Chapter 25 - Titania,Alpha vs Avera

25.9K 797 18
                                    

Narrator's POV

"Nagbalik na ako...."malamig na sabi nito.

Hindi makapaniwala si Roki sa nakikita,ang kaninang puro galos at sugat na katawan ni Daseri ay biglang nawala.

"Daseri..a-ayos ka naba"tanong ni Roki dahil tila hindi parin makapaniwala sa nakikita.

Unti unting humarap si Daseri kay Roki, at nang tuluyan na itong makaharap ay halos hindi sya makahinga sa nakikita.

Labis din ang kanyang pamumutla at takot sa Daseri na kaharap nya,hindi...parang hindi ito si Daseri dahil pula ang mga mata nito at iba rin ang aura na pumapalibot sa kanya,

Panganib.....

Yan ang unang salitang pumasok sa isip ni Roki habang kaharap si Daseri na tila ibang iba sa Daseri na kilala nya.

Ang kaninang gintong buhok nito ay unti unting nag iba ng kulay at naging kulay dugo,meron  ding naglalabasang itim na ugat sa katawan ni Daseri.

Dahan dahan pa nitong pinapaikot ang ulo na tila nag iinat,mayamaya pa may kung anong lumabas sa likod nito namas lalong nagpagulat kay Roki.

Mga pakpak!?

Bulong ni Roki sa sarili,ang bagay na lumabas sa likod ni Daseri ay mga pakpak pero hindi ito ang klase ng pakpak na katulad ng sa mga fairy .

Mas mukha itong pakpak ng ibon pero gawa sa metal,o mas tamang sabihin para itong mga espada na nakapormang pakpak sa likod ni Daseri.

Halatang matalim ang mga ito dahil narin sa matutulis na dulo nito,makinang ito pero halatang delikado kapag nahagip ka dahil maari kang masugatan.

Anong klaseng nilalang kaba Lilith? Muling tanong ni Roki sa sarili bago lumipad si Daseri na kasing bilis ng hangin.

Samantala.......

Patuloy na naglalaban ang alpha at ang avera,walang nais sumuko,walang nais magpatalo.

Aaminin ni Randish, malakas ang kalaban nya pero hangat napapaligiran sya ng tubig ay hindi mababawasan ang lakas nya.

Dahil sa tubig sya kumukuha ng lakas at ito rin ang ginagamit nya para panatilihin ang kanyang kapangyarihan.

Kahit paulit ulit ng inaatake ni Randish ang alpha ay hindi parin nya ito mapatumba,higit ito sa inaasahan nya,hindi pangkaraniwang lobo ang alphang ito.

Pinalibutan nito ang alpha ng tubig,nais nitong lunurin sya pero hindi nita nagtagumpay dahil isang malakas na angil ang pinakawalaan nito kaya parang papel na nahiwa lamang ang tubig.

Ito rin ang pinagtatakahan ni Randish dahil pano nito nagagawa ang ganong bagay sa kapangyarihan nya. Isa syang avera at hindi sya papayag na matalo nang ganun nalang.

Unti unting kumulimlim ang kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan,sa pamamagitan ng ulan ay mas magiging malakas sya!hanggat may tunig ay malakas sya.

Nagpakawala sya ng tubig ay direktang ipinatama iyon sa lobo ng alpha pero nakailag ito subalit dahil sa atake ay parang pinutol lamang ng espada ang mga puno sa paligid nito.

Iba na naman ang klase ng tubig na gamit nya,ang tubig na ito ay may kakayahang makaputol ng mga bagay kahit bakal o yari pa ito sa bato.

Nagpakawala na naman ito pero mas marami kaysa sa  nauna,napakaraming puno at mga halaman ang naputol at nadaplisan naman ang alpha kaya nagkasugat ito.

Muling umatake si Randish gamit ang tubig na nakakahiwa sa direksyon ng alpha,akala nya ay matatamaan nya ito pero ang kanyang tubig ay biglang nagyelo at nabasag bago bumagsak sa lupa.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon