabagsak ng mga mata natin ay mas nagpapalakas ng loob natin na para ipagpatuloy kung ano man ang nasimulan at kung magkamali man ay alam na natin kung ano ang susunod nating gagawin para hindi na tayo magkamali ulit.

Hindi porket umiiyak ka ay mahina ka na,dahil mas naging malakas ka sa nagdaang panahon at sa mga susunod pa na araw.

"Tama ka..maari kang umiiyak pero kinakailangan mong maging matatag hindi lang para sa sarili mo kundi para sa mga naniniwala sa kakayahan mo"sabi nya sa akin bago unti unting naglalaho ito.

Patutunayan ko na mayiging matatag ako kahit hindi ko na kasama si ina at ang mga kaibigan ko na maiiwan ko sa Feora, maaring hindi na ako ang magiging susunod na Titania pero kailangan ko parin maging matapang para sa bago kong buhay sa Tenderu.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon