chapter 17 -brother

35.1K 1K 34
                                    

Someone's POV

Kaganina ko pa pinapanood ang laban ni Daseri dito sa tinatawag nilang arena

Masasabi kong mas lalo syang naging malakas na pinapangambahan ko rin dahil sa kakaibang ugali nya.

Base sa aking obserbasyon ngayon , ay may mga oras na parang syang  ibang tao,
Malayo sa pagiging isip bata at makulit nito.

Nagbabagobago rin hindi lang kulay ng kanyang mata pati narin ang kanyang buhok ganun din ang pakikitungo nya sa iba.

Kumpara nung isa pa syang bata ay mas mabilis nya ngayong natututunan ang kanyang kapangyarihan at kakayahan sa loob lang ng maikling panahon.

Kuhang kuha nya ang istilo ng pakikipaglaban ni Lilith, kaya pakiramdam ko kapag nakikipaglaban sya ay para syang si Lilith, mahilig kumuha ng kaluluwa na kinakatakot ko.

Bukod sa kanya ay marami rin sumasagi sa isip ko tungkol sa alpha king na nagsasabing mate nya si Daseri.

Meron na akong na isip na rason kung bakit binigyan ng moon goddess si Daseri ng hindi rin pangkaraniwang mate.

"Magmamasid lang po ba tayo?mahal na prinsipe"tanong sa akin ng Zerra ng Feora na katabi ko ngayon.

"Hindi, naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon na makausap sya at ang alpha"sabi ko

"Napakaganda nya,tama nga ang hinala ko na magiging maganda sya kapag sya ay lumaki"sabi ulit nya habang nakatingin kay Daseri na napakaliksi makipaglaban.

"Alam ko na iyan noon pa man,kaya nga takot akong lapitan sya ng ibang lalaki dahil baka paglaruan lang sya nito"sabi ko

Hindi naman kami nahahalata ng ibang manonood dahil nakatago ang prisensya namin at nakasuot rin kami ng kapa na natatabunan ang aming mukha

Palagi ka sanang mag-iingat kapatid ko........

sabi ko sa aking isip bago tumayo at umalis

Third person's POV

"Pakiusap...wag mo akong papatayin..."pagmamakaawa ni Samantha kay Daseri.

"Pero may usapan tayo...kapag natalo kita akin ang kaluluwa mo"sabi naman ni Daseri at pinulot ang daladala nyang manika bago lumapit kay Samantha.

"Pakiusap ...kahit ano gagawin ko..kung gusto mo magpapakalayo layo na ako para hindi na kita magambala pa at ni alpha,ikaw na ang nanalo..ikaw na ang magiging luna,sumusuko na ako"

Biglang itinutok ni Daseri ang espadang dala parin nya.

"Sige pagbibigyan kitang mabuhay"sabi nito baho tumalikod at naglakad.

Pero sadyang traydor si Samantha, bigla itong Nag-shift at inatake si Daseri pero bago paman makagat nito si Daseri ay tumilapon na ito.

Nagulat ang lahat dahil sa kakaibang wolf na nakikita nila,para lang itong isang usok na may mga kalansay na pormang wolf.

"Anong nilalang iyan?"

"Wolf ba yan?"

"Pero bakit parang kalansay lang na may usok?"

Sabi sabi ng mga nanonood,pero nabigla sila ng mag katawang tao ito tpat nakilala nila na walang iba kundi si Roki.

"HOY PANO KA PUNTA DYAN!!!!"gulat na gulat natanong ni Sadri dahil nakaupo lang ito kaganina sa tabi nya.

Swabeng napangisi lang si Roki sa mga ito,dahil magmula ng mamatay sya ay nag iba narin ang anyo nya.

Wala na syang inner wolf pero kaya nyang ibajin ang anyo nya kapag kailangan sya ni Daseri, nagiging anyong kalansay sya ng isang lobo na napapaligiran ng usok.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon